Chapter 29

3 1 0
                                    

Lax's POV

"You should've told me! "Sigaw ko habang nagdadrive. Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Klyde at sadyang hindi talaga siya papatalo.

"Ehh, Sinabi ko na nga sayo diba?!"sigaw din niya kaya Napa poker face ako at iniliko ang sasakyan dahil naka U-turn ang daan.

"I mean, much earlier than now! " galit kong sigaw. Hindi ko gusto ang sinasabi niya sa akin ngayon at mas nakakasakit pa sa damdamin ang ibinalita niya!

"Athena! "Pagsuway niya. "Hindi mo alam kung gaano ka hirap sa akin na panindigan ka! At hindi mo alam kung gaano ka hirap ipaniwala sa kanila na hindi ako! Okay?! Hindi ako! "Sigaw din niya.

Nasasaktan na talaga ako. Bakit ba ngayon niya pa ito sinabi? Kung kailan ilang linggo na ang nagdaan ng malaman niya ito! Masakit ehh!

Oo, kahapon pa lamang kami nagkita muli pero sana sinabi niya! Hindi yung binabasag niya ang saya ng aming mga puso na nagkasama ulit kami! Sana sinabi niya ito noong sinabi niya sa akin ang kaniyang mga eksplenasyon para matanggap ko pa ng lubusan!

"Nahirapan ka palang panindigan ako? "Mahinahon ngunit malungkot kong tanong. Napansin kong natigilan ito. "Sana hindi mo nalang ipinaglaban ang pag ibig natin sa simula palang. Handa naman akong bumitaw ehh. "Pinipigilan kong pilit ang mga luha kong gusto nang umagos ng malakas. "Handa naman akong tanggapin na hindi na talaga. Pero bakit? Parang umasa lang ako? Akala ko ba, ipinaglaban mo ito? "Sabi ko sabay turo pa sa puso ko. "Sinabi mo sana Klyde. Kung nahihirapan ka pala sa akin, pinakasalan mo nalang sana si Cris--" naputol ang sasabihin ko ng magsalit siya.

"God knows that is not what I mean. "Mangiyak ngiyak niyang sabi. "Athena, please. Listen first. "Mahinahon niyang sabi ngunit hindi ko ito pinansin pa at nagsalita na lamang ng ibang lingwahe.
"Athena, wag namang ganyan. Hindi kita maintindihan. "Nagmamakaawa niyang sabi.

"Miérda! "Mura ko pa at umiyak. Hinampas ko ang manibela ngunit nandoon parin ang kontrol ko. "Bakit ba? Klyde? Hindi ba talaga ako sapat? Hindi ka ba talaga nakapaghintay? Hindi kaba umasa sa tadhana na balang araw at magkakabalikan tayo? Akala ko ba nananatili paring nakakapit ang puso mo sa ating estorya? Pero bakit?! "Iyak ko. Akmang magsasalita siya ngunit nagmura ako. "P*tang*ina! Totoo ba? Ikaw ang dapat umangkin sa nilalang na iyon? "Tanong ko.

"Athena, please. Makinig ka muna! "Pakiusap niya ngunit di ako nakinig. Mas masakit ang nararamdaman ko kesa sa pinagdadaanan niya!

"Nagtiwala ako sa iyo. Kahit na nangako akong di na kita iibigin at babalikan pa, pinili kong umasa sa tadhana dahil nandito kana! Nakatatak sa puso ko! "Giit ko at patuloy sa pag-iyak habang nagmamaneho.

"Athena, teka lang. Huminahon ka! "

"Paano ako hihinahon kung may iba kana palang dapat pagkaabalahan at mas tuonan ng pansin! "Sigaw ko kaya natahimik siya. "Hindi ko talaga mapigilan ehh, kaya nagpatuloy ako sa aking hakbang para sa atin klyde! Mahal kita ehh! "

"Totoo nga! Tanging sa mga pelikula't mga kwento lamang nagagawang maghintay ang mga lalake sa kanilang mga minamahal at magtitiis hanggang sa huli! Akala ko hindi dahil akala ko isa ka sa mga lalakeng katulad ng nasa mga kwentong pag ibig. Ngunit binigo mo ang tiwala ko! Isa ka pala sa mga lalakeng nasa tabi tabi at realidad !" Dismayado kong sabi kaya napayuko siya habang umiiyak.

"Patawarin mo ako! "Sabi niya at hakmang hahawakan ako ng iniwas ko sa kaniya ang mukha ko.

"Wag mo akong hahawakan. "Sabi ko. Kagabi pa lamang ay palagi ng may hawak na camera si Klyde, hanggang sa paggising ko at kanina bago kami nag away. "Kung ayaw mong marinig ang pinakamasakit na mga sarilitang di pa minsan umabot sa buhay mo. "Babala ko.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon