Chapter 4

16 0 0
                                    

Nene

Nagising ako dahil sa biglang init na aking naramdaman at dilim sa paligid. Minulat ko ang aking mga mata pero dilim lamang ang aking nakikita. Tumayo ko sa pagkakahiga para hanapin ang bintana. Nang nakapa ko na ang kurtina ay hinawi ko ito kaya pumasok ang sinag ng araw sa aking kwarto na siyang nagbigay liwanag dito. Umaga na pala. Brown out kaya walang ilaw at kuryente. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Bullshit! Ten o'clock na! Mag eenrol pa ako!

Gosh! I woke up late so I immeaditely go to the bathroom to take a shower. Pagkatapos ay inumpisahan ko na ang ritwal ko, tamang lagay lang ng lotion, toner at kung ano-ano pa. Skin care! Napili kong suotin ang black high waist jeans at yellow string top. Mainit kase kaya ayoko mag tee shirt. At saka sandali lang naman mag enrol.

Jeep ang sinakyan ko patungo sa campus. Sandali lang nakarating agad ako roon. Dumiretso agad ako sa finance office at doon binigay ko ang bayad ko para sa tuition fee, kalahati lang muna ang binayaran ko at inabot ko na yung green card na ang nakalagay doon na napirmahan na lahat ng clearance ko kaya makakapag enrol na ako. Naghintay lang ako ng mga limang minuto at binigay na sa'kin ang isang form na enroled na ako at nakalagay na iyong mga subjects ko roon pero wala pang schedule. Pag malapit na ang pasukan doon nila ibibigay.

Nakita ko rin ang mga iba kong mga kaklase na kararating lang para mag enrol ang iba nama'y tapos na. Nang naglalakad patungo ng canteen ay halos mabali yung mga leeg ng mga estudyanteng lalaki kakatingin sa'kin. Na-conscious tuloy ako baka may dumi sa mukha ko o mali sa suot ko pero di ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Bumili ako ng gulaman at siomai with rice. Nagutom kasi ako. Iaabot ko na sana yung bayad ko kaso may nag-abot na nang isang kamay mula sa likod ko. Nagulat ako... Nilingon ko ito and then my jaw dropped.

"Libre ko na Kate." nakangiting sabi ni Lenard.

Basketball player si Lenard dito sa Campus at hinahangaan ng mga estudyante rito lalo na't gwapo at matalino ito.

Malaki ang pangangatawan niya pero mas malaki pa rin ang pangangatawan ni Kyle. What?! Bakit ko kinukumpara siya kay Lenard eh mas gusto ko pa ito si Lenard kaysa kay sa Kyle Leve ni iyan.

He's handsome and manly. His dark eyes, ducktail hair, pinkish thin lips, cute nose, and good jawline.

"A-Ah.. T-Thank... you... Lenard..." nauutal kong sagot. Crush ko kasi!

"Nakapag enrol ka na?" tanong niya. Sinabayan niya sa paglakad patungo sa mesa na napili kong pwesto para kumain. Sa may gitna iyon.

"Uhmm... Oo. Kanina lang. Ikaw?" I smiled at him genuinely.

"Kanina lang din... Mag-isa ka lang?"

"Oo eh. Nauna na kaseng makapag enrol si Ericka kaya mag isa na lang ako." I pouted my lips. Pacute naman ako masyado.

"Don't worry kasama mo naman ako.m." he winked.

My goodness! Bakit ganitong klaseng blessing ang natanggap ko ngayon. Ang pogi! Nanlalambot na yung tuhod ko buti na lang at nakaupo kami baka kung hindi ay kanina pa ako napahiga sa sahig.

Tumikhim ako. Kanina pa pala kami nagtitinginan. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit di ako makakain ng maayos dahil nakatingin siya sa akin. Nang natapos na ako ay sinoli ko na yung plato sa pinagbilhan ko. Sabay kaming lumabas ni Lenard ng canteen.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Oo eh! Tutulong pa kase ako mamaya para sa kampanya ni Konsehal Anton."

"Ah! Ganoon ba... May practice pa kami ng basketball ngayon. Ihahatid na lang kita sa labas ng campus. Let's go!" nakangisi nyang sabi.

"Naku! Wag na! Kaya ko naman mag-isa... Nakakahiya naman sayo.." nahihiya kong sinabi.

Biglang lumakas yung hangin na siyang pagsabog ng buhok kong nakalugay sa mukha ko.

Kinuha niya yung mga takas na buhok at inilagay niya sa likod ng tenga ko. Buti na lang marunong ako magtago ng nararamdaman ko. Kaya kinikilig ako sa kaloob-looban ko!

"Wag ka ng mahiya... Masanay ka na sa'kin. Let's go?!"

Tumango ako at naglakad na kami patungo sa gate.

"Thank you ulit Lenard..."

"You're always welcome Kate! Ikaw pa ba?! Eh! Malakas ka ata sa'kin." sabay kindat niya.

"Hmm. Sige alis na ako. Bye!" kinawayan ko siya

"Ingat ka Kate!" kinawayan din niya ko.

Di pa ako nakakalayo sa campus ay nakita ang isang pulang kotse na nakaparada sa tapat ng campus namin. May nakasandal na lalaki rito. Naka-cap ito na kulay itim. He's wearing a black tee shirt and pants. May gold necklace na may pendant ito sa kaniyang leeg. Nakawhite rubber shoes siya. Simple but smokin' hot.

Nilapitan ko siya.

"Are you stalking me?" tinaasan ko ng isang kilay

"Sino ka ba para sundan ko?" Kyle asked and looked at me intently.

"Eh anong ginagawa mo rito?" umirap ako.

"Bakit pagmamay-ari mo ba itong lugar na ito? Nandito ko dahil may kinuha kong documents doon sa colleagues ni Papa dito sa campus na ito." paliwanag niya pero ngiting ngiti ang loko.

"At saka teka! Bakit ka nagtatanong?!"

"Bakit?! Masama ba magtanong!? Malay ko ba na iyan pala ang dahilan mo. Baka mamaya kasi ay sinusundan mo pala talaga ko. Baka may masama kang balak sa'kin."

"Whoa! You're pretty confident huh. Mukha ka ngang nene. At saka yung ganiyang katawan di pagnanasahan..." humagalpak pa siya sa tawa.

What?! Halos lahat nga nagsasabi na maganda ang hubog ng katawan ko tapos siya ganiyan yung sasabihin niya! Halos umusok na yung ilong ko sa sobrang galit.

"Fuck you Levi!" sa sobrang insulto ko umalis na ako.

Nakakagigil! Masyado siyang mahangin akala mo naman sobrang pogi! Pero pogi  naman talaga... Kahit na bastos pa rin! May araw rin iyang lalaking iyan sa akin.

Habang naglalakad ay napansin ko yung pamilyar na kotse sa tabi ko na kanina pa ko sinusundan. Pag binibilisan ko ang lakad ko, bumibilis din ang takbo ng kotse. Pag binabagalan ko naman babagalan din niya. Kaya ginawa ko huminto ko. Tinaas ko ang isang kilay ko ng makitang bumukas ang bintana nito at nakita ko ang pagmumukha ni Levi.

"Nang iinis ka ba?!" sigaw ko at lumapit sa kotse.

"Sinasabayan lang kita baka mamaya yung iba may masamang balak sayo kasi ako nga wala diba?" may pilyong ngiti pa sa labi nito.

"Puta! Di na ako natutuwa sayo ah! Kaya pwede ba umalis ka nasa harap ko bago magdilim ang paningin ko sayo!"

"Pero ikaw ang nagbibigay liwanag sa mga mata ko..." lalong lumaki ang ngiti nito sa labi niya.

"Damn you!"

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon