Limits
"Saan mo gusto pumunta?" Levi asked
Walang nagbago sa pakikitungo ko sa kaniya gusto ko muna mag imbestiga kung totoong ginagamit niya talaga ako. Masakit man pero I have no choice. Immune na ata ako sa sakit.
"Gusto ko manood ng sine..." mahina ang pagkakasabi ko halos pabulong.
"Okay then."
Nagmamaneho siya at serysong nakatingin sa kalsada. Kaya naman pinagmasdan ko siya. Yung mukha niya. Yung makahulugan niyang mga mata kapag tinitigan mo minsan madilim pag galit at minsan naman ay maliwanag dahil sa saya. His pouty lips, thick brows, long lashes, perfect jawline... Mamimiss ko lahat ng iyan kung aalis man ako.
Napalunok ako ng pinilig niya ang ulo niya pakanan.
Buong buhay ko ay kuntento na ako sa kung ano ang meron ako pero ng dumating si Levi sa buhay ko ay mas lalo akong naging kuntento basta makasama at makapiling ko lang siya.
"Stop staring" he grinned.
"I can't! You look so fucking handsome!" I chuckled sexily.
Ngumuso ito dahil sa nagbabadyang ngiti at umiling.
Sana ganito na lang palagi kaso hindi may kailangan ako harapin pati rin siya... kung hindi ang katotohanan.
Biglang nagvibrate ang cellphone niya kinuha ko iyon pars tignan. Hinahayaan lang niya ko na hawakan at buksan ang kaniyang cellphone at alam ko rin ang password.
Di niya ata napansin na nagvibrate. May isang message. Angelica.
Angelica
I forgot my wallet on your room. I had fun last night :) Can I go there?
My heart clenched painfully.
Nagback read ako sa mga messages nila. Di gaanong nagrereply si Levi kung may reply man ay bilang lang sa mga daliri.
Angelica
It's good to see you again. Thanks :)
Angelica
We have a family dinner. Pumunta ka your mom and dad will come.
Nagreply siya.
Levi
I'll try.
Angelica
Salamat sa paghatid :>
Angelica
Tito Anthony said that you cancelled the project. Why?
Levi
None of your business
Anong project? Cancelled? Stop overthinking!
Sinoli ko na lang yung phone niya at bumaling sa bintana tanaw ang kalsada.
"Ayoko na pala manood. I'm starving" I sighed.
"Okay then. Where do you wanna eat?"
"I'm fine with fast food. Drive thru na lang"
Sinabi niya ang order namin habang nakanganga naman ang babaeng crew sa kaniya halos tumulo ang laway. Ang isa naman na babae ay nakangiti sa kaniya at dahang dahan nilagay ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tenga. What the?! Nagpapacute ka?!
"Miss One spaghetti!, One large fries! and Two chicken burger! with two drinks!" sigaw ko dahil mukhang di niya naiinitindihan si Levi dahil sa pagkatulala.
"S-Sorry Ma'am... Ano pong drinks?"
"I'm fine with Iced Tea" I rolled my eyes.
Yung isang babae naman ay masama ang tingin sa akin kaya hinawakan ko ang braso ni Levi at tinaasan ng kilay ang babaeng crew. Umalis na ito bigla. Oh! Ano kayo ngayon huh!? Ang harot niyo di kayo magtrabaho ng maayos!
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Novela JuvenilKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...