Chapter 26

14 0 0
                                    

Gwapo

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan! Sa tingin mo magkakabalikan kayo ni Kyle huh?!"
sigaw niya kaya napatingin na ang mga tao sa amin.

Akmang sasampalin niya ako ng nahawakan ko agad ang kamay niya.

"Ikaw ang makapal ang mukha dahil nakuha mo pang pumunta dito matapos ang kasiraang ginawa ng pamilya mo!" sigaw ko at mahigpit na hinawakan ang kamay niya sapat na para magmarka sa kamay niya ang pagkakahawak ko. Bigla niya binawi iyon at nakita kong namumula iyon.

"Binaligtad niyo lang kami! Akin lang si Kyle! Akin siya!"

"Paano magiging sayo siya kung matagal ng nasa akin siya?!" kalmado kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya.

"Paano mapapasayo ang taong pagmamay ari ko na hmm?!" matapang kong pagpapatuloy.

Nakita kong bumuhos ang luha sa kaniyang mata. Susugod ka tapos ngayon iiyak iyak ka.

"Kukunin ko siya sayo?!" sigaw niya. Napakadesperada na niya talaga.

"Di mo makukuha ang taong kahit kailan ay di ka minahal" I said

Akmang sasampalin niya ko ng may humawak nasa kamay niya mula sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ni Angelica kaya napabaling ako sa likuran ko.

"Leave! Angelica!" mariing sabi ni Levi kay Angelica.

"Kyle masama siyang tao!" pero kita ko ang takot sa mga mata ni Angelica.

"Alam mo bang pwede kong kasuhan ang pamilya mo sa ginawa niyo sa pamilya ko huh? Kaya kung di ka pa aalis ay tatawag na ako ng mga pulis" kalmado ngunit may diin kong sabi kay Angelica.

"Leave! I don't wanna see your face again!" saad ni Levi kaya mas lalong humikbi si Angelica at tumakbo paalis.

Nang nawala nasa paningin ko si Angelica ay bumaling ako sa kaniya. My heart pounded. I don't know what to say! Maraming ng nagbago sa akin pero ako pa rin yung si Kate na kinakabahan kapag kasama si Levi. Si Kate na bumibilis ang tibok ng puso kapag nandyan si Levi. Si Kate na mahal pa rin si Levi sa kabila ng lahat.

"Go to my office" he said coldly at tinalikuran ako.

Sumunod naman ako sa kaniya ng nakanguso.

Mangha ako pagpasok ko sa opisina niya. Ang ganda at ang lawak. Kita mo ang syudad dahil sa malaking salamin kaya tanaw mo ang labas. Dumiretso siya sa swivel chair niya habang nakatayo pa rin ako.

"Sit" nilahad niya ang upuan sa harap ng mesa niya. Umupo naman agad ako roon.

"Hmm. May pag uusapan ba tayo?" panimula ko.

"Meron..." Shit! Bakit parang ang cold niya?!

"W-What?"

"How can I prove to you that I love you if you told me years ago that you didn't love me hmm?" he asked coldly.

Damn! Sinabi ko nga iyon pero that was a lie! Ang manhid naman niya sa tingin niya ba sasama ko sa kaniya hanggang condo niya kung di ko siya mahal. Halos igugol ko nga lahat ng oras at panahon ko para sa kaniya.

"Oh! Edi gumawa ka ng paraan para mahalin kita.." pahihirapan muna kita Levi.

Napatingin ako sa mesa niya at nakita ko yung black envelope na pinabigay ko kanina sa secretary niya. Nabuksan na yung letter. Nabasa na niya. Ngumuso ako dahil sa nagbabadyang ngiti.

"Come here!" tawag niya sa akin.

Tumayo ako lumapit sa tabi niya.

"Bakit suko ka na agad?" panunukso ko.

Bigla niya kong hinila kaya napaupo ako sa hita niya. Uminit ang pisngi ko dahil doon.

"Bakit ako susuko sa taong alam kong mahal ako noon pa man... Sa taong sinabi niya kanina na pagmamay ari niya ako hmm..." he whisphered on my ears.

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa baritono niyang boses.

Marahan ang pagkakahawak niya sa aking baywang at ang isang kamay ay nasa ibabaw ng aking hita.

"Uh-hmm..." wala kong masabi.

He chuckled at my reaction. Tiyak namumula na ang pisngi ko.

I made a face and I rolled my eyes.

Kinuha niya ang telepono.

"Pakidala rito ang lunch namin ng girlfriend ko..." binaba niya agad ang telepono. My eyes widened. Anong girlfriend eh di pa nga niya ko nililigawan eh.

"How old are you now?" I asked calmly.

"Thirty..."

"You're old... Sa ganiyang edad mo dapat may pamilya ka na..." wala sa sarili kong sabi.

He looks amused like there's something interesting with what I just said. I looked away.

"Ikaw? How old are you?" tanong niya rin sa akin ng nakanguso, may tinatagong ngiti.

"Twenty five..."

"Sa ganiyang  edad mo dapat buntis ka nasa asawa mo..." he smirked.

What!? Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko.

Dumating na yung secretary dala ang pagkain kaya tumayo ako at bumalik sa kinauupuan. Nag umpisa na kaming kumain ni  Levi. Ni kahit isa sa amin walang nagtakang magsalita kaya ng matapos ako kumain ay ako na bumasag sa katahimikan.

"Hmm. Magbubuntis na sana ko kung inuumpisahan mo ng angkinin muli ako..." unti-unting gumuhit ang pilyong ngiti sa aking labi. He looks amused.

I chuckled sweetly.

"Galaw-galaw Mr. Mercado baka tumanda ka niyan ng walang asawa sige ka!" natatawa kong sabi habang palabas ng opisina niya. I smiled at him sweetly.

Nakakatuwang isipin na lahat ng masamang ginawa sayo ng mga tao ay babalik din ang masamang ginawa nila sa iba. Nabalitaan kong tuluyan ng bumagsak ang business ng mga Jimenez dahil sa utang. Kaya sa huli sa akin pa rin ang huling halakhak. I know it's easy to forgive but it's hard to forget.

"Ginawa ko ang inutos sa akin ni Richard Jimenez ay dahil ayokong maghirap tayo lalo at saka mahalaga sa akin na makapagtapos kayo. Nagkausap na rin kami ng mga Mercado matapos ang naganap na engagement party noon. Humingi sila ng tawad sa atin. Hindi ko rin sila matitiis dahil matalik na kaibigan ko si Anton. Sana mapatawad mo rin sila Kate... Alam kong ikaw ang sobrang nasaktan dahil sa nangyari noon..." paliwanag ni Papa sa akin.

Papa is right. I should forgive them because I know they really regret it. Ayoko naman magtanim ng sama ng loob sa ibang tao dahil mabigat iyon sa pakiramdam at mahirap ng may kinikimkim na galit sa ibang tao.

Inoperahan si mama dahil sa myoma. Kaya umaayos na ang kalagayan niya.

Nagising ako sa ingay sa labas. Nagtataka kung bakit may naririnig ako bulungan at hagikgikan. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay at kinapa ang aking mata kung may muta pa ba.

I'm wearing a lingerie. Ito ang nakasanayan kong suotin pag matutulog at kapag nasa bahay lang.

Pagbukas ko ng pintuan ay naroon ang mga katulong na naghahagikgikan.

"Grabe! Ang gwapo! Nakakapanlaglag panty!" humagikgik yung isa.

Kumunot naman ang noo ko. Ang aga aga ang haharot! Sino ba tinitilian nila si Kuya ba?

"Mukhang matinik sa kama! Matikas ang pangangatawan!" kinikilig na saad nung isang babae na matanda ng konti sa akin.

"Naku! Tiyak magaling yan sa kama! Sa pagtaas at pagbaba! Grabe lilindol ng bongga!"

What the fuck?! Ang dudumi ng mga isip ng mga ito huh! Eh kung ibalibag ko kaya silang lahat sa kama! Kaloka! Ang harot!

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon