Kiss mark
Hindi ako nakatulog ng maayos kaya puyat na puyat ako nitong umaga. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan yung gabing iyon na matapos matapos akong mapahiya sa kaniya. Sa sobrang hiya ko nga di ko napansin na may dala siyang pagkain para sa akin kaya nung pag alis niya ay saka ko kinain.
Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto para kumain na ng almusal. Naabutan ko si mama na nilalapag na ang almusal sa mesa habang nakaupo na si Kuya at Papa roon.
Sumisimsim ng kape si Kuya habang nakatingin sa akin. Si papa naman ay nagbabasa ng dyaryo ng makita amo ay binaba na.
"Nakakapagtaka ang biglang pag alis ni Kyle kahapon sa kampanya" panimula ni Kuya sabay tingin sa akin. Napakurap-kurap ako dahil baka alam nila na pumunta rito iyon dito kahapon.
"Oo nga matapos nilang mag-usap ni Angelica Jimenez. Halata nga sa mukha ni Angelica ang galit at lungkot" ani Papa
Magkakilala si Kyle at Angelica! Paano? Saan? Akala ko kase si Angelica lang ang may kilala kay Levi at di siya kilala ni Levi. Nagkamali ako. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila? At saka bakit galit si Angelica? Sila ba? Di maaari dahil may kasama si Levi na babae noong nagpacarwash siya sa amin.
Tahimik lang akong kumakain dahil sa mga iniisip ko. Para kong lutang buong araw.
Mabilis ang pagdaan ng araw kaya pasukan na kinabukasan. Hinanda ko na ang aking mga dadalhin at susuotin.
Color Red checkered pencil cut skirt at white blouse at neck tie ang aking uniform.
Isang sakay lang patungo sa campus. Pagpasok ko ay ni-tap ko ang aking I.D for in.
Pinuntahan ko ang room ng aking first subject at sumalubong sa akin ang tumitiling si Ericka. Magkaklase na naman kaming dalawa.
"Sis! I miss you!" yakap niya sa'kin
Akala mo naman ilang taon kaming nagkita.
"I miss you too!" tili ko rin sabay yakap.
"Infairness ang sexy mo sa uniform natin ah" napatingin din ako sa uniform ko. Fitted kase yung uniform kaya siguro niya iyon nasabi.
Magkasama kami sa lahat ng oras sa campus ni Ericka kahit lunch break. Para kaming di mapaghiwalay dahil kahit hanggang banyo kasama ko siya.
Pag uwi sa bahay ay nagbihis na ako. Ako na ang nagluto ng hapunan para makapagpahinga naman si mama. Si kuya ay nasa school at si Papa naman ay nasa trabaho. Pagkatapos ko magluto ay tumungo na ako sa aking kwarto para ayusin ang mga filler ko at mga pinadadalang gamit.
Medyo naging abala ko sa linggong ito. Tuwing sabado at linggo na lang ako na nakakapagcarwash. Patuloy pa rin ang pagsusulat ni Ericka ng letter para kay Levi at ako naman ang naglalagay sa kotse ni pag nagpapacarwash. Syempre I sealed it with a kiss. Kaya yung red lipstick ay nagagamit ko para doon.
"A girl wrote a letter for me and secretly put it inside my car" sabi ng pamilyar na boses sa aking likuran.
Tapos ko ng linisin ang interior kaya nailagay ko na ulit yung panibagong sulat.
I'm a good actress... I think... Kaya tinago ko ang gulat at kaba ng hinarap ko siya.
"W-What? S-Sir?" pero sa salita di ko matago.
"Is it you? The person who wrote a letter?" kalmado niya tanong
Oo! Ako! Pero ako lang ang nagsulat noh! Pinasulat! Pero di ko intensyon iyan!
"I don't know what you're talking about Sir" diretsong sagot ko
"Hmm. I see. I just like the kiss mark on the envelope" he smirked
Sana kainin na lang ako ng lupa. Nang nakaalis na siya ay doon ko lang napansin na kanina pa pala ko di nakakahinga simula nung kausap ko siya. Shit! Grabe ang epekto sa akin ni Kyle Levi Mercado.
"Kate!" si mama kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.
Binuksan ko iyon at hinayaan ko siyang pumasok sa loob. May dala siya pagkain para sa akin. Di na nga pala ko nakasabay sa kanila kumain ng hapunan kaya sigurp dinalhan na lang niya ako. Busy kasi ako sa accounting. Ang hirap magbalance!
Nilapag niya ang tray na may laman ng pagkain ko sa aking study table.
"Kumain ka muna di yung puro aral ka kaya ang payat mo eh" aniya
"Kaya nga po. Heto na nga po oh!" sabay pakita ang pagsubo ko ng pagkain.
"Bukas ng gabi ang party... Handa ka na ba?" nakangiti niyang tanong.
Nagkibit balikat na lamang ako.
Wala naman kasi akong hilig sa ganiyan. Approachable naman ako pero depende sa nakakasalamuha ko.
"If you need something tell me... I have make ups and something for your hair. Ipapaakyat ko na lang mamaya rito sa Kuya mo... Kailangan maganda ka roon!" ngiting ngiti siya
"Okay ma! I can manage..." ngumiti ako.
"Sabi ng kuya mo nabigay na raw ni Ericka yung dress na susuotin mo"
Yeah! Masyadong pasexy. Hindi ako sanay. Fitted pa masyado! Loka talaga si Ericka pumili... Medyo kita yung cleavage ko! Tiis ganda na lang I have no choice dahil ganoon naman talaga ang nababagay na kasuotan para sa party na iyon baka pagtawanan pa ako masyadong balot na balot ang aking katawan baka akalain may prayer meeting na magaganap imbis na party.
"Yeah!" tamad kong sagot.
"Ilugay mo na lang ang buhok mo tapos ikulot mo yung sa bandang dulo. Tapos red matte lipstick ang gamitin mo para you look stunning" she laughed
"Ma! Magmumukha kong nang aakit ng mga lalaki sa ganiyan!" angal ko. Siya naman ay natatawa sa reaksyon ko.
"No! You will look like a matured woman... Kaya di maiiwasan na maakit sayo ang mga lalaki... You should learn how to entertain boys sweetly. Also, You should fond of them" she smirked.
"Whatever!" I laughed
Mama always remind me to be fond of boys and put make ups on my face. She wants me to look gorgeous and nice. Kaya hinahayaan ko na lang siya dahil natutuwa ko kapag nakikita kong natutuwa rin siya.
Bago ako natulog ay dinala na ni Kuya yung make up kit ni mama sa aking kwarto.
"Don't drink huh! You're still minor... Drink juice or whatever wag lang alak... Be friendly to everyone and greet them. Ngumiti ka di yung laging nakasimangot kaya nagmumukha kang suplada at mataray..." paalala ni Kuya
"Yeah! Right! Ano pa?" I smirked
"Don't get jealous when you saw Kyle with other girls" I saw a evil smile on his lips .
"Tss. I don't fucking care!" I rolled my eyes
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...