Chapter 24

8 0 0
                                    

Comeback

Handa na ang lahat. Nakapag impake na ako. Nakapagresign na rin ako sa pinagtatrabahuhan. Ganoon din si Kuya. Kaya nag hahanda na kami sa pag alis.

Sa Eroplano di ko maiwasang mag isip kung ano na kaya ang mga pinagbago ng Manila at pati na rin ang mga taong kilala ko roon. Pero ako, malaki na ang pinagbago ko. Di ko na hahayaan pang maliitin at laitin ako at ang pamilya ko. Kaya sa pagtapak ko sa Manila ay lilinisin ko ang pangalang sinira ng ibang tao.

Nakabili na kami ng bahay ni Kuya nung last month lang. Sa Manila kami nakabili at doon ngayon naninirahan sila Mama. Minsan nga pinag i-sleep over ko si Ericka roon para may kasama sila mama at papa lalo na't malaki ang bahay. Kaya nga noong nasabi naming nakabili na kami ay tiningnan agad iyon nila mama.

"Kate! Ang laki ng bahay tapos dalawa lang kami ng Papa mo rito. Sana makauwi na kayo para makasama namin kayo. Ang ganda at ang laki ng bahay" ngiting saad ni Mama

"Okay lang po iyan ma... Masanay na po kayo sa mga pagbabagong magaganap sa ating buhay... Uuwi rin po kami riyan para makasama niyo na po kami.." ngumiti ako.

"Mabuti naman! I miss you Kate pati ang Kuya mo... Itong bahay na binili mo ay parang mansion grabe ang layo na talaga ng narating niyo... Natutuwa ko dahil unti-unti niyo ng nakakamit ang mga pangarap niyo."

"Dahil po iyon sa pagtiyatiyaga niyo po para sa amin" I smiled at her.

Pagbaba ng eroplano ay nilanghap ko ang hangin. I'm back Manila!

I'm wearing a white v-neck shirt and jeans. Tumangkad akong bahagya dahil sa suot kong stiletto. Humangin ng malakas kaya sumabog ang nakalugay kong buhok. Sinuot ko ang aviator ko at naglakad na kasama si Kuya.

"Are you ready?" Kuya Karl asked.

"Ako pa ba?!" I laughed.

Kuya Karl is wearing a White t-shirt with a black coat and pants. Sinuot niya ang aviator at mayabang na naglakad.

"Yabang!" bulong ko sabay irap.

"What?" kunot-noo niyang tanong.

Ngumisi na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas ng airport ay may humintong sasakyan sa harap namin. Sports Car! A yellow lamborghini! Whoa! Ang angas!
Ang yaman naman ng may ari nito!

Di na maalis ang tingin ko sa sports car hanggang sa may lumabas na lalaki, driver. Inabot ang susi sa katabi ko kaya napabaling ako sa katabi ko. Si Kuya Karl! Siya may ari nito?! Kailan siya nakabili?! Di ko ito alam ah!

Halos kanina pa ko nakanganga habang nakangisi lang si Kuya sa akin.

"Gulat ka noh! Tara na! Isara mo yang bibig mo!" he chuckled.

"S-Sayo iyan?!" gulat kong tanong.

"Oo!" humalakhak siya.

Binuksan niya ang front seat para sa akin habang ako ay tinitignan ang buong sasakyan at hinawakan. Marahan kong hinaplos ito at di pa rin makapaniwala na may sports car na ang kapatid ko!

"Really?" I said, sounding amused.

"Kabibili ko lang nito. Kaya ikaw ang unang uupo diyan sa front seat" nakangisi  niyang sagot.

Habang nagmamaneho siya halos mangha ako. Di maalis ang gulat ang ngisi sa aking labi.

"Kuya! Di ako makapaniwala!" di ako makaget over!

"Sa susunod may mas ikagugulat ka pa!" natatawa niyang saad.

Kumunot naman ang noo.

"Ano?" nagtatakang tanong ko.

"Pakakasalan ko na ang kaibigan mo" my jaw dropped. My goodness! Kanina pa ako ginugulat nito ah!

"Kuya bakit sunod-sunod iyang mga panggugulat mo?! Ano? mukha kong mangha mula kanina pa"

"Nakakatawa nga reaksyon mo eh! Priceless!" Humagalpak siya.

"Tse! Binigla mo kasi ako!" pagtataray ko.

Nasa tapat na kami ng bagong bahat at lupa na aming nabili ni Kuya.

Lumabas ako ng kotse agad. Nakita ko ang mga kunot noo ng mga nakikiiusisang mga tao sa labas sa amin. Humarap ako sa kanila at tinanggal ang aking aviator.

Halos manlaki ang kanilang mga mata at malaglag ang kanilang mga panga. I look sophisticated in my red lipstick. I smiled at them and waved my fingers.

Pumasok na kami ni Kuya sa loob at mangha sa ganda ng bahay na nabili namin. Sumalubong sa akin ang mga katulong rito sa bahay. Nang makita ako ni mama ay niyakap niya agad ako pati si Kuya. Hinanap ng mata ko si Papa at nakita kong papalapit siya sa amin kaya lumapit na rin ako sa kaniya para yakapin. Mahigpit niya kong niyakap. Namiss ko ng sobra si Papa. Lalo na't siya ang kasa-kasama ko sa trabaho namin sa carwash.

Kaya naman mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. Ganoon din siya.

"Sorry Kate dahil sa nagawa ko ay pati ikaw nadamay pati ang relasyon niyo ni Kyle..." malungkot niyang sabi.

"Wala po kayong kasalanan pa... Ang importante ay magkasama na po tayo ngayon..." malungkot akong ngumiti.

Maraming pagkain ang nasa mesa akala mo ay fiesta. Narito rin si Ericka na mangiyak ngiyak dahil sa pagdating namin.

"Sis! Akala ko di na kita makikita muli" hikbi niya. Natawa naman ako. Napakaiyakin talaga nito.

"Syempre babalik ako para sa inyo noh" namuo ang luha sa aking mga mata.

Naging masaya at maayos ang naging tanghalian namin. Si Ericka ay nasa kwarto ni Kuya Karl siguro nag uusap ang tagal din nilang hindi nagkita.

"Manong pakisabi po kay Kuya Karl na may pupuntahan lang ako at gamit ko ang sports car niya" sabi ko sa driver namin.

"Sige po ma'am" inabot niya sa akin ang susi ng kotse.

Mabilis ko itong pinatakbo at huminto sa isang hotel. Kung saan naganap ang Engagement Party nila Levi at Angelica. Nipark ko sa parking lot ang kotse at tumungo sa restaurant ng hotel. I ordered a fruit shake at saka pinasadahan ang buong restaurant.

Sa kabilang table ay narinig ko ang pag uusap ng tatlong babae.

"Iyan ba yung anak ni Aries Gonzales? Grabe ibang iba na siya ngayon" manghang sabi ng babaeng nasa late twenties.

"Oo! Lalong gumadan at balita ko mayaman na yan ngayon"

Diba nila alam na naririnig ko sila. Hinaan naman nila ang pag uusap nila masyadong halata eh.

"Ano kaya ang mangyayari kung magkita sila ulit ni Kyle lalo na't nicancel ang engagement nila"

What?! Tama ba ako ng narinig. Nicancel ang engagement eh kitang kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng aking mga tenga ang announcement ng engagement party nila noon.

"Oo nga...Dahil umayaw si Kyle sa kalagitnaan ng engagement party. At binulgar ang baho ng mga Jimenez" sabi nung isang babaeng kaedad ko ata.

Baho ng Jimenez? What the fuck?! Bakit hindi ko alam ang lahat ng ito?

"Oo! Pinagbantaan ng isa sa Jimenez si Aries Gonzales na kapag di niya ginawa yung sa issue na video na kumalat na sinabi ni Aries Gonzales na may vote buying na naganap kay Councilor Anthony ay ipapatanggal niya ang scholarship ng mga anak ni Aries at tatanggalan siya ng trabaho kahit saan man siya magtrabaho. At gagawan niya ng kwento ang mga Gonzales para masiraan at mapalayas dito sa Manila... At gawa lamang iyan ng Daddy ni Angelica dahil desperado na silang makasal ito kay Kyle dahil pabagsak na ang business nila! Dahil alam nilang malapit ang Papa ni Katelyn sa Daddy ni Kyle lalo na't may naging relasyon ang dalawa kaya naman sa oras na magpakasal si Katelyn at Kyle ay papayag ang mga Mercado dahil matalik na kaibigan nila ang Gonzales kaya siniraan talaga sila ng mga Jimenez. "

Totoo ba ito? Kagagawan lahat ng Jimenez?

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon