Wakas

11 2 0
                                    

Third person's POV

Ang makulimlim na langit, malakas na hangin at papalubog na araw ay hindi nakapigil kay Laxven na magpunta sa sementeryo upang bisitahin ang kaniyang unang pag ibig.

Hindi Man pumayag ang kaniyang mga kasama't kapatid, hindi ito napigilan ang pag alis ng Dalaga. Mag isa itong umalis at tanging payong lamang ang dala.

Ayon pa sa dalaga, hindi na niya kailangang magdala pa ng mga bagay pag kumunikasyon, dahil hindi naman nila kailangang malaman lahat ng gagawin at pupuntahan niya.

Dala dala ang isang dosenang puting Rosas, umupo si Laxven sa harap ng puntod ng taong kailangan niyang makausap sa huling araw niya.

Pilit niyang pinipigilan ang emosyon upang hindi umiyak. Dahil alam niyang hindi gusto ng lalaking nasa puntod na ito na umiyak siya. Ngunit sadyang hindi niya matalo ang kaniyang mga taksil na puso na umutos na hayaan ang mga luhang tumulo.

"Kumusta kana? "Tanong niya sa panghabang buhay na natutulog na lalaking nasa loob ng puntod. Batid niyang hindi na ito sasagot ngunit nais niya parin iparating ang magandang balita. "Sana masaya ka ngayon. Alam kong alam mong bukas na ang pinakamalaking araw ng buhay ko. Sana masaya ka para sa akin. "Gumaral ang boses niya kaya humagulhol tuloy siya.

"Patawad kung ngayon lang ulit ako nakabisita sa iyo matapos ang ilang taon simula noong nawala ka, tapos umiyak pa ako. "Pinahid niya ang mga luhang tumatakas sa kaniyang mga mata. "Miss na kita. At sa totoo Lang, hindi kita malimutan. "

"Akala ko noon, hindi ko kayang magmahal muli dahil ikaw lamang ang maaaring magpa-ibig sa akin. Ngunit, heto ako ngayon! "Mapait siyang napatawa habang tinitignan ang pangalan sa puntod. "Sana kahit hindi kita makita bukas, nandoon ka sa simbahan. "Ngumiti siya.

"Akala ko hindi na ako iibig pa pero akalain mo, Ikakasal na ako bukas. "Napayuko siya ng bahagya ng pumiyok ang boses niya. Napahugot siya ng hangin at muling inangat ang tingin. "Noon, sinisisi ko ang aking sarili dahil wala akong nagawa nang pakawalan mo ako para Lang sumaya ako sa hinaharap. Pero salamat ha? Dahil nakita ko na siya. "

"Salamat din dahil dumating ka sa buhay ko, Mahal na mahal kita. Salamat dahil tinuruan mo akong at gumalang. Salamat at tinuruan mo akong magmahal ng paulit ulit. Salamat dahil naging akin ka kahit sa ikli lamang ng panahon. Salamat Dahil inibig mo ako." nahihirapan na sa paghinga si Laxven dahil sa kaniyang pag iyak. Ngunit pinilit niya paring magsalita.

"Wag na wag mo kaming kalimutan ha? "Pilit niyang pinapakalma ang sarili ng nanumbalik sa kaniya ang mga ala-ala nila noong buhay pa ito.

"Paalam Tristan. Nais kong makausap ka ngunit hindi ko na maririnig pa ang boses mo. Lagi mong tatandaan. Hindi ka namin malilimutan at isa ka sa mga taong bumuo sa masaya kong nakaraan. "Aniya bago itinapat ang dalawang daliri sa kaniyang mga labi at hinalikan ito. Ang dalawang daliring kaniyang hinalikan ay kaniyang ginamit para hawakan ang pangalang nasa lapida.

Tumayo siya at ngumiti ng matamis na nakatingin sa puntod ng kaniyang unang pag-ibig bago inilagay ang bitbit na puting rosas sa gilid ng pangalan sa lapida at naglakad paalis ng sementeryo.

Tristan Flores, ang unang pag-ibig ni Laxven....

Kinabukasan

"Bilisan mo! "Balisang sigaw ng matalik na kaibigan ni Laxven na si Briddette na abala sa pag aayos sa mga kolorete na inilalagay sa mukha ng kaibigan. Nakangiti ito ngunit busy sa kaniyang ginagawa. Sinisigawan niya ang kanilang mga kasamahan at kaibigan dahil kailangan na nilang mauna sa simbahan.

"Hihintayin ka nalang namin, Mahal. "Kalmadong sabi ni Henry at nanatili sa likod ng asawa. "Sabay lang tayo doon. "

"Sesanghae?! "Hindi mapakaling sigaw ni Briddette at pinagpatuloy sa paglagay ng Blush on ang mukha ng Kaibigang ikakasal.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon