Chapter 2- Getting Your Number

2.5K 38 2
                                    

dedicated to Thezenkie ❤️
Francine ~

Dahil broken hearted ako ngayong unang pasukan pa lang ay konti lang ang binili ko sa cafeteria ngayong lunch.

'Tsaka, wala kasing spaghetti huhuhuhuhu'

"Alam mo ang gwapo gwapo ni Sir Gio nooo kyaaaaah!"

"Hinaan mo nga boses mo Izzy, papalsakan ko yan ng burger e."

"Alam nyo guys, manahimik nga kayo. Tanungin muna natin tong kaibigan natin, ang tahimik e."

Kumagat na lang ako sa burger ko at nagsad face.

"Si Sir Gio kasi e , akala ko transfer student."

Napahagalpak naman sila ng tawa at lalo akong nagsad face.

'Mga siraulong friendsssss hays.'

"Pero ang bata nga ni Sir no? Fresh graduate tsaka alam mo ba nung papalapit ako sa kaniya kanina para ibigay yung papel ,ang bango niyaaaaaa--"

"Tss, Danny, hindi ka nakakatulong okay? Alam mo France ayaw mo nun? May inspiration ka para mag pa impress sa kaniya"

Nakuha ko naman ang point ni Ly. Kaso ,

'Pakshet naman ohhhh. Bat ba kase ang gwapo ni Sir Gio? Bokya na naman ako sa lovelife ngayong taon Hays!'

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng biglang umingay at nagbungisngisan ang bibig ng mga babae dito.

Kitang kita ko na nagningning naman ang mata ng mga kasama ko.

'Ano na naman kaya to? Tsk.'

Nang makita ko ang tinitignan nila, di na ako nagtaka. Ang mga college students nandito sa cafeteria ang Senior High dahil sa magaling kong kapatid.

"Hi Francine! Makikiupo kami ha?"

"Magpapaalam pa talaga Nathan?Umupo ka na lang.Ayos lang naman sa inyo diba , girls?"

Bigla namang nag iritan ang mga malalandi kong kaibigan dahil pinalilibutan na sila ng kalalakihan.

I just rolled my eyes at saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit ang unti ng kinakain mo Francine? Diet?" Nakakabwisit na tanong ni Kuya.

"Ano bang pake mo? Tsk."

"Taraaaayy naman ni baby Girl. HAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA wala ka pala pre e."

"Di makapalag pre Hahahahaha"

"Tsk. Manahimik kayo."

Hagalpak na tawa ng mga kasama ng ulupong kong kuya.

"Kase po, brokenhearted yang si France."

Sinamaan ko naman ng tingin si Danny. Binigyan ko sya ng manahimik-ka-or else-look.

"Oo nga po, kasi yung bago naming teacher, which is si Mr. Gio ay crush niya. Akala niya transfer student!" mabilis na litanya ni Izzy at napabuntong hininga ako dala ng inis.

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon