Chapter 25

8 0 0
                                    

Letter


Isang malaking kahihiyan ang mga pinagsasabi ko kay Kyle. Tinigil niya ang engagement!

"Hello..."

"Kate, where are you? Dala mo raw yung sports car ko?" nag aalalang tanong ni Kuya.

Sabi ko na't tatawag ito eh. Baka akala niya di ako marunong magdrive. Well, tinuruan ako ni Tyler sa Europe magdrive noh! Akala niya siguro baka masira ko ang maganda at mamahalin niya sports car.

"Don't worry Kuya I know how to drive... Iuuwi ko ng buo ang sports car mo. Walang labis at kulang..." I sipped my fruit shake.

"Okay. Take care! Text me when you're home"

"Okay..." sagot at binaba na ang tawag.

Pagtingin ko sa harap kong table ay may nakaupo ng lalaki. Nakaharap ito sa akin ngunit natatakpan ng binabasang magazine ang kaniyang mukha. Umalis na rin ang mga babaeng nagkukuwentuhan kanina sa kabilang table. Lumapit ang waiter doon sa lalaki para ilapag ang inorder. Pagkalapag ng pagkain ay siyang pagbaba rin niya ng magazine.

My eyes widened and my jaw dropped.

Diretsong nakatingin ang madilim na mga mata ni Levi. He's wearing a white long sleeve na nakatupi ang sleeves hanggang siko at nakaunbuttoned ang tatlong butones sa unahan. Nakafaded jeans din siya na hapit  mula baywang hanggang paa niya.

Kung may pinagbago man sa kaniya ay iyong mas lalo siya pumogi. Lumaki pa lalo ang matipuno niyanh pangangatawan. Medyo mahaba na ng konti ang kaniyang buhok at he looked matured and sophisticated.

Halos di ako makalunok at nanglambot ang aking mga tuhod. Di ko expected na rito kami magkikita at bakit ngayon pa. I'm not ready actually!

Tumikhim ako at tumayo na. Nilapag ko na lang ang bayad ko sa mesa at nagmamadaling umalis. Pumasok agad ako sa elevator pero bago pa iyon sumara ay may humarang na isang kamay sa gitna nito na siyang pagbukas muli.

Halos mapaupo ako ng makitang si Levi iyon. Fuck! Sana lamunin na ako ng lupa.

Pumasok ito at tumabi sa akin. Halos lumabas na yung puso ko dahil sa lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Di rin ako makahinga ng maayos. Shit!

"Comeback is real" baritono niyang boses.

What the hell?!

"Masarap ba siya humalik huh?" mariin niyang tanong. Napaangat ang tingin ko sa mga mata niya. Ramdam ko ang galit doon kaya mas lalo kong kinabahan. He's intimidating!

"I don't know what you're talking about" I pretended to be strong and firm.

Totoo naman kasi na hindi ko alam kung ang yung sinasabi niya. At saka anong halik? Duh! Kahit sa Europe wala kong nakahalikan kahit na I'm now fond of boys.

"One of the Professors on your graduation day. Three years ago hmm. Kaya ba umalis ka ng walang paalam dahil may iba ka na huh" mariin niyang sabi.

Di ko na napigilan ang sarili kong masampal siya. Tumagilid ang ulo niya dahil doon.

"That was an accident! We didn't kiss because we have something or whatever! At ako pa ang may iba? Sino kaya sa atin ang nagproposed para makasal na siya sa iba niya huh?! Fuck you! Wala kang karapatan na magalit dahil sa ating dalawa ako yung nasaktan ng sobra! Bullshit!" sunod-sunod kong sigaw. At halos taas baba ang dibdib ko dahil sa galit.

Nakita ko ang dumaang sakit sa kaniya mga mata pero biglang nawala iyon napalitan ng lungkot at galit.

He looked so weak right now.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na agad ako at pumunta sa parking lot.

Bago ko pa buksan ang kotse ay may humila sa palapulsuhan ko kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"I stopped the engagement dahil ayokong magpakasal lalo na kung hindi naman din ikaw iyon. Pinaimbestigahan ko yung sa naging issue sa pagitan ng pamilya natin dahil duda ako. Dahil alam kong mabuting tao si Tito Aries. Kaya nung nalaman ko ang katotohanan ay pinagpatuloy ko ang engagement party para roon ibulgar ang lahat ng ginawa ng mga Jimenez... I'm sorry baby.." he hugged me. Nararamdaman ko ang init ng paghinga niya sa aking leeg.

"I want you back for me... for good..." ramdam ko ang frustration sa totoo niya.

"Sa tingin mo ganoon lahat kadali ang lahat ng iyon? Huh?" di ko na napigilang humikbi.

"I miss you so much baby... I'm so fucking stupid because I let you feel the pain... I've been so fucking crazy kakaisip kung nasaan ka... I love you baby..."

"Then prove it to me... Ligawan mo ako" matapang kong sabi bago kumalas sa pagkakayakap at pumasok nasa loob ng kotse. Nagulat ako ng makita ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata kaya mabilis kong pinaandar ang kotse paalis doon.

Medyo napuyat ako kagabi kakaisip sa mga sinabi sa akin ni Levi. Totoo ba yun o baka nananaginip lang ako lang.  Kinuha ko yung itim na papel at envelope. Ang tagal ko na ring di nakakapagsulat sa kaniya. Kinuha ko yung color silver na ballpen at nagsulat na.

Dear Levi,

You want me back? Do something. Prove it to me. Give me a good reason to comeback for you. I wish you a good luck!

Tinupi ko yung papel at pinasok sa loob ng black envelope. Kinuha ko yung metallic lipstick ko na color silver. Marahan ngunit makapal ang pagkakalagay ko ng lipstick sa aking labi at saka dinampian ng isang halik ng gitna ng envelope. I sealed it with a kiss.

"Perfect!" I whisphered.

I'm wearing a Ruched Halter Bodycon Dress and Stiletto. Nakalugay ang buhok kong hanggang dibdib at hinati ko ito sa gitna at nilagay sa aking likod.

Marahan akong naglakad patungong elevator papunta sa floor ng office ni Levi. Halos mabali ang mga leeg ng mga tao roon kakatingin sa akin.

"Good morning miss ano pong kailangan nila?" tanong ng babaeng nakaformal attire. Secretary siguro ito ni Levi.

"Good morning! Kindly please give this letter to Levi. Thanks!" I smiled at her.

"Okay po miss!" She smiled too.

Habang nakatayo sa tapat ng elevator ay pinasadahan ko ang tingin ang paligid and then I saw someone. A bitch!

"Look who's back!" nakataray ni Angelica. Walang nagbago sa kaniya ganoon pa rin siya... Bitch! She's wearing a Tube mini dress.

Matapang akong humarap sa kaniya.

"Look who's here! Bitch!" I raised my left brow then I gave her an evil smile.

"Umasenso ka lang ng konti akala mo kung sino ka na. Nakapagsuot ka lang ng magandang damit akala mo ang yaman mo na" she looked at me from head to foot.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan mula ulo hanggang paa. Binigyan ko lang naman siya ng nakakainsultong tingin.

"Eh! Ikaw?! Kahit anong ganda ng suot mo, demonyo ka pa rin. Palibhasa'y nalabas na ang baho ng pamilya mo. Kaya iyang sungay mo ilugar mo dahil di lahat ng nakakaharap mo ay luluhod para sayo" I tilted my head.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon