Babe
"New hair style huh" Kuya Karl chuckled
"Anong tinatawa tawa mo riyan?" tinaas ko ang kaliwang kilay.
"Naimpluwensiyahan ka na ba ni Ericka kaya ka nagpabangs?" lalo pa siyang tumawa. Kainis! Umuwi ba ito rito para mang asar.
"Bakit?! Bagay naman sa'kin ah!" I pouted.
"Oo bagay! Mukha kang koreanang hilaw!" matalim ko siyang tiningnan.
"So ganoon din si Ericka?" biglang sumeryoso si Kuya. May napansin kasi ako noon sa kanilang dalawa. Parang may something. Lalo na't nag sleep over ulit si Ericka rito. Alam ko na! May naisip ako! Teka nga lang!
"Sinagot mo na ba si Oliver yung varsity player sa campus natin?" tanong ko kay Ericka habang kumakain kaming tatlo sa hapag. Napansin ko ang pagiging uneasy ni Ericka kaya napabaling ako kay Kuya na mariing nakatingin kay Ericka.
"Uhh... Eh h-hindi... D-Di ko s-siya gusto..." nauutal niyang sagot. Kumunot ang noo ko. Simula senior high si Levi lang ang nakahumalingan niyang lalaki pagkatapos noon ay wala na.
"Huh? Whoa! Si Levi ang lalaking huli mong nagustuhan ah... Di na ba nasundan?" natatawa kong tanong.
"Hmm. Meron naman..." aniya at biglang napatingin kay Kuya Karl.
"Stop talking... Kumain na lang kayo" seryosong sabi ni Kuya.
Parang may mali sa dalawa eh.
Sabi ni Ericka susunod siya sa kwarto ko kaso hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kalahating oras na ang nakakalipas kaya lumabas na ako ng kwarto para hanapin siya. Mag momovie marathon daw kasi kami pero ang tagal naman niya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naisip kong dumiretso sa sala baka kaya naroon. Natigil ako sa harap ng kwarto ng pintuan ni Kuya ng may narinig akong nag uusap. Boses ni Ericka iyon! At ni Kuya!
"Nagpapaligaw ka hmm?" ani Kuya.
Nilapit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ko ng maayos.
"N-No! Makulit lang talaga si Oliver kahit sinabi kong may iba kong gusto..." sagot ni Ericka.
"My babe likes someone hmm... Sino?" malambing na pagkakasabi ni Kuya.
Matagal bago nakasagot si Ericka.
"I-Ikaw..."
"Kaya nga bumalik ako para angkinin ulit ang akin... Sorry you've waited too long. Gusto ko pagbalik ko ay may ipagmamalaki na ako sa magulang mo" my eyes widened. Siya yung sinasabi ni Ericka na gusto niya. Kaya pala nagtataka ko noon kay Kuya na talagang tiwalang tiwala siya kay Ericka.
"I miss you so much... Akala ko di mo na ko babalikan... Akala ko may iba kang gusto..." hikbi ni Ericka.
"I miss you more babe... Sinong di babalik kung marami ng umaaligid sa prinsesa ko huh? Ikaw lang ang mahal ko... Ikaw lang... Kahit noong nasa senior high ka pa lang..." Fuck! Kaya ba tumigil si Ericka kay Levi.
"Sorry kung tinaboy kita... Narealize ko na mahal na pala kita mula noon pa... I miss your voice. I miss your eyes that looks gentle. I miss you being protective. I miss you for being always here beside me... I miss everything about you..." lalong humikbi si Ericka.
"Sshh! Stop crying... Ayokong nakikita kang umkiyak... I told you kahit anong taboy mo sa akin ay babalik balikan pa rin kita" mahinang sabi ni Kuya.
"I love you... babe" baritonong boses ni Kuya.
"I-I love you more..." malambing na boses ni Ericka.
Hindi ako makapaniwala na may something sa kanilang dalawa. Really?! Bakit hindi nakwento sa akin ni Ericka? Hindi naman ako magagalit eh sa halip ay matutuwa pa ako.
Ambang aalis na ako ng matapilok ako ng siya pagkalabog ko sa pintuan. Patay! Lagot ako!
Bumukas amg pintuan at lumabas silang dalawa. Si Ericka ay gulat samantalang si Kuya Karl ay kalmado lang.
"Ahh...Hmm... D-Di ko sinasadya na makinig" pumikit ako ng mariin at hinawakan ang aking sentido. Huli na talaga ko!
"Really?" he said sounding amused.
"L-Let me explain..." natatakot na sinabi ni Ericka. Siguro alam niya na magtatampo ko dahil tinago niya ito sa loob ng ilang taon.
"Aba dapat lang!" tumayo ako ng maayos at humalukipkip.
"Pumunta na kayo sa kwarto mo, Kate. Matulog na kayo bukas na kayo magkwentuhan" saad ni Kuya na nakatingin lamang kay Ericka.
"Baka ako lang ang pupunta mag isa sa kwarto ko? Diyan si Ericka..." gumuhit ang pilyong ngiti sa aking labi. Nanlaki naman ang mga mata ni Ericka at si Kuya Karl naman ay matalim na tumingin sa akin.
"Uhh... No! Sa kwarto mo ako matutulog..." natatarantang sagot ni Ericka
"Katelyn Gonzales!" baritonong sigaw ni Kuya. Humalakhak ako. Kunwari pa itong si Kuya. Ayaw niya ba makatabi sa kama si Ericka. Tinutulungan ko na nga siya eh! Nakakatawa talaga!
"Yes Kuya Karl Andrew Gonzales?" I smirked.
Nanliit ang mata niya sa'kin kaya lalok ong tumawa.
"Pumunta na kayo sa kwarto" bumaling siya kay Ericka. May binulong siya rito na siyang nagpamula ng pisngi ni Ericka. Hindi ko narinig! Ano kaya iyon?
Kinuwento sa akin lahat ni Ericka mula umpisa kung paano sila nagkamabutihan ni Kuya. Sabi niya napansin niya nung una na iba na pinapakita at pakikitungo ko sa kaniya noon kung baga ay higit pa sa pagkakaibigan lalo na't umamin ito sa kaniya at di niya pa sigurado kung ano ang nararamdaman niya para kay Kuya. Walang lumalapit na lalaki raw sa kaniya dahil kay Kuya. Napakaseloso raw ni Kuya kaya nung nakita raw siya na pinopirmahan ng kaklase niya ay sinapak daw agad ni Kuya. Grabe di ko expected na napakapossessive ni Kuya. Habang nagkukuwento nga si Ericka ay nakanganga ako eh.
"Tumigil na rin ako sa pagsulat nun kay Kyle dahil sa Kuya mo. Mas nakatuon kasi ang pansin at oras ko sa kaniya. Madalas akong pumunta sa bahay niyo pero di kita naabutan kaya yung Kuya mo ang nakakausap ko roon. At saka ayaw ng Kuya mo sa babaeng may crush kaya iyon alam mo na... Di ko na crush si Kyle..." nahihiyang tawa ni Ericka.
"So base sa kwento mo ay may nararamdaman ka na kay Kuya noon pa... Di mo lang maamin dahil natatakot ka o naguguluhan lalo na't magkaibigan tayo..." seryoso kong sabi.
"Hmm. Parang ganoon na nga..." tumango tango siya.
"Wag ka mag alala ka boto ko sayo para kay Kuya... Susuportahan ko kayo..." humagikgik ako.
"Balita ko pupunta raw ang mga Mercado sa graduation dahil nagbigay sila ng tulong para sa preparation" pag-iiba niya ng topic.
"Mabuti naman kung ganoon..." matamlay kong sagot.
"Kamusta kayo ni Kyle? Nag uusap pa rin kayo?"
"Madalang na lang. Wala naman din na kasing pasok. Madalang na rin ang pagtetext niya...At saka engaged na siya..."
She sighed.
"Anong dahilan niya kung bakit madalang na lang siya magtext?"
"May inaasikaso raw siya... Business..."
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...