Francine~
" Y-yes Sir!"
Napatayo naman ako kaagad sa pagtawag sakin ni Gio este Sir Gio para sagutin ang tanong niya.
'Tsk. Alam naman niya , bakit sakin pa tinatanong diba? Hays!'
"Can you please elaborate the word Experience?"
Napaubo naman ako ng kaunti dahil sa biglaang recitation na ito.
'Jusko! Buti na lang talaga crush kita e! Kundi matagal ka ng bugbog sarado ... sa isip ko. Hehehe! Ano ba kayo dyan hehe baka may mga batang nagbabasa dito gayahin pa ako--'
"Miss Alfonso?"
"Uhmm. Sir ano po... Experience is ... a process of doing something and seeing things that happens to your life. Experience ... can have bad and happy memories but.. for me the best way to learn not only in jobs but also in life is by experience. "
Naupo naman ako at kita ko naman ang titig sakin ng mga kaklase kong parang ngayon lang nakakita ng tao sa buong buhay nila.
'Tsk! Ano ba guys!!!'
"Very well said , Ms. Alfonso."
Nginitian ko lang si sir at napatingin naman ako sa mga kaibigan kong parang di makapaniwala na may naisagot ako.
"Aysh! Tigilan nyo nga yan."
Napatawa lang sila at nakinig na uli kay sir Gio.
Natapos na din ang klase ay breaktime na. Kaya naman mabilis na kaming lumabas ng room dahil parepareho lang kaming gutom.
"Puntahan natin si Izzy mamaya ah." Sabi ko habang kinukuha ang wallet ko sa bulsa ko.
"Sure!" Danny
"Dala tayong foods guysss!" Ly
Pagkapasok naman namin sa loob ng canteen ay ramdam ko pa rin ang titig sakin ng mga students dito dahil sa nangyari kahapon.
Alam naman na ito nina Danny kaya iginitna na lang nila ako.
Pagkaorder namin ay mukhang punuan na ang table dito sa Canteen. Aysh---
"Danny! Dito na kayo!"
Napalingon naman kami sa tumawag kay Danny at yun ay ang table nina Kuya.
'Bwisit!!!!'
"Guys, tara!" Yaya naman ni Danny at wala na kaming choice dahil ang bigat ng tray ko.
"Mukhang gutom na gutom ka Francine ah! Hahahaha"
"Shut up Gio. Tsk!" Pagtataray ko at tinawanan niya lang ako.
"Asan yung isa niyong kasama? Si I-izzy?"
Ramdam ko naman ang ilang sa paligid dahil sa tanong ni Jian na hindi marunong makiramdam.
'Peste! Kung wala sa tapat ko tong kumag nato kanina ko pang naubos tong kinakain ko! Grrr.'
BINABASA MO ANG
Im Dating Mr.Alferez [COMPLETED]
Teen FictionPano nga ba ang kahihinatnan kung makikilala ko ang ultimate chicboy ng university na papasukan ko? And worst , I know all of his friends dahil sa kuya ko. Would it be nice? or Hell as fvck? Subaybayan po natin ang story ni Aeden, Gio at Francine. S...