Kondisyon
Sinundan talaga ko ng lalaking iyon hanggang sa makauwi ako ng bahay. Paano ba naman kase niyaya niya kong sumakay sa kotse niya kaso tumanggi ako dahil baka mamaya bumangga pa yung kotse sa kung saan at baka madamay pa ako. At saka baka mapatay ko lang siya sa loob ng sasakyan niya sa sobrang inis.
"Oh! Bakit mukhang semana santa iyang mukha mo?" halakhak ni kuya.
"Tapos dadagdagan mo pa diba?! Kaya manahimik ka na lang din!" umirap ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.
Pagbukas ko ng refrigerator ay napanganga ko sa nakita ko. Ang daming ferrero rocher! Saan galing lahat ng ito? Di ko na napigilang mapangiti dahil favorite chocolate ko ito!
"Iyan! Di ka na nakasimangot! Binili ko iyan para sayo pero babayaran mo rin iyan... Wala ng libre sa panahon ngayon." natatawa pa siya sa kalokohan niya pero salamat talaga! Alam ko namang nagbibiro lang si kuya na may bayad itong mga ito.
"Huh?! Parang di naman tayo magkapatid kuya... kaya dapat wala ng bayad." nag puppy eyes pa ako.
"Oh! Sige! Sa isang kondisyon."
Kondisyon? Ano na naman kayang kalokohan ang ipapagawa sa'kin nito ni Kuya?
"Ikaw na lang ang pumunta sa party na gaganapin sa mansion ng mga Mercado..." kalmado niyang sinabi.
"Party?! A-Ayoko!" angal ko.
"Edi wag! Wala kang ferrero..."
Sayang yung ferrero. Kaya sige na nga kahit ayaw kong makita si Levi doon. At saka bakit si Levi agad yung naisip ko. Naku!
"Okay! Fine! Bakit may party? At saka wala kong susuotin!"
"Don't worry pinabili kita ng damit kay Ericka. Birthday party... Birthday kasi ni Tita Maricel asawa ni Tito Anton"
"Baka ma-out of place ako doon Kuya.."
"Kasama mo si Ericka kaya wag ka na mag alala dahil wala ka ng poproblemahin.." ngiti niya
"Bakit kasi hindi na lang ikaw? Eh ikaw naman ata ang inimbitahan."
"Basta... Kahit isa sa pamilya lang natin ang makapunta para at least may isang Gonzales ang dumalo. At saka kilala ka naman nila Tito Anton at Tita Maricel." aniya
"Ganoon ba?! Sige.." sagot ko.
Akmang papasok na ako sa kwarto ko ng may sinigaw pa si Kuya sa'kin.
"Magbihis ka na at mamaya ay kampanya na!" sigaw ni Kuya Karl
Muntikan ko ng makalimutan. Kaya naligo ako ulit ako. Half bath. Tapos nagsimula na akong mag ayos. Gumamit muna ko ng toner tapos naglagay ng tinted moisturizer sa aking mukha. I put some pressed powder on my face. Naglagay din ako ng blush on pati ilong nilagyan ko para kunwari mestiza. Nude lipstick naman para sa aking labi. I curled my lashes tapos nilagyan ko ng mascara. Tapos konting lagay ng eye shadow at inayos ko na rin yung kilay ko.
Sabi ni Ericka magpaganda ko eh. So heto na nagpaganda na. Para mukha naman akong presentable sa harap ng mga tao.
Nibraid ko rin yung buhok ng parang kay Elsa. Then tadah! Ayos na ko.
High waist pant ang sinuot ko at yung kulay puti na tee shirt na may pangalan ni Konsehal.
Maliit na sling bag lang ang dinala ko, laman nito ang panyo, cellphone, suklay, pressed powder, lipstick at wet wipes. Hawak ko yung brochure na ipamimigay.
Sandals na lang ang sinuot ko para di na masakit sa paa. Paglabas ko ng kwarto ay bihis na rin sila mama at papa.
"Si Kuya?" tanong ko.
"Nasa labas na. Bihis na" sagot ni Papa
Si Mama naman lumapit pa sa akin na parang ngingiti ngiti na ewan. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Kate, sigurado ka bang kampanya pupuntahan mo huh? Ganda ng ayos mo ngayon ah! Halatang pinaghandaan..." natatawa si mama habang tinitignan ako
"Baka nagpapaganda ka sa anak ni Anton Kate?" tinaas ni Papa ang isang kilay niya at unti-unting gumuhit sa kaniyang labi
Sabi ko na nga ba ganito magiging reaksyon ng mga ito. Bihirap lang kase ako mag ayos at di pa yun ganito kaayos.
"Sino ba sa dalawang anak ni Anton?" nakangiting tanong ni mama.
"Feliza baka si Kyle Levi ang natitipuhan ng anak natin."
"Huh?! No! Nag-ayos lang po talaga ako ng ganito para maging presentable ako sa harap ng mga tao. Yun lang po yun!" katwiran ko.
Ito kasing si Mama nagtataka na sa'kin kung bakit di raw ako nagboboyfriend. Pinagkamalan ba naman na tomboy daw ako. Si mama talaga kung ano-ano pumapasok sa utak. Di ba pwedeng mas inuuna ko yung study and career ko.
"Basta Kate kwento mo na lang sa'kin kung may progress diyan sa inyong dalawa ni Levi ah! Tara na!" si mama.
"Ang tagal niyo naman" paglabas namin reklamo agad ni Kuya Karl ang narinig namin.
Sumakay kami ng jeep papunta sa bahay ni Konsehal. Marami ng mga tao doon at mga naghahanda para sa kampanya. May mga poster,brochure at kung ano-ano pa na ipamimigay para sa kampanya. Lahat naka-tee shirt ng kay konsehal. Nahanap agad ng mata ko si Ericka kaya pinuntahan ko agad ito.
"Kate! Sis! Gosh! Nakita ko siya! Nasa loob siya ng mansion!" tili ni Ericka.
Itong babaeng ito walang ginawa kung hindi kiligin o hindi kaya ay tumili. She's fond of boys and she knows how to entertain them very well.
"I don't care! Samahan mo na lang ako sa loob ng mansion nila para makigami ng banyo"
"Sure!"
The mansion is really big and there are some parts that were antique. Well, Mercado Family are the elite and wealthiest of Manila.
Kaya nagtaka ko kung bakit Konsehal ulit ang tinakbo ni Tito Anton kung pwedeng Mayor naman na agad. Sabi niya kase gusto niya muna mag umpisa sa mababa at unti-untiin muna, ayaw niya kase biglain agad ang mga tao porket sa kilala sila at mayaman dahil ang nais niya ay matulungan ang mga tao at mapaunlad ang Manila.
"Excuse me miss... Where's the comfort room?" I asked to their maid
"Diretso lang po kayo diya mam tas kanan. Yung unang pintuan po sa kanan yun po yung banyo" sagot niya
"Okay. Thanks!" I smiled at her
Dumiretso na ako doon ng napansin kong di na pala nakasunod sa akin si Ericka. Saan kaya pumunta iyon? Sabi ko samahan ako eh.
Infairness sobrang ganda ng CR nila ah. Yayamanin talaga. Malaki pa ata ito sa kwarto ko eh.
Nanalamin ako at nagretouch baka kase haggard na ako eh. Pagkatapos ay lumabas na ako ng Comfort Room.
Hinahanap ko yung cellphone ko sa bag ko ng may nabangga ako. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay mapapaupo sana ako sa sahig kaso nasalo ko ng nakabangga sa'kin.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...