Jealous
I immediately log in to my facebook account then I saw a picture that my heart skipped a beat.
Angelica Jimenez is with Kyle Levi Mercado. Hawak ni Levi ang baywang ni Angelica. Nakangiti si Angelica samantalang si Levi ay seryosong nakatingin sa kaniya.
Binasa ko ang comments.
'They look good together'
'Engagement Party!'
'Congrats to the both of you'
'Kaya pala nagtagal si Kyle abroad because she's with Angelica'
'Sabi ko na eh! I know that they are in a secret relationship'
Ni-log out ko na lang agad ang aking facebook account dahi hindi ko na kinakayanan ang mga nababasa ko at nakikita ko.
My tears pooled in my eyes. Pinigilan kong wag tumulo iyon dahil kasama ko si Levi.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay kinalas ko na agad ang aking seat belt.
"Thanks!" sabi ko ng di tumitingin sa kaniya. Bababa na sana ko ng bigla niya kong hinila ang braso ko kaya napalapit ako sa kaniya.
Parang mas lalong pinipiga yung puso ko ng makita ko ang mga mata. Nang makita ko siya ng ganitong kalapit. Yung akala kong para sa akin na ay nakalaan na pala sa ibang babae. Maybe I really don't deserve him dahil magkaiba kami ng estado sa buhay at malayong malayo kami. Isa lang naman akong hamak na babae na nagtatrabaho sa carwash para sa pag aaral ko. Siya naman ay mula sa mayaman at kilalang pamilya.
"Are you okay?" pinagmamasdan niya ang mga mata ko.
"Oo naman... I'm just tired..." I smiled wickedly
"Text me what you're doin hmm. Good night..." nag aalala ang nakikita ko sa mga mata niya.
Tumango na lamang ako. Nagulat ako ng bigla niya halikan ang noo ko. He stared at me for while bago ko bumaba.
Tinawagan ko agad si Ericka para makakalap pa ng impormasyon tungkol doon sa picture.
"Hello..." di ko na napigilang humikbi.
"Shit! Sis! Are you okay? Nakita mo na ba? Where are you?!" sunod-sunod niyang tanong.
"Oo n-nakita ko na... h-hinatid n-niya ko rito sa bahay..." hikbi ko.
"Gosh! Stop crying sis! He don't deserve your tears!"
"Totoo ba iyong nasa facebook?" I asked
"Honestly, Yes sis! Nag search ako ng mga infos kung totoo ba iyon o hindi dahil baka malay mo edited lang or formal picture lang because of business... Nagsearch ako kung saan ba talaga mismo ang lugar ng kinuhanan ang picture na iyon at nalaman kong... sa Singapore..." bigo niyang paliwanag
Mas lalo lang akong humikbi.
"Nalaman ko ring parehong araw silang dalawang umalis patungong Singapore... Sorry sis ayoko sana sabihin lahat ng ito sa iyo pero ayokong magsinungaling o manahimik at ayokong magmukha kang walang alam sa mga nangyayari. Para makasigurado tayo ay mas mabuti kung tatanungin mo siya" pagpapatuloy niya.
Buong gabi akong nag isip at umiiyak. Kaya paggising ko namumugto ang mata ko. Walang magbabago. Kailangan maging normal ang araw ko at iiwasan ko muna siya. Dahil baka maiyak lang ako sa harap niya dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nagmake up ako para matakpan ang namumugto kong mata. Pumasok ako na parang walang nangyari. Buong klase lumulutang ang utak ko dahil sa ibang bagay nakatuon ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Novela JuvenilKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...