Graduation
Ito na yung pinakahihintay kong araw. My graduation day! I'm so excited! Dahil natapos ko ang lahat ng ito sa kabila ng hirap at pagtiyatiyaga. Masusuklian ko na rin sa wakas ang hirap at tiyaga ng pamilya ko para makapagtapos ng pag aaral
"Wow! My Kuya is cooking" nagluluto ng almusal si Kuya sa kusina di ko inakala na mauunahan niya akong gumising.
Binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng fresh milk. Nagsalin ako sa isang baso at umupo nasa hapag. Umiinom ako ng gatas habang pinapanood ko si Kuya na patapos na magluto.
"Nakapag impake ka na ba?" tanong niya habang nilapag ang dalawang plato sa mesa.
"Hindi pa... Kailan ba tayo aalis?" baka pagkauwi na lang namin galing graduation ako mag impake.
"Ang flight natin ay bukas ng hapon" edi may oras pa kami ni Ericka para magkasama.
Pagkakain ko ay naligo na ako at nagbihis. Light make up lang nilagay ko sa aking mukha. Niplantsa ko naman ang aking buhok para straight na straight. Hiyaan kong lumadlad ang aking see-through bangs sa aking noo. Pearl ang aking hikaw na nilagay sa aking tenga. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko si Kuya na bihis na. He's wearing a white long sleeve na nakatupi ang sleeves hanggang siko at nakaunbuttoned ang dalawang butones. Bumagay ang slacks na suot niya na humubog sa kaniyang baywang hanggang binti.
"Let's go?" he smirked and looked at me from head to foot. Tumango naman ako.
"Parang di graduation ang pupuntahan mo, parang modeling" tawa niya.
"Kasalanan ko ba kung ganito ko kaganda?" pang aasar ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Model ng Toyo" he chuckled.
"Tara na nga bago pa ko mainis ng bongga sayo" umirap ako.
Nakarating kami agad sa school dahil nagtaxi na kami para di na ako ma-haggard pa. Ang hirap kaya mag ayos noh!
"Congrats Kate!" salubong ng iba kong kaklase. Ningitian ko silang lahat. Pero di pa rin maiiwasan ang mga negatibong bulong bulongan.
Dumiretso na ako sa pwesto ko sa pila. Ganoon naman din si Kuya. Maya-maya ay lumakas ang bulungan at may iba pang nagtilian dahil sa dumating. Mercado Family.
Una kong nakita si Tito Anton. Walang nagbago sa kaniya makisig na lalaki pa rin siya kahit may katandaan na. Sumunod naman ang asawa niyang si Tita Maricel. She look pretty in her dress. At ang huli si Levi. Halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Mabilis na nangilid ang luha ko pero pinigilan kong tumulo ito.
He look so hot in his black long sleeve and maroon coat. Malamig ang ekspresyon nito at nasa isang linya ang kaniyang labi. Yumuko na lang ako. Ayokong masira ang araw na pinakahihintay ko.
Napabaling ako sa kabilang banda at nakita ko si John. Halos mapanganga ko ng makita ko siya. He's wearing a gray long sleeve and black coat. May silver wrist watch pa ito. He look real good. Napaangat ang tingin niya sa akin kaya lunapit ito. Parehong nanlaki ang mata namin dahil sa isa't isa. Kasama ko lang ito sa carwash noon pero ngayon mukhang mayaman na.
"It's been a while Kate!" he smiled. He stared a me.
"You look so fucking beautiful" dagdag niya.
I laughed.
"Kamusta? Ibang iba ka na ah! Ang gwapo mo!" natatawa kong sabi.
"Bagong Professor ako sa school na ito. Galing din akong ibang bansa dahil doon muna ko nag umpisa at saka ko bumalik rito ng nakaipon na ako." Grabe hanga ko sa narating niya.
"Whoa! Congrats!"
"Congrats din sayo dahil gagraduate ka na ngayon. Tara picture tayo" yaya niya. Pumayag naman ako.
Yung kasama niyang lalaki ang nagpicture sa amin. Hinawakan niya ang baywang ko at medyo malapit kami sa isa't isa. Ngumiti ako para sa picture. Sa next shot ay may bumangga sa akin na siyang pagsubsob ko kay John kaya aksidenteng dumampi ang labi ko kay John. Na siya ring pagclick ng camera. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Lumayo ako agad.
May ilang estudyanteng nakakita. Ang iba ay hindi dahil lahat ay abala.
"S-Sorry... May bumangga kasi sa akin" sunod-sunod ko salita.
"No it's okay... I like it..." pabulong na lamang ang huling sinabi niya pero narinig ko pa rin. My eyes widened.
He chuckled on my reaction.
"It's nice to see you again Kate! I hope we can catch up! I'll go now bye! The program will start in five minutes" he winked before he left. I smiled at him.
Nag simula na kaming magmartsa. Pagkatapos ay isa isa ng tinawag sa stage. Halos matunaw ang tuhod ko na ang isa sa mga kakamayan ay ang mga Mercado. Pinilit ko pa ring magmukhang normal kahit ang totoo ay sasabog na ang puso ko dahil sa mabilis na pagtibok nito.
"Katelyn Gonzales, Magna Cum Laude" huminga muna ko ng malalim bago tumayo. Tumayo na rin si Kuya. Magkatabi kaming umakyat sa stage. Inabot ang medal kay Kuya at sinuot iyon ni Kuya sa'kin.
"Congratulations!" bulong ni Kuya.
Kinamayan na ni Kuya ang mga kakamayan. Kinuha ko naman ang diploma ko. At nag umpisa ng kamayan ang mga Mercado. Ang una ay si Tito Anton na nakangiti sa akin. Nagulat ako dahil di ko inasahan iyon kaya ningitian ko na lang rin siya.
"Congrats Kate!" ani Tito Anton
Sumunod naman ay si Tita Maricel na malamig ang ekpresyon sa akin kaya yumuko ako at marahang kinamayan. She didn't speak. And last... Si Levi.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Ang kaniyang brown eyes ay nanatili sa akin habang ang kaniyang labi ay nag isang linya. Umigting ang kaniyang panga ng magtama ang tingin namin. Nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon.
"Congrats..." pakiramdam ko ay nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang malamig at baritono niyang boses.
Malungkot akong ngumiti sa kaniya.
"Thank you..." halos walang boses kong sinabi dahil mabilis na nangilid ang luha sa aking mga mata.
"Are you okay?" tanong ni Kuya.
Tumango lang ako.
Tapos na ang program kaya picturan at kwentuhan na lang ang nagaganap. Lumapit naman sa akin ang umiiyak na si Ericka. Natawa ko dahil iyakin talaga itong kaibigan ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at kumuha kami ng mga litrato namin. We looked so happy in our pictures. I'm gonna miss my friend/sister.
"Congrats! Pwede na tayo mag asawa" aniya at sabay kaming tumawa.
"Gusto mo ng matali kay Kuya ah" tawa ko.
"Gusto pero sa tamang panahon" she chuckled
"Really?" gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Kuya. Narinig niya ang pinag usapan namin. Napabaling kami pareho ni Ericka sa kaniya. Nakita ko namang namula si Ericka. Nakakatuwa silang tignan! Sana ako rin merong ganiyan!
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)
Teen FictionKatelyn Gonzales came from a poor family. She wants to finish her studies to have a decent job someday. And she believes that nothing is more important than family. With no second thoughts, she decided to work with her father in carwash. A work that...