“Kate! Punasan mo na itong bintana ng sasakyan!” sigaw ni Papa sa’kin
Dali-dali akong tumungo sa kinaroroonan ni papa at binitiwan ko muna ang hose. Fifteen year old ako ng nagsimula kong magtrabaho sa pinagtatrabuhan ng aking ama. Bata pa lang ako sinasama na ako ni Papa sa pagka-carwash niya pag walang nagbabantay sa’kin noon sa bahay kaya natutunan ko ng husto ang kanyang trabaho. Dahil na rin siguro sa hirap sa buhay kaya nagtrabaho na rin ako kasama ni Papa. Siguro nga nakakatawa tignan na ang isang hamak na dalaga kagaya ko ay ginagawa ang trabaho ng mga lalaki. Well, I have no choice alangang mag inarte pa ako kaysa naman sa wala kaming makain at panggastos sa aking pag-aaral.“Naku! Aries hanga rin ako sa dalagang anak mo at nakuhang pumasok sa ganitong klaseng trabaho. Lalo na’t nag iisang babae lang siya rito.” sabi ng may ari ng nililinisan naming sasakyan na kausap ni Papa.
“Sa hirap ba naman ng buhay ngayon Anton wala na kaming pagpipilian pa.” sagot ni Papa
May punto si Papa dahil ang natapos lang ng aking mga magulang ay first year college. Kaya medyo hirap sa paghahanap ng magandang trabaho lalo na’t di sila nakapagtapos. Si mama naman ay nagtitinda sa bahay. Mayroon kasi kaming sari-sari store sa bahay para kahit papaano naman ay may pandagdag pa bukod sa trabaho namin ni Papa. Si kuya naman ay service crew sa isang fast food chain dito sa Manila.
Summer ngayon kaya araw-araw akong nakakasama kay Papa sa carwash. Pag kase may pasok na ako sa school ay tuwing weekends lang ako nakakasama.
“Kate, magligpit ka na para makauwi na tayo” ani Papa.
Grabe ang pagod ko ngayon ang dami kasi naming hinugasan. Sabado kase ngayon kaya maraming nagpapacarwash kaya mas malaki ang kita lalo na’t pag may nagbibigay pa ng tip.
“Natatandaan mo ba yung kausap ko kanina Kate?" tanong ni Papa sa’kin.
Napaisip tuloy ako. Ahh! Yung Anton ba yun?
“Sino po roon pa?” tanong ko rin.
“Si Anton yung Konsehal dito sa atin. Hay nakung bata ka!” suminghap sya.
“Ah! Siya po ba?! Hehe Bakit ano po meron sa kanya?” medyo nagtataka kong tanong kay Papa.
Humalukipkip si Papa at biglang nagseryoso ang mukha. Kahit na fifty years old na si Papa ay makikita mo pa rin sa kanya ang kakisigan. Honestly, his physical features are well-formed. His pointed narrow nose, brown eyes, tan skin, jet black hair and thin lips. Kahit na may wrinkles na ay kita mo pa rin ang kagwapuhan.
“Yung anak niya kasi ay uuwi rito galing ng US bukas kaya simula next week ay yun na ang magpapalinis ng sasakyan ni Anton dito sa atin dahil ipapagamit daw niya muna iyon sa anak niya bago niya ibili ng bago iyon.” Paliwanag niya.
“So what? If his son will use his car? Do you want me to prepare something for his son Pa? Papa-red carpet pa ko para sa pag uwi ng anak niya?” natatawa kong sagot sa aking ama.
Why?! I have a point naman. I don’t care kung ipagamit niya sa anak niya yung sasakyan niya like duh hello walang magbabago sa paglilinis namin sa sasakyan niya.
“ Katelyn!” pagalit na sigaw ni Papa
“Tss.”
“I’m telling you this thing right now dahil di ako makakasama sayo next Saturday dahil pupunta ko kanila Mang Kanor para gawin yung sirang Refrigerator nila. Ang gusto ko lang naman ay pakitunguhan mo ng maayos yung anak ni Anton na si Kyle Levi Mercado. I know you’re not fond of boys pero sana naman wag mong supladahan.” seryosong pakiusap ni Papa.
His name sounds familiar huh. Sa bagay anak ng konsehal kaya tiyak kilala iyan dito. Whatever!
“Fine! Ilang taon na po ba iyon?” he smirked.
“I’m just asking Pa! para malaman ko kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin ko para sa kanya” I rolled my eyes.
Iba na naman nasa isip ng ama ko. Di ako interesado sa mga lalaki noh!
“Twentyone years old...”
Uh-huh! He’s old. I’m only sixteen years old so limang taon ang agwat naming dalawa. Akala ko naman kaedad ko. Gosh! So what kung di mo kaedad Kate. Stop thinking ridiculous things. Focus on your studies and career tsaka na muna yang lovelife. Makakapaghintay yan pero ang magandang buhay hindi.
"Bakasyon naman ah bakit parang seryoso mo riyan sa ginagawa mong kung ano? Pag-aaral ba iyan?" tanong ni Kuya Karl.
Naghanap ako ng mga impormasyon tungkol doon sa anak ni Councilor Anton kaso nga lang free data ang gamit ko kaya di ko nakikita ang mga larawan.
"Ahh. Wala nag F-Facebook lang ako kuya..." I lied.
"Uh-huh about sa anak ni Councilor Anton huh. Hmm. Do you have a crush on him?" panunukso niya.
"N-No! I don't! I'm just searching some infos about him dahil magiging regular customer namin siya ni Papa." I said.
"So I should also do searching about our regular customers sa fast food chain na pinagta-trabahuhan ko? What do you think?" he laughed mockingly.
Tiningnan ko ito ng matalim. Wala talaga itong magawa kung hindi ang bwisitin ako.
"Heh!" pagtataray ko.
"Maligo ka na nga. Naamoy na kita." pang aasar pa niya tapos lumabas na ng kwarto ko ng tumatawa pa.
Bago niya maisara ang pintuan ay binato ko na ng unan.
"Susumbong kita kay mama!" sigaw ko.
Base on my research about Kyle Levi Mercado, He is now twenty one years old. He graduated at Brent International School in Civil Engineering. He is also a topnotcher. Now I know why girls admire him so much and he's single. Very Single. May nakahighlight pa na akala mo naman very interesting about him. 'He is a notorious playboy' Wow! As in Wow! Na-turn off tuloy ako bigla.
My phone beeped and I saw Ericka message to me.
Ericka:
Sis! Ang ultimate crush ko na anak ni Councilor Anton umuwi na galing US! He's back for good! Can't wait to see him!
Kaya pala naging pamilyar ang pangalan sa akin noong lalaking iyon ay dahil pala narinig ko na siya kay ericka. Paano ba naman kase halos magkikita kami ay natutulig na yung tenga ko sa kakakwento niya about sa lalaki na iyon.
Ako:
Yeah. Papa told me about that. He will be our regular customer simula next week sa carwash.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Genç KurguKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...