Kiss
"Papatulong sana ako sa'yo sis" seryosong sabi ni Ericka sa akin.
"Ano naman iyon?" pagtataka ko.
"Diba sabi mo every saturday nagpapalinis ng kotse yung anak ni Konsehal Anton na si Kyle Levi?" unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Hmm. Oo. Bakit? Magtatrabaho ka na rin sa carwash every saturday?" natatawa kong tanong.
"Hindi! Baliw!"
Humalakhak na ako dahil sa nakakatawa niyang reaksyon. Mukhang may ipapagawa na naman sa akin ito na nakakatawa. Iba talaga ang takbo ng isip nitong kaibigan ko.
"Ah. Kase susulat ako ng letter para kay Kyle Levi tapos ibibigay ko sayo"
"Bakit sa akin mo ibibigay? Eh hindi naman ako si Levi" tawa ko
"Ganito kase iyon... Naku sis ah! Naloloka na ako sayo!" pareho na kaming natawa.
"Ibibigay ko yung letter sa iyo tapos irerewrite mo sa isang magandang papel kase alam naman natin na yung sulat ko ay parang binagyo kaya yung sulat mo na lang. Tapos bibigyan kita ng kulay pink na sobre na ipaglalagyan ng sulat. Ikaw na dumiskarte kung paano mo ibibigay kay Kyle iyon" ngiti niya.
Gagawin pa niya akong messenger ah. Di bali na basta para sa kaibigan ko go lang. Kaya lang paano ko ibibibigay iyon kay Levi... Alam ko na! Iiwan ko sa loob ng sasakyan niya!
"At saka di ko lalagyan iyon ng pangalan ko. Nakakahiya! Secret admirer lang muna ako. Basta ikaw na bahala magdesign nung letter ah"
"Oo na!" irap ko sabay tawa.
"Talaga! Yehey! Ito na yung letter oh... May trabaho ka sa carwash mamaya diba? Kaya makikita mo siya" she smirked like an idiot. Inabot na rin niya yung sinulat niyang letter para kay Levi.
Ewan ko ba I prefer calling him Levi than calling him Kyle. Halos lahat Kyle ang tawag sa kanya. Basta ako gusto ko yung Levi... I mean yung tawagin siya sa second name niya na Levi.
"Yeah" tamad kong sagot.
Pagkaalis ni Ericka sa aking kwarto ay binasa ko yung letter na sinulat niya.
Dear Kyle,
Hello Kyle! Masaya ko dahil nakita kita muli. Sa totoo lang ay matagal na kitang hinahangaan. At saka kilala mo ako nasa paligid mo lang ako. Sana mapansin mo na ako. Gusto ko sanang mapalapit sa iyo dahil sa ang pogi mo! Hindi ko muna sasabihin kung sino ako dahil naghahanap pa ako ng tamang oras para diyan. Pero magpapatuloy ako sa pagsusulat ng liham para sayo. Ingat ka palagi! Bye! Mwah!
Nagmamahal,
-------------Sumakit yung tiyan ko kakatawa sa sulat ng kaibigan ko. Hindi ko akalain na masyadong makaluma itong si Ericka. Inumpisahan ko na ang pasulat nito at may dinagdag ako. Masyado naman kasing puring-puri si Levi sa sulat baka lumaki yung ulo.
Dear Kyle,
Hello Kyle! Masaya ko dahil nakita kita muli. Sa totoo lang ay matagal na kitang hinahangaan. At saka kilala mo ako nasa paligid mo lang ako. Sana mapansin mo na ako. Gusto ko sanang mapalapit sa iyo dahil sa ang pogi mo! Hindi ko muna sasabihin kung sino ako dahil naghahanap pa ako ng tamang oras para diyan. Pero magpapatuloy ako sa pagsusulat ng liham para sayo. Sana wag lumaki ang ulo mo dahil sa nilalaman ng sulat ko... Ingat ka palagi! Bye! Mwah! Pwe!
Nagmamahal,
Matinong BabaeOkay na ito di naman malalaman Ericka yung mga dinagdag ko. Saya kasi pagtripan nung lalaking iyon.
Tinupi ko ito at nilagay nasa kulay pink na sobre. Masyadong plain baka pag nilagay ko ito sa sasakyan niya ay baka di niya pansinin. Ano kayang maganda ilagay para kapansin-pansin ito. Dapat yung seductive.
Alam ko na!
Kinuha ko yung red lipstick na binigay sa akin ni mama noong birthday ko. Hindi ko pa ito nagagamit. Humarap ako sa salamin at dahang dahan kong inilagay ito sa aking labi. Kinapalan ko para pulang-pula. Kinuha ko iyong sobre at idinampi ang aking labi doon sa may gitna. Then tadah! May perfect kiss mark nasa ginta ng sobre. Kaya medyo dumikit lalo ang pagkakasara ng sobre. Di ko kasi alam kung anong seal ang magandang ilagay dito that's why I sealed it with a kiss.
I'm wearing a color white unisex ringer tee and soft jogger pants. Ayoko muna mag short dahil customer ko mamaya si Levi. Kung makatingin pa naman iyon sagad sa buto tapos ang seryoso pa.
Nagdala na rin ako ng sling bag na ang laman ay ang cellphone ko, face powder,lip tint, wet wipes at yung letter na pinagawa ni Ericka.
I clean the interior. Si John naman ang naglilinis ng wheels and tires. Ang iba ay nililinis ang exterior.
Kanina pa sunod-sunod ang dating ng mga sasakyan kaya pare-pareho kaming busy sa ginagawa namin. Nang natapos na ako ay naghugas ako ng kamay at winalisan ang paligid. Basang basa at puro bula ang lupa kaya winalisan ko muna. Maya-maya ay dumating na ang hinihintay ko. Lumabas si Levi sa sasakyan at may kasamang babae. Nagsama pa talaga ng babae dito sa carwash ah.
Lumapit na lang kami sa kotse niya at nagsimula ng linisin. Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.
"Kyle sa condo mo tayo" malambing na pagkakasabi ng babae kay Levi at hinagod ang hita nito. Napakurap ako sa ginawa nito. Napatingin naman ako kay Levi na seryosong nakatingin sa akin. What the?! May binulong siya sa babae na ikinalungkot ng mukha ng babae. Ano naman kaya iyon?
Naalala ko agad yung sobre na ilalagay ko sa kotse niya. Dahil malapit na kami matapos ay umalis muna ako para pumasok sa loob at kunin yung sobre.
Inipit ko ito sa soft jogger pants ko. Lumapit ako sa kotse niya nakabukas yung driver seat dahil naglilinis si John doon.
"Ako na rito John" presinta ko.
"Sure ka?" tumango naman agad ako at ngumiti. Nagtataka naman ang reaksyon niya. Inilagay ko sa likod ng manibela yung sobre. Pagkatapos ay isinarado ko na yung pintuan sa driver seat.
Pagtalikod ko ay bumulaga sa akin si Levi na nakakunot ang ano. Baka nakita niya yung paglagay ko ng sobre pero tinted naman ang bintana ng kotse niya.
"T-Tapos... na po s-sir" nautal ako dahil sa kaba.
"Uh-huh!" nakatingin lang siya sa akin. Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako roon kaya binitiwan niya agad. I swallowed hard then I looked away.
"It's already twelve o'clock. Do you eat your lunch?" seryoso niyang tanong.
"N-Not... yet" my heart pounded.
"I brought you foods. Nasa loob. Eat..." tinuro niya yung sa loob ng pinaglagyan ko ng bag ko.
"Salamat!" tumalikod na ako at pumasok nasa loob.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Novela JuvenilKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...