Playboy
"So balak mo pa palang iwan yan dito sa loob ng sasakyan ko huh?" his brow shot up.
Ang kapal naman din pala ng mukha nito! Bakit naman ako magdadala ng panty dito sa trabaho ko. Ano mag i-sleep over ako?!
"Anong nangyayari?" tanong ni Mang Edgardo.
Pumikit ako ng mariin at kinuha na lang ang panty at binulsa. Baka malagot pa ako sa Papa ko pag nalaman niya na inaway kong itong bwisit na lalaki na ito.
"Binigyan lang po kami ng tip Mang Edgardo" ani ko.
Tumingin sa'kin si Kylebna mayroong ngiti sa labi na para bang nanunukso.
"Oo Mang Edgardo! Ang galing nitong si Miss magtrabaho nakakatuwa..." may halong pang-aasar na sabi ni Kyle.
Matalim ko itong tiningnan.
"What's your name miss?" he asked then he looked at me from head to foot.
Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Ang kapal mo namang magtanong matapos mo kong pahiyain.
"K-Katelyn... Katelyn Gonzales" I stuttered. Shit!
Tinignan niya muli ako bago bumaling kay Mang Edgardo.
"Sige na po aalis na po ako at maraming salamat po!" paalam niya kay Mang Edgardo.
"Walang anuman hijo! Mag-iingat ka! Ay mali! Sila pala ang mag-ingat sayo." tawa pa ni Mang Edgardo.
"Dapat lang po na mag-ingat sila..." sabay baling ni Kyle sakin.
"Kilala ka pa naman dahil sa matinik ka pagdating sa mga babae" tumawa pa sila pareho.
"Kaya pala may panty sa kotse mo." bulong ko na alam kong narinig ni Kyle kaya bumaling ito ulit sa'kin.
Oh! Ano!? Sasagot ka pa!? Eh! Totoo naman eh!
Pumasok na ito sa sasakyan niya at binuksan ang bintana sa driver seat. Tinignan ko lang siya.
"Sayo na lang yung panty ah. Wala bang thank you diyan?" panunukso niya.
"Fuck you Kyle Levi!"
"Whoa! I didn't know na kilala mo ako." he smiled evilly.
"Sinong hindi makakakilala sayo eh notorious playboy ka! At next time wag kang cheap huh! Sa kama ka makipag anuhan hindi yung diyan sa kotse ng Papa mo at ang bobo pa ng babae mo dahil iniwan pa niya itong pesteng panty niya! Na sinabi mo pa na sa akin ito which is hindi naman talaga! Leche!" dire-diretso kong sabi dahil sa galit.
Yeah I'm fuming mad!
"Chill Baby! See you next time! Bye!" he winked at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Fuck you Kyle Levi Mercado! Fuck you to the hell!
Maaga akong umuwi dahil siguro na rin sa nawalan na ko ng gana dahil sa bwisit na customer na yun.
"Oh! Kate ang aga mo ah! Bakit? May nangyari ba?" tanong ni mama.
"Wala po ma. Kailangan ko lang po munang magpahinga" I smiled.
Hinaplos niya ang noo at leeg ko.
"Di ka naman nilalagnat. Oh siya sige magpahinga ka na"
"Pagod lang ako ma wala po akong sakit" natatawa kong sagot.
"Mabuti na ngang magpahinga ka dahil mamaya ay uutusan kita mamayang gabi na pumunta kay Marilyn at kunin mo ang mga t-shirt na isusuot natin para sa kampanya ni Konsehal Anton."
Malapit na pala ang kampanya para sa darating na eleksyon. Matalik kasi na kaibigan ni Papa si Konsehal kaya lagi namin itong sinusuportahan.
"Sige po..."
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga na agad sa kama. Di matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Nakakainis! Sayang kagwapuhan niya dahil ang sama niya.
Tumayo ko mula sa pagkakahiga at humarap sa may salamin. Na-conscious ako bigla sa hitsura ko baka ang panget ko kanina nakakahiya naman sa pagmumukha ng mayabang na iyon.
I look pale. My innocent face proves my age. Ang haba ng aking buhok ay hanggang dibdib. It's straight and color brown. Tama lang ang laki ng aking mga mata. My eyes look gentle. Ang tangos ng akin ilong ay nakuha ko kay mama pati ang puti ng kaniyang balat na mamula-mula pa. Natural na namumula ang aking pisngi at ang manipis at makurba kong labi. Naalala ko noon na may nagsabi sa'kin that my body is in full bloom.
Napag-isipan ko na kailangan ko na mag-ayos para sa aking trabaho dahil... sa kanya... I mean para presentable ako tignan. May mga pressed powder at liptint ako na ibinigay sa'kin ni Ericka. Si Ericka kasi mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha niya kaya lalong gumaganda.
Dahil sa pag-iisip ko ng mga kung ano-ano ay nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa katok mula sa pintuan. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong gabi na. Gosh! Yung iniuutos pala ni mama. Lagot ako!
Naligo na ako agad at pagkatapos ay inumpisahan ko na ang mga ritwal ko, paglagay ng lotion, tinted moisturizer at kung ano-ano pa. Napili kong suotin ang black short at Flat Knit full over na kita ang aking shoulders and collarbones.
I blow dried my hair and then hinati ko sa gitna at sinuklay ng maayos. I put pressed powder on my face and lip tint on my lips.
Dumiretso na agad ako sa sala para makaalis.
"Kate bilisan mo na!" sigaw ni mama
"Opo ma! Heto na aalis na po!"
"Mag-ingat ka!"
Pero bago pa ko tuluyan makalabas ay lumapit agad sa'kin si mama ay tinignan maigi ang mukha ko.
"Aba! Mukhang may pinagpapagandahan ka ah! Maganda ka naman talaga...pero nagpapaganda ka pa lalo ah... Para kanino ba huh?" gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni mama.
Alam ko na naman nasa isip nitong si mama. Akala niya siguro may natitipuhan na kong lalaki.
"I do it for myself ma di para sa kung ano po ang iniisip mo..." natatawa kong paliwanag
"Sus! Sige na lumakad ka na! Umuwi ka agad ah baka makikipagtanan ka na." panunukso niya. Natawa na lang ako sa sinabi nya.
Nagtricycle na lang ako papunta kanila Marilyn di naman kase ganoon kalayo. Pagbaba ko ng tricycle ay may nakaparada na isang pamilyar na pulang sasakyan. Toyota C-HR...
"Tao po!" kumatok ako sa puntuan.
Sa pangatlong katok ko ay bumukas na ito.
"Kate! Akala ko di ka na pupunta eh... Pasok ka" she smiled.
"Nakatulog po kase ako. Pasensya na po" paliwanang ko.
Pagpasok ko ay nakita ang isang lalaki na nakaupo nasa sofa. He's wearing a maong pants and white v-neck shirt. Naka-sneakers pa ang bwisit.
"Upo ka hija" nilahad ni Tita Marilyn ang sofa para sa'kin. Sa tabi pa talaga ni Kyle.
"Maghahanda lang ako ng hapunan. Dito na kayo kumain Kyle, Kate" nakangiti niyang sabi.
"Sige po! Salamat!" ani Kyle
Ngumiti na lamang ako. Bakit kaya narito itong lalaking ito!

BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Novela JuvenilKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...