Chapter 11

10 0 0
                                    

Sorry

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si Kuya na binuksan ang aking bintana. Umupo ako mula sa pagkakahigay at ginusot ang aking mata.

"Morning..." he said

"Morning!" sabay hikab.

"Kamusta yung party kagabi?" tanong ni Kuya.

"It was fine" simpleng sagot ko.

"I see... Do you enjoy?" gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniyang labi.

"Medyo..." kibit balikat kong sagot.

"Medyo bitin... ganun?" he chuckled

"Pumunta ka ba rito para asarin ako kuya!" I crossed my arms.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pasuko.

"Chill! Mahina ang kalaban" halakhak niya.

"Kakain na ako" bumangon na ako at naglakad palabas. Sumunod naman siya sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi.

"Para kang baliw! Anong ningingiti ngiti mo riyan huh!?" pagtataray ko.

"Para ka ring baliw! Anong tinataray taray mo riyan!?"

This is ridiculous! Wala na bang ibang alam si Kuya kung hindi bwisitin ako!

"Kayong dalawa riyan kumain na kayo rito... Ang aga-aga ay nagbabangayan na kayo" tawag ni mama

"Ginising ko lang po itong si Kate tapos aawayin pa ako... Eh kinamusta ko lang siya tungkol doon sa party tapos nagsusungit na" he laughed

"May malisya kase sa mga tanong mo!"

"Binibigyan mo lang ng malisya..."mas lalong ngumisi si Kuya.

Umirap na lamang ako.

"Di makakapasok mamaya ang papa mo sa carwash. Pupunta siya sa site para sa bago niyang trabaho. Diba may pasok ka ngayong sabado Kate? Paano ka makakapagcarwash?" tanong ni mama

"Tanghali naman po ang uwi ko kaya makakapagcarwash po ako"

May pasok kami dahil may seminar kaming mga senior high sa campus. Di naman matagal iyon kaya makakauwi ako agad.

Nagdala ako ng jacket dahil malamig sa auditorium at pakiramdam ko ay matutulog lang rin ako roon dahil dim ang lights at malamig pa.

May mga survey at form doon na sinagutan lang namin. Pagkatapos ng seminar ay umuwi na ako. Nakasakay na ako ng jeep ng may nagtext sa akin.

Kuya Karl

Walang tao sa bahay. Umalis si mama at nasa school ako. Nasa akin ang duplicate ng susi kaya hintayin mo na lang ako. Hapon pa uwi ko.

What the hell!?

Eh paano ko makakapagpalit ng damit ko? Magcacarwash pa naman ako ngayon! No choice! Nakapencil cut skirt tuloy akong magca-carwash ngayon. Bahala na!

Dumiretso na ako sa carwash. Naabutan kong may hugas sila ngayon. Napatingin sa akin si John ng may pagtataka.

"Wag mong sabihin na magcacarwash ka nang ganiyan ang suot mo?" tanong niya.

"Ganoon na nga!" ngumsi ako.

"Ano?! Edi hindi na nakapagtrabaho ng maayos itong mga kasama natin ng kakatingin sayo!" reklamo niya.

"Okay na ito... Sarado kasi yung bahay eh wala kong susi kaya di na ako nakapagpalit"

"Sige... Basta taga punas ka na lang wag ka ng magbasa pa"

"Okay!"

Iyon lang nga ang ginawa ko pagkatapos nila hugsan ay ako ang magpupunas. Tinulungan naman din ako ni ako ni John para raw di na ako yumuko dahil maiksi ang skirt ko.

May bumusina sa likuran namin ni John kaya napabaling kami pareho rito. Isang pulang sasakyan ang nasa harap namin ngayon. Magpapacarwash... As  usual! Regular customer namin ito eh. Bumaba siya dumiretso sa upuan kung saan siya maghihintay hanggang sa matapos kami.

"Sabihin mo kay Sir Kyle na pwede muna siyang maglibot dahil matatagalan pa tayo dahil di pa natin tapos hugasan yung ibang sasakyan" bulong ni John sa akin di ko gaanong narinig kaya dinikit ko lalo ang aking tenga sa bibig niya. Bumaling naman ako kay Levi na mariing nakatingin kay John.

"Bakit ako?! Ikaw na lang!" bulong ko kay John

"Ano?"

Nilapit ko pa lalo ang aking bibig sa tenga ni John.

"Ikaw na lang magsabi!" bulong ko.

Nagulat kami pareho dahil sa tumikhim. Ang inis sa kaniyang mga mata ay kita-kita. Para bang pag may ginawa kang kasalanan ay mapapaluhod ka lang bigla pag nasilayan mo ang mga mata niyang mariing nakatitig sa iyo.

"Uhh... Eh... S-Sir P-Pwe--" pinutol na ni John ang sasabihin ko dahil nahalata niya ata ang pagkakautal ko dahi na siguro sa kaba na nararamdaman ko.

"Sir pwede po muna kayo maglibot dahil mukhang matatagalan pa po kami bago malinis ang inyong kotse" nakangiting sabi ni John kay Levi ngunit si Levi ay mariing nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin nito sa aking katawan.

Lagot na naman ako nito dahil sa suot ko!

"I don't mind" aniya

"Okay po sir"

"Work! Di yung nagbubulungan kayo" sabi niya kay John

"Tara na Kate!" tawag ni John sa akin. Akmang susunod na ako kay John ng biglang nagsalita si Levi.

"Ikaw lang. Di siya kasama. Kate, come with me" tumalikod na ito at bumalik sa kinauupuan niya.

Napakurap ako.

"Sige na John!"

May pagtataka sa mukha ni John pero nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.

Lumapit ako kay Levi at tinapik niya ang katabing upuan niya. Pinauupo niya ako roon. Umupo naman ako at hinarap siya ng diretso. Whoa! Nakayanan ko iyon ah!

"Why are you working when you're still in your school uniform?" medyo may diin sa tanong niya.

"Sarado kasi yung bahay at wala kong susi kaya dumiretso na lang ako dito" kalmado kong sagot kahit na kinakabahan.

"Ang dadatnan ko pa ay ang mga kasama mong lalaki na imbis magtrabaho ng maayos ay sa legs mo nakatingin!" naramadaman ko ang galit sa tono niya

My eyes widened. Nakaramdam ako ng takot at pagsisisi.

"S-Sorry..." yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang aking mga kamay.

"Sorry. I didn't mean to get angry at you. Kumain ka na ba?" kalmado niyang tanong.

"Hindi pa"

"Let's go... Kakain tayo." tumayo siya at hinawakan ang kamay ko at tumungo sa kotse niya. Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko na gulat sa nakita nila lalo na ng umalis na kami.

Tahimik siyang nagmamaneho kaya gumawa ako ng paraan para magkausap kami.

"Okay lang naman kahit ako na lang mag isa ang kumain"

Tinitigan lang niya ako at bumaling ulit sa kalsada.

"Kumain ka na ba?" tanong ko ulit.

Umiling lamang siya.

Ano pa kaya pwede kong sabihin para magsalita siya? Alam ko kasing di niya nagustuhan yung nakita niya kanina at alam kong kasalanan ko rin naman iyon.

"Saan tayo kakain?" I asked again

"Where do you want?" tanong niya ngunit di man lang siya bumaling sa akin.

"Kahit saan na lang" tumingin na lang rin ako sa kalsada sa harap. Traffic kaya tumigil siya.

Napansin kong nakatingin siya sa akin kaya bumaling ako sa kaniya.

"Sorry pala kanina" ewan ko kung bakit humihingi ako ng tawad sa kaniya kahit na hindi naman kami ganoon na magkakilala.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon