Chapter 14

9 0 0
                                    

I miss you

Tatlong araw ko nang iniiwasan si Levi simula nung nakita ko ang larawan na magkasama silang dalawa ni Angelica. Nagrereply pa naman ako sa texts niya pero madalang na rin. Laging nakapatay ang cellphone. Sabay kami lagi ni Ericka umuwi. Bahay at School lang muna ko. Di na muna ko magca-carwash.

Sa totoo nga lang ay matagal na kong di na nakakapagcarwash na dahil pinapatigil na ako ni Kuya dahil sa may trabaho na siya. Naghahanda na rin siya ng mga papeles niya para magtrabaho abroad kaya gusto niyang wag na ako magtrabaho dahil siya na ang magpapaaral sa akin. Di na nagtatrabaho si Papa dahil sa kagustuhan din ni Kuya. Pero sumaside line minsan si Papa dahil ayaw raw niyang walang ginagawa.

Naging mahirap sa akin ang pag iwas kay Levi lalo na't nakita noon ang kotse niya sa labas ng bahay namin . Sinabi ko na lang noon na wala ko sa bahay at kasama ko si Ericka.

"Hanggang kailan mo iiwasan si Kyle?" tanong ni Ericka.

"Hanggang sa kaya ko pa..."

"Alam mo sis bakit di mo na lang siya tapatin di yung umiiwas ka?" humalukipkip siya.

"I need space... At saka masakit malaman ang katotohan... kung totoo nga iyon" malungkot kong sagot.

"Sa bagay... Cheer up sis! Nandito lang ako palagi para sayo" ngiti niya ngunit kita sa mata niya ang lungkot.

"Punta lang akong library sis may gagawin lang ako" paalam ko.

Tumango naman siya.

Kumuha ako ng mga libro tungkol sa accounting. Kailangan ko mag aral lalo na't mahirap itong kurso ko.

Habang nagbabasa ay may napansin akong umupo sa harap ko. Hindi ko iyon tiningnan. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Kalahating oras na ang lumipas ngunit napansin kong naroon pa rin yung umupo sa harap ko kaya binalingan ko na ito.

My eyes widened. Halos di ako makahinga o makalunok man lang. Si Levi ay nakaupo sa harap at mariin akong tinititigan. Kita ko ang galit at dilim sa kaniyang mga mata na siyang nagpanginig ng aking tuhod. Gusto ko sana tumayo para makaalis pero di ko nagawa dahil sa tingin niyang di dapat ipinagsasabahala.

Tumikhim ako.

"Hmm... Uhmm... N-Nandiyan k-ka pala..." I looked away.

"Uwian niyo na diba? Let's go..." tumayo at dumiretso palabas ng librabry.

Di ako agad nakatayo agad dahil sa gulat at kaba na nararamdaman ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kadilim ang ekspresyon niya at mukhang kakabahan ka dahil parang bibigyan ka niya ng isang mabigat ng parusa dahil sa kasalanan mo.

Tumayo ako at sinoli ang mga libro bago sumunod sa kaniya. Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko siyang nakasandal sa pintuan ng front seat. Nakatingala at nakapikit. Napadilat dahil naramdaman niya ang paglapit ko. Tinignan niya muna ko bago binuksan ang pintuan sa front seat. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa takot pero pinilit ko ang sarili ko na ibalik ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya.

Sinarado niya agad ang pinto at umikot papunta ng driver seat. Pagkapasok niya ay nakatingin siya sa katawan ko.

"B-Bakit?" tanong ko ng nauutal.

Lumapit siya sa akin kaya nagulat ako. Di ako makagalaw. Shit! Anong gagawin niya?!

Naramdaman ko ang paghinga niya sa aking pisngi. May inabot siya sa aking gilid. Seatbelt! Fuck you Kate! Ang tanga ko! Sa sobrang kaba at lutang ko nakalimutan kong magsuot ng seatbelt.

"Seatbelts" bulong niya.

Huminga ko ng malalim ng lumayo na siya pagkatapos niya makabit. Nagsimula na siyang magmaneho at di ko alam kung saan niya ko dadalhin. Wala ni isa ang naglakas ng loob na mag usap kami hanggang sa makarating kami sa condo niya.

Sa elevator ay kaming dalawa lang at halos mabingi ako sa katahimikan. Bumukas ang elevator dahil nasa tamang palapag na kami. Dire-diretso ang lakad niya papunta sa unit niya kaya sumunod na lang ako hanggang sa pagpasok. Sinara ko ang pintuan at nanatiling nakatayo roon.

Umupo siya sa sofa at bumaling sa akin.

"Sit here" nilahad niya ang tabi niya

Pumunta naman ako roon at umupo.

"Mag usap tayo" he said with his natural husky voice.

"About what?" matapang kong tanong.

"About what are you thinking... Because I'm so fucking crazy thinking about what's on your mind..." he groaned.

"Wala naman" that was a lie.

Binuhat niya ako bigla at nilagay sa kandungan niya.

"What is it? Tell me..."

"Bakit may alam ka ba na hindi ko alam" pagtataray ko

Pumikit siya ng mariin at nakarinig ako ng mahinang pagmumura.

"What? What's the problem? Tell me baby... Para maayos natin. Hindi yung iniiwasan mo ako.

My heart pounded. He's intimidating...

"Wala naman... Masaya ko para sa inyo ni Angelica. Nabigla lang ako sa balita na engage na kayo... Sana naman sinabi mo sa akin agad para mabati kita. Congrats!" pilit kong ngumiti.

"Fuck!" bulong niya.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit mo ko iniiwasan?" nag aalala niyang tanong.

"Y-Yes"

"She's not my fiance... Nakita mo yung picture sa social media?"

Tumango ako.

"Kailan pa?"

"Apat na araw na ang nakalipas..." nakayuko kong sagot.

He kissed my cheek then my ear.

"Kung di pa kita dinala rito di ko pa malalaman ang dahilan hmm." ramdam ko ang paghinga niya sa aking pisngi.

"That was three years ago... Sa Singapore. Hindi ko alam na naroon din siya sa business event na iyon... Hawak ko ang baywang niya dahil medyo lasing na siya. Kaya sa picture na iyon ay sinasabihan ko na siyang umuwi na" paliwanag niya.

"Walang namamagitan sa aming dalawa. Mga ibang tao lang ang nagbibigay ng malisya. Kinausap ko na rin siya na idelete ang picture dahil magiging issue lang iyon... At wala siya para sa akin. Ikaw lang ang para sa akin..." halos pabulong na lamang ang huli niyang sinabi.

Parang nabunutan ako ng tinik sa mga sinabi niya. Nakahinga na rin ako maayos na walang nararamdamang sakit dahil nalinaw na sa akin ang lahat.

"S-Sorry..." I whisphered then my tears started to fall.

"You don't have to. Ako nga dapat... I'm sorry if I didn't tell you about that. Di ko naman akalaing iba ang pagkakaintindi nila roon." his jaw clenching but his eyes looking at me softly.

Naramdaman ko ang pagtaas ng kaliwang kamay niya mula sa aking baywang na ngayong ay nasa gilid ng aking dibdib, kaya nahahawakan niya ng kaunti ang gilid ng aking dibdib.

Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

"I miss you" he kissed me softly

He stopped. Kinuha niya ang aking kamay na nakahawak nasa kaniyang dibdib at sinabit sa kaniyang batok.

"I miss you too..." I whisphered then I kissed his lips.

Mababaw ang pagkakahalik ko ngunit mas matagal ito. Pareho kaming tumigil at hinahabol ang hininga.

"Kahit anong iwas mo, lalapit at lalapit pa rin ako sayo" he kissed my forehead.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon