Chapter 19

9 0 0
                                    

Move on

"Shut up!" sabay bato ko sa alarm clock kong maingay habang nakapikit pa ang aking mga mata. I'm so fucking sleepy tapos gigisingin ako ng alarm clock na iyon.

Tumunog naman ang cellphone ko dahil sa tawag.

Leche! Ayaw niyo ba ko patulugin!

Kinapa ko ang cellphone ko sa study table sa tabi ng kama ko. At saka sinagot.

"Ano ba natutulog ako! Can't you see ang aga pa! Tapos nambubulabog ko ng taong mahimbing ang tulog! Punyeta!" I shouted

"Oh my sister is mad at me! It's already twelve in the afternoon. Kaya anong maaga pa! Nasa airport na ako sunduin mo ako! Make it fast! Kung ayaw mong bulabugin ulit kita" humalahak si Kuya.

My eyes widened. Bullshit! Ang lalaking ito di man lang nagsabi na ngayon ang uwi. Tapos mamadaliin pa ako. Damn!

Natapos na agad ako matapos ang isang oras mula pagligo hanggang pag aayos. Nataranta kasi ako.

Nag Grab car na lang ako para mabilis. Pagdating ko sa airport ay hinanap ko agad yung magaling kong Kuya at nakita ko naman agad. Naka-aviator pa ang loko.

"Ang tagal mo!" angal niya

"Sinira mo tulog ko!" umirap ako

Humagalpak naman siya sa kakatawa. Tuwang tuwa talaga ito pag naiinis ako.

"Tara na nga! Kain muna tayo. I know you're hungry... And you skipped your breakfast! Batugan talaga!" umiling pa ito habang tumatawa

"What do you expect? Mag isa lang ako sa bahay!" sino bang di tatamarin kung mag isa ka lang sa bahay.

Kumain kami sa malapit na restaurant dito sa airport.

"Hmm. Steak"

Bumaling si Kuya sa akin para tanungin ang order ko.

"I want pasta. Aglio Olio"

"Drinks?" tanong ng waiter.

"Iced tea for me" ani Kuya.

"Pineapple juice" saad ko.

Umalis ang waiter para kunin ang order namin.

"Two days to go before your graduation... What's your plan after that?" seryoso niyang tanong.

"Hmm. Sasama ko sayo sa Europe." I gave him a small smile.

"Uh-huh! I thought di ka sasama. Ano ang nakapagpabago sa desisyon mo hmm?" he looked at me seriously.

My Kuya look so gorgeous. He's a tall guy. Matipuno ang pangangatawan, maputi, matangos ang ilong, supladong mga mata, at manipis na labi.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant bago sumagot.

"I just want to restart my life... I want a peace of mind... I should take that big oppurtunity... It will boost my career..." I want to get over...

"Broken hearted?" dumilim ang ekspresyon ni Kuya.

"Maybe..." pinilig ko ang ulo ko.

"He don't deserve you. No one's deserve you..." mahina niyang sinabi.

"Yeah! I'm just a cheap girl..." yumuko ako at tumingin na lang sa pagkain ko na halos di ko pa nagagalaw.

"You're not! No one's deserve you because they can't see the real you... He don't deserve you because he let you feel broken and alone"

Sad but it's true. Maybe he really don't care about me. Lalo na't nakuha niya na ang gusto niya. Napapansin ko nagiging madalang na ang pagtetext niya sa akin. Baka inuunti unti na niya para tuluyan na akong iwan niya.

Nang nakauwi kami sa bahay ay umalis din agad ako para pumuntang salon kasama si Ericka. Magpapagupit ako hanggang baywang na kasi ang haba ng buhok ko.

"Papakulay ako ng buhok sis! Yung kagaya kay Lisa sa black pink" ngiting ngiti niyang sinabi.

Di ko kilala mga pinagsasabi mg babaeng toh! Kpop fan kasi itong si Ericka kaya nga siya nagpasee-through bangs eh. Pati pumorma minsan! Kaloka!

"Ewan ko sayo! Tumira ka na lang sa Korea. Mas tinatangkilik mo pa iyong mga produkto sa Korea eh kaysa rito sa Pilipinas ang sinilangan mo..." natatawa kong saad.

"Tinatangkilik ko naman ang ibang produkto rito sa atin noh! Ikaw nga sa ibang bansa magtatrabaho eh. Kaya di umuunlad ang Pilipinas dahil ibang bansa ang pinapaunlad!" pagtataray niya..

"Babalik ako rito wag ka mag alala. Gusto kong dito magtrabaho sa Pilipinas..."

Nang nakapasok na kami ng salon ay siyang salubong ng isang bakla pero may dibdib pa kumpara mo sa akin. Wow! Sapaw! Nahiya naman tuloy ako...

"Papagupit po ma'am?" tanong niya

"Hindi! Papahaba! Kaya niyo ba?" pilosopong sagot ni Ericka kaya natawa bahagya ang bakla.

"Haircut and Hot oil" saad ko sa bakla

"Hair color sa akin" si Ericka

Umupo na ako sa upuang nilahad ng bakla sa akin at saka nilagay ang telang itim pinulupot sa aking leeg...

"Hanngang saan po ma'am ang ipapagupit mo?"

"Hanggang dibdib. Bob cut" sabi ko ng nakatingin sa salamin.

"Ay ma'am nagmomove on ka?" natatawa niyang tanong.

Kalokang baklang toh! Di na lang ako gupitan ng mas matuwa pa ako.

"Di naman..." I laughed.

"Maganda yan ma'am magpaganda ka lalo para makita niya kung ano ang sinayang niya"

Natawa na lamang ako...

"Uhm. Lagyang mo na rin ng see-through bangs" medyo natawa ko sa desisyon kong iyan dahil matatawa si Ericka kapag nakita niyang nagpabangs ako.

"Ay wow ma'am ready ng magkalove life ulit?"

"Ganoon ba pag magpapabangs?!" halakhak ko.

Natapos na ako at bumagay sa akin ang gupit ko. Lalo na't gumanda lalo ang buhok ko because of hot oil. Bumaling ako kay Ericka na tapos na rin. Ash blonde ang pinakulay niya. Binigyan ko ng tip ang baklang nag gupit sa akin at dumiretso na ng counter para magbayad. Ericka eyes widened when she saw me.

"Anong nakain mo at nagpabangs ka?! Ang ganda! Mas lalo kang gumanda" she smiled widely.

"You look  beautiful on your haircolor" I smirked.

Paglabas namin ng salon ay pareho kaming nagulat sa nakita namin. Si Angelica papasok sana ng salon kaso ng makita kami ay natigilan.

"Ang inggrata nagpagupit! Iyan ba ang katas ng salapi ni Kyle Levi?" matalim niya akong tiningna.

"Bruhilda manahimik ka!" sigaw ni Ericka.

"Di ako pumapatol sa mga palengkera... Eww! Anyway, sa condo na ni Kyle ako nakatira because he  proposed to me. Kaya medyo nawawalan siya ng oras sayo... Nakuha naman din niya ang gusto niya eh. Ang mapapayag kayong umalis doon para ipagiba ang mga bahay doon..." she laughed evily

"Tapos ka na?! Tapos ka nasa mga concerns mo?! Kasi ako?! Wala akong pakialam sayo!" I left without saying goodbye for what pa diba eh ang bastos niya. She's rude and bitch.

"Ang bitch na iyon masyadong mahangin! Baka malay mo binili lang niya yung singsing para masabing nagproposed si Kyle sa kaniya! Bruha siya!"

Nagha-hyperventilate na rito sa galit si Ericka kahit ako rin naman kaso nagpipigil lang ako. Ayokong patulan ang kakitiran ng utak niya.

Sealed With A Kiss (Fascinate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon