Truth
Nagising ako dahil sa naramdaman kong marahang paghaplos sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mgat mata ay nakita ko siya na nakatingin sa akin. Nakatakilid siya at nakapatong ang ulo sa kaniyang braso. He's half naked. Napatingin ako sa kaniya at natulala sa abs niya Napalunok ako.
"Good morning" baritonong boses niya.
"Morning..."
Kinuha niya maliit na table at pinatong sa ibabaw ng kama.
"Let's eat" aniya
Eh isang pinggan at baso lang ang nandito. At isang spoon and fork. Pero halos puno yung pinggan ng pagkain. Ang dami di ko kayang ubusin ito.
"Huh? Nasaan ang iyo?"
"We'll share"
Practice ng graduation namin ngayon. Kaya di maalis ang ngiti sa aking labi. Isinantabi ko muna ang aking mga problema dahil sa wakas ay makakagraduate na ako. Makakapagtrabaho na ako kaya matutulungan ko na ang pamilya ko para makaraos sa buhay.
"Congrats Kate! Magna Cum Laude ka!" bati ni Francheska, kaklase ko.
"Maraming Salamat!" ngumiti ako
Nagbreak muna dahil kanina pa kami nagpapractice for graduation kaya naglakad ako papunta ng CR para maghilamos.
Habang naglalakad ay naririnig ko ang ilang bulungan ng mga estudyante at matalim na nakatingin sa akin. Imbis na pansinin ay dumiretso na lamang ako.
"Porket ga-graduate ng Magna Cum Laude akala niya matatanggap na siya ng pamilya ni Kyle"
"Itutuloy na nga ang Engagment party nina Angelica at Kyle eh"
"Mga maninira pa ang pamilya niyan palibhasa ay mahirap kaya gumagawa ng paraan para mapansin at magkapera"
"After graduation ata ang party!"
"Kawawang Kate!"
Pagpasok ko ng CR ay nilock ko agad pintuan. Wala namang estudyante sa loob kaya nilock ko muna dahil gusto ko mapag isa. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Ako... Ako lang naman ang naghahangad sa isang tao na talagang hindi naman mapapasaakin. Siguro tama nga sila... Ginagamit lang ako dahil bakit mag aaksaya ng oras at pera si Levi kung hindi niya ako mapapakinabangan. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito dahil aping api na ako pati ang mga pamilya ko. Ibibigay ko na lang ang gusto nilang makuha dahil kung tutuusin hindi lang sa kanila umiikot ang mundo ko. Mas dapat kong intindihin ang pamilya ko kaysa sa kanila. Kaya buo na ang desisyon ko...
Sasama ako kay Kuya after graduation...
Magsisimula ulit ako...
"Uhmm. Ma'am di ko na matatapos ang practice. Uuwi muna po ako.. Masama po pakiramdam ko... Pasensya na." saad ko sa Prof namin na si Mrs. Garcia
"Naku! Magpahinga ka muna baka kung mapaano ka pa tutal alam mo naman na ang gagawin dahil nakapagpractice ka naman din na. Ingat ka" nag aalala niyang sinabi.
"Salamat po..."
Nag general cleaning na lang ako sa bahay imbis na magmukmok sa kwarto ko. Pumunta ko ng kusina para kumuha ng tubig. Biglang tumunog yung cellphone ko dahil sa tawag.
"Sis!" sigaw ni Ericka. Jesus! Muntik ko ng maibato ang cellphone ko dahil sa pagkakagulat sa sigaw niya.
"Ano ba?! Nakakagulat ka naman eh!"
"Pumayag na raw kayo sa offer ng mga mercado?! Tuluyan ng ipapagiba iyang mga bahay diyan sa inyo?! Paano kayo? Saan kayo titira?!" naghi-hysterical na tanong ni Ericka.
Bumuntong hininga ko.
"Oo pumayag na ako. Kinausap ko na sila Kuya tungkol dito para naman matapos na ang issue na ito at ng matahimik na ang buhay namin... Sa probinsya sila mama at papa nakatira. Ako naman ay susunod nasa Europe kasama si Kuya after graduation.. May ipon naman si Kuya para sa pagpunta ko roon"
"Sis! Kate! Iiwan mo na ako..." narinig ko ang hikbi niya.
Di ko maiwasang matawa. Mamimiss ko itong babaeng ito lalo na ang kagagahan nito. Parang magkapatid na kasi ang turing namin sa isa't isa eh lalo na't nag iisang anak lang siya kaya parang magkapatid na ang turingan namin.
"Babalik naman ako... kaso matagal nga lang..."
"Mamimiss kita! Tawagan mo ko palagi ah!" humikbi pa lalo siya.
"Di pa naman ako aalis haha next week pa! I'm gonna miss you too" I laughed heartedly
"At saka sis! Alam mo na ba iyong Engagement ng Mercado at Jimenez... Sa oras na matuloy iyon ay may magaganap ding merchandising tiyak lalong lalakas ang business nila" kadalasan naman talagang kinakasal sa mayaman ay kapwa mayaman lalo na pag may business, kailangan yung may maitutulong doon sa business.
"I don't care..."
"Whoa! Paano kayo ni Levi?"
"Anong paano?! Eh wala namang kami!" Iyon naman kasi ang totoo. Wala naman talaga ko para sa buhay niya eh.
Nagtext si Levi sa akin habang kumakain ako.
Levi
Di kita masusundo. I'm in a meeting :<
Napangiti ako sa emoji na ginamit niya. Ang cute!
Ako
Kanina pa ako nakauwi
I tried my best para maging casual sa kaniya kahit galit ako sa kaniya pero ang galit ko para sa kaniya ay naging sakit dahil mahal na mahal ko siya. Di naman ako martyr para magpakatanga sa nakikita at naririnig ko. He taught me love. He taught me pain.
Simula noon, nagustuhan ko na si Levi kahit na hindi naging maganda ang una naming interaksyon ay humanga ako sa taglay na kagwapuhan nito. Si Levi na mapang asar, dirty minded, thoughtful, seloso, at higit sa lahat ay mahal ko. Pero hanggang doon na lang iyon. Baka hindi pa ito ang tamang panaho para sa aming dalawa.
I log in to my instagram account. Pag nakaalis na kami ni Kuya ay idedeactivate ko muna ito. At kapag ayos na ang buhay ko ay ibabalik ko rin naman.
Scroll lang ako ng scroll hanggang sa makita ko ang isang picture. Isang kamay ang nasa picture na may suot na singsing. May maliit na bato na kumikinang. It's an engagement ring. Gandang ganda ko sa singsing. Napangiti ako.
"Ang swerte naman niya" bulong ko.
Nang dahang dahan kong ni-scroll ay halos manuyo ang lalamunan ko ng makita kung sino ang nagpost ng picture na iyon. Si Angelica Jimenez. Ang nakalagay pa sa caption niya ay 'Finally, I'm engaged' nakatag pa iyon kay Levi.
Masakit harapin ang katotohanan kaya ang iba'y pilit pinaniniwalaan ang kasinungalingan wag lang masaktan. Dahil alam mo kung ano yung masakit? Yung akala mo mahal ka pero di ikaw ang gusto makasama habang buhay at kasinungalingan lang na ikaw lang daw ang mahal niya pero ikakasal na pala sa iba. At ang mas masakit ay yung katotohanan na kahit na niloloko ka na ay umaasa ka pa.
Siguro dapat intindihin ko naman ang sarili ko. Ang buhay ko. Sira na nga ang buhay ko ay mas lalo pang nasira. Aayusin ko na lang ulit ng ako lang at hindi ko kailangan ng ibang tao para buoin ako. Mahirap na magtiwala ulit baka masira ka lang sa huli.
I posted a selfie of me with a caption of "but it's time to face the truth"
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Novela JuvenilKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...