Chapter 3

24 0 0
                                    

Textmate

"What are you doing here?" I asked.

"Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo..." gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniyang labi.

"Kukunin ko yung Tee Shirt para sa kampanya.. Eh! Ikaw?!" pagtataray ko.

"Ofcourse! Dahil din diyan. Papa ko ang nasa tee shirt kaya kukuha rin ako hmm..." heto na naman yung tingin niyang nakakapanindig balahibo.

"Ang bango mo huh!" he smirked

"Natural naligo ako! Alangang mabaho pa rin ako" iritado kong sabi.

"Sungit mo naman... Porket kita lang yang collarbones at balikat mo sa suot mong damit kala mo attractive ka na. Mabango ka lang!" Aba bastos talaga ito!

Ano?! 'Mabango lang ako' Palibhasa anak mayaman kaya mean.

"Ikaw kasi kahit anong ligo gawin mo di ka tinatablan ng sabon kasi isa kang malaking bacteria... Maporma ka lang..." kalmado kong sinabi na nakangiti pa para maasar siya pero mukhang natutuwa pa siya lalo.

Lumapit pa lalo ito sa aking kinauupuan. My heart pounded hard when he whispered something.

"Kaya nga,baka ikaw na makapagpabango sa'kin hmm."

Nanuyo yung lalamunan. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Dahil nararamdaman ko ang paghinga niya sa aking tenga.

"Ang bango mo talaga." he whispered

Narinig ko ang munting halakhak mula sa kaniya. Pinagtitripan talaga ko nito.

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang gabing iyon na kasama ko iyon. Pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso. Lalo na't binigay ko ang cellphone number ko sa niya.

"Kate ibigay mo na lang kay Kyle ang number mo para ma-update ka sa kampanya at distribution ng tee shirt at mga brochure para sa kampanya." ani Tita Marilyn.

"P-Po?" gulat kong pagkakasabi.

"Yeah! Tita Marilyn is right. Give me your number." he smirked.

"Why would I give my number to you?! Ayaw kitang ka-textmate"

"Ia-update kita about sa kampanya hindi para maging regular na ka-textmate mo... Pero kung gusto mo ako ka-text why not?" panunuya niya

"Fine! Just update me! Iyon lang! I don't want you to text me nonsense things!"

"So I'm gonna text you like sweet things? You want that Kate hmm?" halos pabulong na lang niyang binanggit yung huli. Pakiramdam ko ay pulang pula na iyong pisngi ko.

I looked away. Bwisit na Kyle na ito! He's making me nervous!

"Ang swerte mo naman sis! Makapagcarwash na rin nga!" ani Ericka na akala mo binudburan ng asin. Grabe kiligin!

Nikwento ko kasi sa kaniya yung pagkikita namin ni Kyle yung crush na crush niya. Di ko naman din masisisi ang kaibigan ko kung humanga siya doon. Gwapo si Kyle, Mayaman, Topnotcher kaso playboy daw. Tsaka hindi naging maganda ang una naming pagkikita.

"Ewan ko ba kung bakita baliw na baliw ka sa lalaking iyan eh ang lakas mang asar at ang yabang pa niyan." I rolled my eyes.

"Sayo lang siya ganiyan noh... Paano ba naman kasi ang suplada mo rin! Kaya siguro ganiyan ka pakitunguhan."

"Oh! Edi yun na lang kaibigan mo! Bahala ka dyan!" nagkunwari akong galit

"Joke lang! Heto naman di mabiro. Alam mo sis kumain na lang tayo. Katatapos lang natin magsimba tapos nagmamaldita ka na." pang-aasar pa niya. Humalakhak sya.

Ericka is good to me and fun to be with. Kaklase ko siya since junior high school kaya malapit na kami sa isa't isa. She's pretty in her fair skin like mine and her shoulder length hair with see-through bangs. She has thin lips and narrow nose.

Every sunday nagsisimba kaming dalawa and then kakain. Minsan pumupunta rin siya sa bahay para makapagkwentuhan kami tungkol sa mga kalokohan niya at sa kamalditahan ko naman.

"Sasama ko sa kampanya ni Konsehal Anton my future father-in-law... Para syempre makita ko rin si Kyle at makasama siya!" kinikilig niyang kwento.

"Kung hindi lang matalik na kaibigan iyan ni Papa di na ako sasama. Nakakatamad at saka ayoko makikita yung pagmumukha nung bwisit na Kyle Levi na iyon"

"Hmm. Attracted ka lang sa kaniya sis eh! Aminin mo na!" panunukso niya

"Kailan ba ko na-attract sa isang halimaw?" ani ko ng nakataas ang kaliwang kilay.

"Halimaw sa kagwapuhan!" tili niya kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa fast food chain na kinakainan namin.

"Kumain ka nga diyan bago ko maging halimaw sa harap mo..."

Natawa na lang kaming pareho. Sa lahat ata ng babae ako pa lang ata ang kinaiisan si Kyle. Well, what do you expect?! Puro compliment ang maririnig mo tungkol sa kaniya mula sa ibang tao.

"Bukas na pala ang kampanya. Hapon daw. Sasama ko sa inyo ah... Magpaganda ka! Gamitin mo yung lip tint at blush on na binigay ko sayo. Pati yung pressed powder tiyak nandun din ang isa pang anak ni Konsehal..."

"Sino sis?"

"Si Felix Mercado ang panganay na anak. Dalawa lang silang magkapatid ni Kyle."

"Di ko alam na may kapatid pala siya at mas matanda pa sa kaniya"

Bakit di ko nabasa yun sa research ko na may kapatid pala siya. Kasing gwapo kaya niya? Sana magkaiba silang ng ugali.

"Gwapo?" tanong ko.

"What do you expect sis? Kung kay Kyle nga makapanlaglag panty na eh heto pa kayang si Felix" kinikilig ang bruha

"So kung si Kyle ay makapanlaglag panty, si Felix naman ay nambabalibag sa kama ganoon?" natatawa kong tanong. Nahahawa na rin ako sa kagagahan nito.

"Precisely!"

Kung ganoon pala kailangan kong maghanda para sa kampanya. Syempre para suportahan si Councilor Anton hindi para magpacute.

"Katelyn!" tawag ni kuya

"Yes kuya?"

"Pinaloadan kita. Ano natanggap mo na?"

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakitang natanggap ko na yung load.

"Talaga kuya? Thank you!"

"Para naman makakalap ka pa ng iba pang infos about kay Kyle..." he smiled evilly.

Mang-aasar na naman ito.

"Why would I do that?"

"Kunwari ka pa... Noong isang araw lang kulang na lang mag hire ka ng investigator para sa kanya." panunukso niya.

"Ano ko stalker?! Sino ba siya para pagkaasayahan ko ng oras at panahon ko?"

"Anak lang naman siya ni Councilor Anthony Mercado at siya ay regular customer sa carwash na pinagtatrabahuhan mo at higit sa lahat ay natitipuhan mo..." panunukso niya pa.

Inirapan ko na lang siya dahil pag sinagot ko pa iyan ay lalong di ako titigilan niyan sa pang-aasar.

"Pero... wag ka munang magboyfriend o di kaya papaligaw. Crush lang muna. Pag may pumuporma sayo sa'kin muna sila dadaan na makita ko kung matibay ba ang kanilang mga buto at sikmura."

"Ewan ko sayo! Puro ka kalokohan kuya!" iniwan ko na siya sa sala at di pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Magsama nga kayo ni Kyle lakas niyo mang-inis eh.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon