Video
"Uuwi ako sa graduation mo Kate" kaharap ko ngayon ang aking laptop. Kausap si Kuya.
"Talaga Kuya?! Yehey!" I smirked
"Tapos isasama na kita dito pag uwi. Dito ka na magtrabaho" aniya
Bigla kong namutla sa sinabi niya. Alam kong maganda ang ideya niya pero maghihiwalay kami ni Levi kung yung dalawang taon na nag abroad si Levi ay nahirapan na ako tapos mauulit pa at ako pa ang aalis.
"Alam ko kung ano ang mayroon sa inyo ni Levi... Maiintindihan naman siguro niya kung bakit kita isasama. Malakinh opurtunidad ito para sayo" seryoso niyang sabi.
"Pag iisipan ko Kuya..."
"Sana pag isipan mong mabuti"
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pinag usapan namin ni Kuya. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi. Kalahati sa akin gusto sumama pero ang kalahati naman ay ayaw. Bahala na muna.
Sinamahan ko si Ericka sa mall dahil mamimili raw siya ng mga damit. At dahil namili siya pinilit din niya ko na bumili. Bumili ako ng dalawa lang sa isang boutique ng hindi na ako kulitin. Nagtitipid din kasi ako.
Habang nagsusukat ng sapatos si Ericka ay napaalam muna ako na pupuntang Rest Room.
"Rest Room lang ako sis"
"Okay sis!"
Pagpasok ko sa Rest Room ay walang tao. Mag isa pa lang ako. Nanalamin muna ako at saka nagretouch. Nang nakuntento na ako ay pumasok ako sa unang cubicle.
May narinig akong ingay mula sa labas dahil sa takong at pagkukuwentuhan ng mga babaeng kakapasok lang.
"Angelica naririnig mo ba yung bali-balita na may kinahuhumalingang babae si Levi!"
Lalabas na sana ko kaso nanatili muna ako sa loob ng marinig ko iyong sinabi ng babae.
"Yeah! I know her! Schoolmate kong carwash girl. Regular customer niya si Levi. She's cheap!" ani Angelica
"Eww! Pumapatol si Kyle Levi sa ganiyang klaseng babae. Ridiculous!"
"Sa tingin mo seryoso si Kyle sa babaeng iyon? Hell No! He's just using that girl!" humalakhak si Angelica
Ginagamit? Ako? At bakit naman ako gagamitin!? Sinisira lang niya kami ni Levi. Baka nagkakalat lang ng fake news itong si Angelica.
"Matagal ng pinapaalis sila roon sa tinitirahan nila pati ang mga kapit bahay nila. You know iskwater! Matalik na magkaibigan ang papa ni Kyle at ng babaeng iyon kaso nagkasiraan kaya pumayag na si Tito Anthony na ipagiba iyon para sa project na gagawin ni Kyle... Take note Kyle is an Engineer kaya nga umuwi iyon galing U.S para gawin iyon kaso di pumayag ang Papa nung babae alam mo naman din malakas kapit nung lalaking iyon sa mga tao sa lugar nila kaya nagmamatigas din ang lahat..." pagpapatuloy ni Angelica.
"Whoa! So pipikutin ni Kyle iyong babae para mapapayag niya? Right?"
"Yeah! Right!" nagtawanan sila.
Humupa ang tawanan dahil tuluyan na silang nakalabas. Kahit hindi ko nakita si Angelica ay kilala ko ang boses niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan at gagawin ko. Litong lito na ako. Lumabas ako ng Rest Room ng may bakas ng aking pag iyak. Tulala ako habang tumutungo kay Ericka.
"Kate! Are you okay? Namumutla ka!" lumapit agad sa akin si Ericka ay nag aalala dahil siguro sa pamumutla ko.
"Uwi na tayo Ericka!" di ko na napigilang humikbi. Niyakap niya ako kaya sa balikat niya ko umiyak.
"Sshh! Uuwi na tayo huh... Sa bahay niyo muna ko matutulog. Sasamahan kita. Lalo na't mag isa ka lang sa bahay at nasa probinsya ang magulang mo..."
Sinamahan nga ko ni Ericka sa bahay. Nagpadala siya ng mga damit niya rito para rito na matulog.
"Sa tingin mo totoo iyong sinabi ni Angelica?" nagtatakang tanong niya
Nikwento ko lahat ng narinig ko sa Rest Room sa kaniya. Kagaya ko ay nagulat din siya sa nalaman niya dahil hindi niya rin iyon inasahan.
"Ewan... Pero aalamin ko ang katotohanan. Isa lang ang makakasagot nito"
"Eh! Sino?"
"Si Kuya Karl"
She sighed.
Kinuha ko ang laptop ko at tinawagan si Kuya sa Skype.
Sinagot naman niya agad. Katatapos lang niya ata maligo kaya pinupunasan niya ng towel ang kaniyang buhok.
"Are you okay? May sakit ka?" bungad niya.
Tumawa ako na parang walang problema. Yeah! I'm a great pretender!
"Wala syempre! Di na ako tinatablan niyan noh!"
"Oh! Bakit ganiyan mukha mo? Parang umiyak ka..."
"Nakakaiyak kasi yung pinanood kong kdrama kuya yung Legend of the Blue Sea... nanood kami ni Ericka kahapon pa namin inumpisahan. Heto nga kasama ko siya oh!" sabay pakita kay Ericka.
"Nakakaiyak talaga Kuya Karl kaso walang luhang lumabas sa mata ko hay!"
Natawa kami kahit si Kuya. Abnormal din itong kaibigan ko. Sinakyan nga kaso medyo tagilid pa! Baliw!
"Kuya may tatanong pala ko" ngumiti ako para itago ang lungkot at sakit na aking nararamdaman.
"Ano iyon?"
"Bakit umuwing probinsya sila mama?"
"Nagbabakasyon syempre!"
"Bukod pa roon ano pa? May kinalaman ba ito sa mga Mercado?"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya.
"Saan mo nalaman iyan?"
"Just answer me Kuya!"
Halos maiyak na ako pinipigilan ko lang.
"May sumira sa pagkakaibigan nila Tito Anton at ni Papa. May nagsabi raw na pinapalabas daw ni Papa na nagpa-vote buying si Tito Anton kaya wag iboto"
"What?! Hindi magagawa iyan ni Papa! May matibay na ebidensya ba sila? Isang kasinungalingan iyan?!" sigaw ko.
"Kumalma ka muna... May video... Kita roon ang pag uusap ng limang tao kasama si Papa. Malinaw sa video ang pagkakabigkas ng mga salita ni Papa tungkol sa pinaparatang kay Tito Anton lalo na at nung bago pa iyang issue na iyan ay di na nakakasama si Papa sa kampanya na siyang nagpalalim ng hinala sa kaniya"
"Di magagawa ni Papa iyan! Bakit hindi niyo sinabi sa akin iyan? Ngayon lang kumalat ang video na iyan pero last week pa umuwi sila mama at papa"
"Ayaw naming madamay ka pa... At saka mukhang alam na ni Papa na may nag video kaya umuwi na sila agad di na hinintay kumalat ang video. Di naman nagkukwento sa akin si Papa pero may suspetsa na ako... Di magagawa ni Papa iyon ng walang dahilan" kung titignan mo si Kuya ngayon ay parang isang detective na seryosong nag iimbestiga.
"Ano?!"
"Matulog ka na... Babalitaan na lang kita sa pag iimbestiga ko. Magpapadala ko ng pera para sa nalalapit mong graduation. Wag mo ng isipin iyan ako na bahala.. Good night! I miss you! I love you!" he smiled .
"Okay... I miss you more! I love you too!" I smiled at him too.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...