Woman
Hawak niya ang aking tagiliran. Sobrang higpit yung tipong akala mo mawawala ka.
Nagkatinginan kami. Ang ganda ng mata. Ang kinis ng mukha. Mapula ang labi at pouty. Ang pogi!
"Baka matunaw ako niyan huh?" he smirked.
Tumayo agad ako ng maayos. Kanina ko pa pala siya tinititigan.
Napakurap ako sa sinabi niya at tumikhim bago magsalita.
"T-Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo... Ang laki ng daanan tapos babanggain mo pa ko." reklamo ko.
"Pasalamat ka nga dahil nasalo kita. Tapos ngayon tatalakan mo na naman ako." unti-unti siyang ngumiti.
"Utang na loob ko pa. Ang taba mo kasi kaya muntik na kong mapahiga sa sahig..."
"Ako?! Mataba?! Gusto mo ba pakita ko sayo kung ano iyang sinasabi mong mataba hmm..." akmang huhubarin niya yung shirt niya kaya tinakpan ko agad yung mata ko ng palad ko..
Humagalpak siya sa tawa kaya tinanggal ko ang aking mga kamay sa aking mukha.
"Was that funny?!" mariin kong sinabi.
He walks towards me, closing the distance between us then his lips twisted.
"Ang sungit! Let's go baka aalis na sila..." nakangisi niya sinabi. Nag tiim bagang ako.
Di na ako umangal. Sumama ko sa kaniya. Ayoko na kase na puro na lang kami bangayan nakakasawa na. Gusto ko rin maging maayos na ang pakikitungo sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit naisip ko agad iyan.
"Sorry pala kanina kung nainis kita..." kalmado niyang sinabi.
Nagulat ako dahil di ko akalin na humuhingi pala ng paumanhin itong lalaking ito. Pero sa totoo lang talaga nainis ako sa mga sinabi niya noon lalo na yung 'Mukha ka ngang nene. At saka yung ganiyang katawan di pagnanasahan' tumatak sa utak ko iyan. Talagang nabwisit ako sa pang aasar niyan iyan.
Lumaki kasi ako na medyo mailap sa mga lalaki lalo na kung alam ko ang mga intensyon nito. Mabait ako sa alam kong mabait sa akin kagaya ni Lenard kaya sa lahat ng lalaki iyan lang ang napapatungohan ko ng maayos. Kung bakla naman ay iyan ang mga gusto na kaibiga because they're fun to be with.
"Wag ka mag-sorry. Wag mo na lang ulitin" seryoso kong sabi.
"How old are you?!" he asked
"I'm sixteen..."
"Hmm. But you act like a woman huh"
"Sayo lang naman" ngumisi ako.
"Uh-huh. Bakit naman?" he chuckled.
"Because you're old and I don't know if you can handle my childish and naughty sides" I smiled widely.
Pumikit siya ng mariin. At bumulong ng ilang mga mura.
"I'm not old. I'm just twenty one.. Five years lang ang age gap natin." he said
"Lang huh?!" I chuckled sexily.
Paglabas namin ay may mga kaniya-kaniyang speaker ang mga sasakyan na kakampanya na tinutugtog ang kantang 'Let's Kill This Love' na pinalitan ng lyrics na hinihikayat ang mga tao na iboto si Konsehal Anton.
'Let's vote Anton
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum'Natawa ko bigla sa kanta. Mapapasayaw ka na lang wala sa oras. Agaw pansin ang kanta lalo na't sikat ito ngayon at korean song ito.
Iniwan ko na si Kyle Levi. Dumiretso na ako kanila Kuya Karl.
"Saan ka galing? Bigla ka na lang nawala..." kunot noong tanong ni Kuya Karl.
"Nag CR lang"
"Bakit ngingiti ngiti ka riyan huh?" natatawang tanong ni Kuya.
"Wala... Nakakatawa lang yung kanta sa kampanya ni Tito Anton." nakangiti kong sagot.
"Iyon nga ba ang dahilan?" tumawa siya at tinalikuran na ako dahil kukuha siya ng brochure na ipamimigay.
"Katelyn!" tawag sa'kin.
Tumalikod ako at hinanap ang sumigaw ng pangalan ko. Si Ericka!
"Bakit mo ako iniwan?"
"Nakakita kasi ako ng chocolate fountain kaya nilapitan ko. Alam mo naman I like sweets."
"Kaya ka tumataba eh" pang aasar ko.
"My goodness! Totoo tumataba na ako?! Hala!" gulat niyang tanong.
Na-bother ang loka. Di naman mabiro ito.
"Utak mo yung tumataba di katawan mo!" humagalpak ako.
"Sino kaya nagturo sa akin ng mga ganiyang bagay?" nakataas ang kilay niya.
Alam ko naman na ako. Kung titignan mo mukha akong inosente pero di talaga. Alam ko na yung mga bagay na laging iniiwasan ng mga tao pag usapan o di kaya nahihiyang mapag usapan. Para sa akin natural lang lahat ng ganyang bagay o usapin basta open minded ka at mabuti ang intensyon.
Nag umpisa na ang kampanya. Bigay ng brochure doon, bigay dito. Bato ng t-shirt doon, bato rito. Si Tito Anton ay walang pagod na ningingitian at nakikipagkamayan sa mga tao.
Ako naman tamang bigay ng brochure at ngiti.
"Vote for Councilor Anthony Mercado po" nakangiti kong inabot sa matanda ng babae yung brochure
"Ang ganda mo naman hija. Kaano -ano mo ang mga Mercado?" nakangiti niya tanong .
"Family Friend po" tumango siya at ngumiti.
"Iboboto ko talaga iyan si Anton dahil ang laki ng naitulong niyan sa aming mga nasunugan noon. Di niya kami pinabayaan at sinigurado niya ang kaligtasan namin." aniya.
"Maraming Salamat po! Makakarating po kay Konsehal iyan."
Sa kalagitnaan ng kampanya ay may nag abot ng isang boteng tubig sa akin.
"Drink. Medyo mahaba-haba na ang nalakad natin" si Kyle.
"Thanks!" I smiled at him.
"Vote for my Daddy" inabot niya yung brochure sa isang babae
Nakakatuwa tignan na ang isang engineer ay nangangampanya. He looked happy on what he's doing.
Kalahati lang ang nainom ko sa tubig na binigay niya sa akin.
"Di mo inubos?" tanong ni Kyle.
"Di na ako inuuhaw eh"
Kinuha niya yung bote sa aking kamay at saka ininom iyon. Naubos niya!
"Bakit mo ininom?! Nainuman ko na iyon... May laway ko na yun"
"Wala ka namang sakit na nakakahawa kaya okay lang. Tsaka sa akin din ang bagsak ng labi mo." gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniyang labi
Nakatingin siya sa aking mata hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking labi... Parang jelly na yung tuhod ko. Kumalanog ang puso ko.
"Sarap..." bulong niya at dinilaan ang kaniyang labi.
Tanghali na ako nagising ulit dahil sa pagod siguro. Bukas pala ay makakasama na ulit si Papa sa carwash. Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko pa kumuta ng pera
Di ako kailanman nagreklamo buong buhay ko kung bakit ganito ang naging estado namin sa buhay dahil kuntento na ako sa mga blessings na natatanggap namin. Nakakakain kami higit pa sa tatlong beses sa isang araw na talagang kuntento ako at saka sama-sama kami sa hapag kainan ay walang hihigit pa. Makakatapos din ako kaya magsipag lang talaga ko lalo na ay with honors ako.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...