Lax's POV
Noong sinaunang panahon, ang pag ibig ay minsan lang naipaglalaban ng Matiwasay. Iilan lang yan sa sinabi ng lola ko noon sa akin sa panahon ng pananakop ng mga kastila.
Maswerte nalang daw siya noon dahil ang pinagkasundo sa kaniya ay si Lolo kung saan silang dalawa ay matagal ng nagmamahalan. Minsan nalang daw noon ang magkasintahan ay pinagkakasundo, dahil ang iba, sa iba ipinagkakasundo kaya naipaghihiwalay sila. O hindi nag kakatuluyan.
Maswerte si lola, habang ako? Hindi na nga kami ang ipinagkasundo, may iniwan pasyang bata kay Cristal. Masakit isipin yun, at ang hirap tanggapin.
Akala ko ba ako ang gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay? Akala ko ba naghintay siya? Akala ko ba kumakapit parin siya? Pero akala ko lang pala!
Nagpapakatanga kasi ako, at nabubulag sa pag ibig. Kaya hindi ko napansin na may ganun pala. Paano nalang diba? May kahati na nga ako sa oras niya, may anak pasyang dapat niyang bigyang pansin.
Ayoko ring maging masama at ipalaglag ang bata. Ayokong mandamay ng buhay ng tao. Ayokong may mawala dahil lang sa pag iibigan namin.
Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng makalanghap ng kakaibang hangin. Maputi ang paligid at parang nasa isang kwarto ako ng hospital. ---teka!
Nasa hospital ako! What am I doing here? Nagulat pa ako ng may apparatus na nakalagay sa aking bibig at ilong upang maihinga ko ng maayos ang oxygen !
Akmang babangon ako ng maramdaman kong masakit ang ulo't katawan ko. Kaya nanatili na lamang akong nakahiga at napalingon nalang sa paligid.
Private ang kwarto dahil ako lamang ang pasyenteng nandito sa kwarto na ito. Hindi pamilyar sa akin ang hospital na ito kung kaya't tatakas ako, kailangan ko pang magtanong.
Napatingin ako sa aking kamay ng mapansin kong may humahawak doon. Nagulat ako ng makita si Athex na natutulog habang hawak hawak ang aking kamay.
Nakasandal ang ulo niya sa mababang railings ng higaan ko. Stress ang mukha niya kahit na maamo itong natutulog. Naawa tuloy ako sa kaniya.
"Athex. "Mahina kong tawag at gumagaral ang boses ko. Ewan ko ba kung bakit paos ako. Hindi naman ako sumigaw noon--
Nadisgrasya kami ni klyde! Nabangga kami! Kaya ako nandito! Hindi ko nakontrol ang manibela at ayaw pumreno ng sasakyan!
Nakita ko namang nagising si Athex at mabilis na napalingon sa akin. Gulat siya ng makitang gising ako. "Ate, anong masakit? Okay kalang? May kailangan kaba? Sabihin mo. "Sunod sunod niyang tanong kaya umiling ako at ngumiti.
"Thank god! Akala ko nasali kana sa lindol! "Naiiyak niyang sabi at yumakap sa akin. Hindi iyon masyadong mahigpit kaya hindi nasaktan ang katawan ko. Yumakap naman ako sa likod niya.
"I'm fine. Wag kanang umiyak. "Mahinahon kong sabi saka kami kumalas sa yakap. "Nasaan si Klyde? "Tanong ko.
Unti unting nangunot anv noo niya at nagtaka. "Ate, wala si Kuya Klyde pagkasugod mo dito. " sagot niya kaya naguluhan ako.
"Pero siya ang kasama ko ng mabangga ang sasakyan na minamaneho ko. "Dahilan ko. Nagulat naman si Athex.
"Baka hindi siya nakuha ng Rescue team na kumuha sa iyo. "Nag aalala niyang tanong. Naguluhan tuloy ako masyado.
"Nasaan ang sasakyan? "Tanong ko.
"Sumabog daw. "Sagot niya kaya nagulat ako dun. What the heck?!
Kung hindi nakuha ng team si klyde at sumabog ang sasakyan, di kaya ----"HINDEEEEE" Sigaw ko at mabilis na kinuha ang aparatus sa aking bibig at pinilit bumangon.

BINABASA MO ANG
Moved
Teen FictionKung may kantang 'The MAN who can't be move '... Sa buhay nya, may sarili rin syang "The GIRL who can't be move". Masaya at malaperpekto na ang buhay nya, may mayamang buhay, malaking bahay, masayahing pamilya at magandang nobya. NGUNIT sa 'di inaa...