Latin honors
"See! Ayos na kayo. Sabi ko naman sayo mag usap kayo hindi iyong iniiwasan mo pero sa bagay di naman din kita masisisi..." ani Ericka
Nikwento ko sa kaniya ang naging pag uusap namin ni Levi. Natutuwa siya dahil ayos na kami at sa susunod daw ay dapat wala na kaming tinatago ni Levi sa isa't isa para walang nasasaktan. Kadalasan daw kasi ang sumisira sa relasyon ay kawalan ng tiwala at di pagiging tapat sa isa't isa pero di naman kami magkarelasyon ni Levi... At saka may tiwala ko kay Levi, wala lang akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalo na si Angelica. Two years ang age gap namin ni Angelica so she's now a twenty three year old. Pero walang pagbabago maitim pa sa buhok niya ang ugali niya.
"Ang importante ay nagkaayos na kami. Sadyang nasaktan lang din kasi ako" I said then I sipped my milktea
Nasa isang cafe kami ni Ericka ngayon exams lang namin kaya half day lang kaya kumain muna kami para makapag usap din.
"Hmm. So patuloy ka pa ring sumusulat kay Kyle?" nakangiti niyang tanong habang sumisipsip sa kaniyang milktea.
"Hmm... Yeah! Nakasanayan ko na rin naman na kasi. Nalalagay ko pa naman sa kotse niya kahit hindi na ako nagcacarwash." I smirked.
Humiwa ako sa aking cake at dahang dahan sinubo. Halos mabulunan ako sa nakita ko.
Angelica Jimenez is here...
She's wearing a black strappy straight neck bodycon dress. Nakatali ang buhok nito na siyang nagpapakita ng lubusan ng kaniyang leeg at batok. She's beautiful and stunning. Kumikinang ang pagkamorena niya dahil sa sinag ng araw.
"That bitch!" umirap si Ericka.
"Hayaan na lang natin" ani ko.
"Anong hahayaan!? Eh ang mga babaeng malandi kagaya niyan ay hindi titigil hanggang di nakukuha ang lalaking nakatali naman nasa iba. Pipilitin ang sarili para maputol sa pagkakatali ang lalaki sa babae para mapasakaniya!" halos umusok na ang ilong ni Ericka dahil sa galit.
"Subukan niya... Dahil kung maputol man niya ang tali na nagsasama sa amin ni Levi ay kahit kailan di niya mapapantayan ang saya at pagmamahal na ipinaparamdam ko kay Levi. At ako! Ako lang ang mamahalin niya! At siya?! Hindi kailanman! Mahirap na agawin ang taong nasa akin na!" matapang kong sinabi.
Nakanganga si Ericka dahil sa sinabi ko. Nagulat siguro dahil hindi niya inasahan na masasabi ko ang mga iyon. Nasabi ko lang naman iyon dahil sa mahal ko si Levi kahit na magkaiba ang estado namin sa buhay ay siguro ay may puwang naman sa mundo para sa amin... Yung tanggap ako. Kami.
Nag slow clap pa siya ng naka perfect 'O' ang bibig.
"Ang galing! Pwede ka na mag beaucon sis!"
"Ewan ko sayo! Kumain ka na lang!" natatawa kong sinabi.
Natuloy na ang pag alis ni Kuya. Sa Europe siya nagtatrabaho ngayon. Mag iisang buwan na simula ng umalis niya at nanatili ang aming komunikasyon sa isa't isa.
"Kuya kamusta ka riyan?! Saan ka nakatira? Nakakakain ka ba ng maayos? Sino-sino mga kasama mo?" sunod sunod kong tanong.
Iyan yung araw na nag usap kami nung nakarating na siya sa Europe. Kaya hindi ko maiwasang mag alala.
"I'm fine! Sa hotel muna ko tumuloy nag check in ako... Mag isa lang ako rito sa kwarto ko." natatawa niyang sagot.
"Ganoon ba?" nagpuppy eyes ako
"Ofcourse nakakakain ako ng maayos. Miss me huh?" he chuckled
"Hmm. I miss you... Kailan ka uuwi rito Kuya?" malungkot kong tanong.
"I miss you more Kate. Kararating ko pa nga lang tinatanong mo na agad kung kailan ako uuwi" humagalpak siya sa kakatawa..
Namimiss ko na si Kuya lalo na yung mga pang aasar niya sa akin pero syempre masaya ako sa mga narating niya kaya susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya kahit iyon pa ang dahilan ng pagkakalayo naming dalawa.
Nanonood ako ng TV mag isa sa sala ng tumunog ang akin cellphone.
"Hello..." mahina konh sagot
"Baby..." baritonong boses niya
Nanlaki ang mata ko kaya tinignan ko ulit ang screen ng phone ko at si Levi nga itong tumawag. Masyado kasi akong nakafocus sa kdrama na pinapanood ko kaya di ko na napansin kung sino yung tumawag.
"Yes baby?" malambing kong pagkakasabi
Matagal bago siya sumagot.
"I'm here... sa labas ng bahay niyo..." aniya
Nataranta ko sa sinabi niya kaya binaba ko ang tawag without a word. Nagsuot ako ng bra at cycling di ko makita yung iba kong short kaya okay na ito kung hindi lagot na naman ako sa kaniya. Ang suot ko kasi ngayon ay isang malaking gray v-neck shirt. Ang haba ay hanggang hita.
Sinuklay ko ang buhok ko at naghilamos. Naglagay ako ng konting pulbo sa aking mukha at lipbalm sa aking labi. Nang nakuntento na ako ay lumabas na ako para papasukin siya.
Pagbukas ko ng pintuan ay siya agad ang bumungad sa akin. May hawak siyang heart-shaped ferrero chocolate at isang bouquet ng pink roses. Pareho kong paborito ang dala niya kaya di ko maiwasan ang mapangiti.
Pumasok kami sa loob at naupo sa sofa. Nilapag ko sa mesa ang dala niya para sa akin.
"Thanks for these" malambing ko pasasalamat
"Hmm. Bakit ang tagal mo bago lumabas?" he pouted tinatago ang ngiti.
"N-Nagsuot... kase ako ng b-bra at cycling.." I stuttered
Ngumuso siya lalo na para bang may tinatagong ngiti.
"Uh-huh... Halata nga" sabay sulyap sa aking dibdib.
Hindi nakaayos yung t-shirt ko kaya nahulog na ang manggas ng kaliwang braso na kaya kita na ang strap ng kulay pink kong bra. Pink pa talaga ang nakuha ko!
Inaayos ko agad ang aking damit at umupo ng maayos. Nararamdaman ko ang pag init ng pisngi ko.
"Kumain ka na ba? N-Nagluto ako kanina ng tanghalian..." pag iiba ko ng topic.
"I'm not hungry but I want to eat what my baby cooked..."
Napapadalas ang pagpunta ni Levi sa bahay. Pag weekends lumalabas kami. Mamasyal tapos kakain. Siya ang naghahatid at sundo sa akin sa school hindi ko nga alam kung baka pati trabaho niya ay naaapektuhan na. Pero sa mga buwan na nagdaan na kasama ko siya ay masaya ko. Wala ng hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Pagkasama ko siya di ko naaalala ang agwat namin sa buhay at pagkakaiba namin.
"Congrats Ms. Gonzales nanatili ka pa rin sa may mga with Latin Honors. Ipagpatuloy mo lang iyan at gagraduate ka na dala-dala iyan" bati ng Prof ko
"Maraming Salamat po hayaan mo po at ipagpapatuloy ko po ang magandang naumpisahan ko" ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...