Chapter 23

10 0 0
                                    

Soon

All I have to do is to make this pain they have caused me as a motivation to become better. Para sa susunod na magkita kami, nang mga taong lumait at nangmaliit sa'kin ay hindi na ako yung minamaliit lang. Bagkus ay pinupuri, titingalain at hinahangaan na.

"Stop drinking Kate!" pigil sa akin ni Tyler. I'm with my friends Tyler, Bryan, Casey, Jacob and Claudia. Nakilala ko sila rito sa Europe. Mga kasamahan ko sila sa trabaho dito.

And guess what? Most of my friends are boys. Dati, I'm not fond of them pero ngayon I know how to entertain boys very well. Malaki na ang pinagbago ko simula nung manirahan ako rito sa Europe sa loob ng tatlong taon.

"Hayaan mo na siya Tyler!" natatawang saad ni Claudia.

"Yeah! Claudia is right. She's having fun" dagdag ni Casey.

The boys are laughing.

"Oo nga hayaan mo na dahil baka ito na ang huling punta niyan rito dahil uuwi na yan sa Pinas..." natatawang sabi ni Jacob.

Uuwi nga pala ko next week dahil kay Mama.

"Are you sure? What if magkita kayo nung ex mo?" kunot noong tanong ni Bryan. Alam ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin sa Pilipinas dahil na ikwento ko sa kanila kaya tinulungan nila ko para malagpasan ang lahat ng iyon. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa kabutihan na ipinakita nila at pagmamahal sa akin.

Pinilig ko ang ulo ko. Lahat ng atensyon nila sa akin. Nasa isang bar kami ngayon dito sa Europe. Naisipan naming pumunta rito para magrelax mula sa nakakapagod na trabaho.

"He's not my ex... I don't care kung magkita kami... Uuwi ako para kay Mama hindi para sa kaniya!" umirap ako.

Naalala ko yung hirap ko pati na rin ni Kuya nung sumama ko sa kaniya rito sa Europe. Sa isang magandang banko ako nagtatrabaho. Nagsikap ako pati ni Kuya para matugunan ang pangangailangan namin dito sa Europe at sa pinadadala naming pera sa magulang namin. Nag ipon din kami para makabili na ng sariling bahay at lupa. Naging maganda ang trabaho namin ni Kuya rito lalo na si Kuya na minsa'y pumunta pa ng Singapore at Hong Kong dahil sa trabaho bilang architect.

Naalala ko yung unang taon ko rito. Halos gabi-gabi umiiyak ako hanggang sa kaya ko na dahil sa mga sumusuporta at umaasa sa akin kung hindi ang mga kaibigan ko.

"Uhh... May nabalitaan ako tungkol kay Kyle..." malungkot na saad ni Ericka sa aming video chat.

"Ayokong naririnig ang pangalan niya" mariin kong sabi.

Simula noon ay di na niya binanggit pa ang pangalan nun. Kaya naman ay nakamove on ako kahit papaano.

Halos gabi-gabi kaming nag uusap ni Ericka through skype ganoon rin ang mga magulang ko kaya naging magaan at maayos naman ang pamumuhay ko rito sa Europe kahit na namimiss ko sila.

Noong pumunta ko rito ay dineactivate ko lahat ng social media accounts ko at nagpalit na rin ako ng sim. Si Ericka lang at ang magulang ko ang may alam ng pag alis ko noon, ang iba'y di alam.

Nung nagdalawang taon na ako rito sa Europe ay binuksan ko na ulit ang aking social media accounts. Pero bago ko ideactivate noon ang mga accounts ko at in-unfriend at in-unfollow ko yung mga toxic people ayoko ng bad vibes sa news feed.

"Sis! Grabe gumaganda ka lalo! Mag uwi ka nga ng tubig diyan dito sa Pinas ng maipaligo ko sa akin" halakhak niya.

"Loka! Dalawang taon pa lang ako rito yan agad masasabi mo" I laughed

"Pumuti ka lalo! At saka nagmatured! Sumexy ka lalo nakita ko mga post mo sa instagram noh!"

"Tigilan mo nga ko" umirap ako ng pabiro.

"Naku! Kaya pati yung kaibigan mong pogi ay nagkakagusto sayo eh!  Yung Tyle yun diba?" gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniya labi.

I sighed.

"Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya." malungkot kong saad.

Naikwento ko sa kaniya ang pag amin sa akin ni Tyler tungkol sa nararamdaman niya para sa akin. Patuloy pa rin akong sinusuyo ni Tyler hanggang ngayon kahit na sinabihan ko na siyang tumigil dahil... I'm still inlove with the person I met three years ago...

"I love you Kate..." hinawakan ni Tyler ang kaliwang kamay ko at saka hinalikan.

"I'm sorry Tyler but I love you as a friend only. Nothing more..." I gave him a small smile.

"I know... Just give me a chance to prove it to you... I love you more than friends Kate... So let me court you..." desperado niyang sinabi.

Bumuntong hininga ako bago yumuko.

"I'm sorry Tyler... But I'm not ready for that. Excuse me!" saad ko at saka umalis.

Hindi ko pa kaya magmahal ng ibang tao o makipagrelasyon man lang sa iba dahil mahal ko pa rin si Levi. Wala na akong gaanong balita sa kanilang dalawa ni Angelica. Siguro baka may anak na sila. Ang nabalitaan ko lang kay Levi ay napakasuccesful niya ngayon bilang isang Engineer kaya sikat na sikat siya.

"Kate may sakit ang Mama mo. Medyo malala kaya kung sana ay umuwi muna kayo ng kapatid mo..." mahinang sabi ni Papa. Ramdam ko ang lunkot sa boses niya kaya di na ako nagdalawang isip na magpabook ng flight for next week. Magreresign muna ko sa trabaho ko at sa Manila muna ko magtatrabaho para mabantayan si Mama ganoon din ang naging desisyon ni Kuya.

Kaya nga heto ko ngayon nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko bago umuwi.

"Mukhang nakamove on ka na talaga dahil sa sinabi mo huh!?" Casey smirked.

"Hmm... Maybe..." tinignan ko ang buong paligid ng bar.

I'm wearing a Strapless Smocked-Waist Dress and Pumps. My hair is in a high ponytail.

"Basta wag mong kalimutang tumawag ah" malungkot na saad ni  Claudia.

Uhh... Mamimiss ko itong mga toh!

"Syempre hindi noh! Eh may mga utang pa kayo sa akin kaya bakit ko kakalimutang tumawag!" biro ko.

"Ulul! Ikaw nga may utang sa akin eh! Sabi mo lilibre mo ako!"  natatawang biro ni Jacob.

"Leche! Wag kang gawa-gawa riyan! Wala kong sinasabi noh!" I chuckled.

"Kailan ka babalik dito?" seryosong tanong ni Tyler kaya natahimik kami sa pagtawa at napabaling sa kaniya.

"I don't know..." nagkibit balikat ako.

"Just update me when you're in Manila" he said. Tumango na lang ako ayoko ng makipagtalo pa sa kaniya dahil sa patuloy na panunuyo niya sa akin.

Tumikhim si Bryan.

"Nice one bro! Boyfriend ka ba?" biro ni Bryan.

Nagtawanan naman lahat pero si Tyler ay matalim na tiningnan si Bryan.

"Easy bro! He's kidding" awat ni Jacob kay Tyler.

"Not now... But soon..." saad ni Tyler kay Bryan. Ngumuso si Bryan dahil sa nagbabadyang ngiti.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon