Chapter 2

21 4 0
                                    

Lax's POV

"Sigurado kang pupunta tayo ng canteen? "Paninigurado ni Sai sa akin.
Kanina pa'to ehh. Ka lalaking tao, nagpapaka OA. Tss.

"Oo nga! Alam mo nang gutom ang tao iniistorbo mo! "Biglang pikon na sabi ni kurt sa kanya.

"Tinatanong nga siya! Para sure ehh, no? "Pikon ding sabi ni Sai. "Malay mo, gusto niyang mag diet tapos pinapakain natin?!  Eh, kung mabadtrip ang dragonang iyan! " turo pa nito sa akin.

Napa-iling ako dahil sa ingay nila. "Wag nga kayong mag -ingay!   Para kayong mga bakla eh. "Suway ko sa kanila na ikinatahimik nila.

"Anong trip mong kainin Lax? "Tanong ni Kurt.

"Yung makakain na hindi poisonous. "Sarkastikong sagot ko. Sumimangot naman ito.

"Sana si Dette nalang kaya ang isinama mo. Pareho kayong loko eh!  Ang kaibahan nyo lang, tahimik ka, sya weather weather! " Explain niya na ikina-iling ko ulit.

Ng makapasok kami sa Canteen mabilis na nag tilian ang mga babae ng makita ang dalawa kong kaibigang lalake. At ang dalawang hambog naman ay nag wave pa. Mga feeling gwapo talaga! 

Hay, sikat ang dalawang ito dahil sa itsura at kayamanan nila. At dahil dito sa Decred University sila nag junior hanggang ngayong senior, ayun!  Sikat na sikat. Habang ako, transferee lang.

Childhood best friends ko na ang mga baduy na iyun, actually, apat kami. Ngunit ang isa, ay tulog pa hanggang ngayon!  Kaya iniwan namin. Alam naman naming papasok parin yun kahit late.

"Dito tayo sa table namin. "Yaya ni Sai at itinuro ang table.

Umupo ako doon at nag hintay sa dalawa na umorder ng pagkain. Actually, malaki ang school campus nila, pati na ang canteen. Hindi katulad ng ibang public schools na ang canteen ay may iilang table lang at hindi kinakasya ang dami ng estudyante.

Dito, kahit na maraming tao sa canteen, marami paring bakanteng tables. Siguro ganito ka yaman. Tss.

Kung alam nyo lang ang history.......

"Nandito lang pala kayo! " nabilga ako dahil sa boses na iyon sa harap ko kaya tinignan ko sya.

"Late ka kasi bumangon. "Sabi ko at tinuro ang upuan upang gamitin nya iyon.

"Akala ko naka-uniform kana. "Sabi niya.

"Hindi pa binibigay ni Dean ang uniform natin. "Sagot ko.

"Asan ang dalawa? "Taking niya. Mukhang madaldal ang mood ni Dette ngayon ah.

"Umorder. Nga pala, saan ka galing kagabi, babaita ka? " tanong ko na ikinamutla niya.

"Psh. "Singhal niya kaya tumawa ako.

"Tumahamik ka Lax. " suway niya ngunit nasasarapan ako sa pag pipikon sa araw niya. "Lax. "Warning niya ngunit wala parin."Di ka talaga natatalo no? "Suko niya.

"Malamang. "Hambog kong sagot.

"Eto na!  "Sigaw ni kurt na may dalang tray ng pagkain palapit sa amin. "Teka, napaaga ang gising mo, Dette."biro nito ng makita si Dette sa table.

Sumunod si Sai sa kanya at sabay silang umupo. Nakangiti nilang inilapag ang mga pagkain sa harap at yska kami kumain.

"11 na kasi ako naka uwi galing market. Trinabaho ko doon ang mga ka business ni aleng Flor. Alam nyo na ,ako ang naatasan sa trabahong yun." Explain niya.

"Ba't ba ayaw mong mag patulong sa amin,Dette ?" Tanong ni Sai.

(A/N : Dette is read as Det.)

"Ayokong mapangit kayo." Sagot nito at sumubo ng pagkain.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon