Danny~
"Ayos ka na ba France? Sure ka ba na kilala mo siya? Ireport na natin kaagad kung sino baka mandamay pa siya ng iba tao huhuhuhu" madramang sabi ko at natawa lang siya.
'Babaeng to talaga! Tawanan ba naman ako?! Ayshhh'
"Sira. Hahahaha ayos na ayos na ako ano ba kayo. Tsaka , wag na muna nating isumbong ang taong yun paiimbestigahan daw muna."
"So , who will imbestiga ? Ang bagal naman nila eh! Right gurls?"
"Oo na Izzy! Okay ? Tama na sa conyo language mo dyan. Tsk"
Tinawanan lang naman ako ng mga kurimaw at napansin ko naman na tahimik lang si Ly.
"Hoy Ly! Anong nangyari ? May problema ka ba?"
Para naman siyang nagising mula sa panaginip at natauhan dahil sa tawag ko.
'Lutang na lutang girl? Hahahahaha'
"Oh bakit? Ano yon? May nangyari ba? "
Napatawa naman kami ng malakas dahil sa pandalas na sabi ni Ly.
'Halatang wala sa sarili to e hahahaha'
"Guys..." maya mayay sabi ni Ly na biglang nagseryoso.
"Bakit?" Seryoso ring sabi ni France na parang nagkakaintindihan sila.
"Hindi ko alam pero, parang nakita ko si.... Grachel kanina."
Nagdulot naman ng milyon milyong boltahe sa akin ang sinabi ni Ly.
"Pano siya makakatakas e nasa rehab yon? Pwede ba yun? Tsk!" Inis na sabi ko kahit deep inside kinakabahan din ako .
"Sana nga mali ang nasa isip ko. Aysh! Kanina ko pa talaga yun iniisip!"
Napatawa naman kami sa iniasta ni Ly dahil sa kaiisip sa baliw na yun.
'Pero... natatakot talaga ako. Baka kasi hindi lang yun ang kayang gawin ni Grachel. May gusto talaga siyang patayin at hindi namin matukoy kung sino.'
Gio~
"Kundi dahil sa mga Alfonso! Kundi dahil kay--"
"Aysh!"
Ginulo ko naman kaagad ang buhok ko dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabing yon ni Nathan kagabi.
'Bakit niya nasabi yon? Nandun ba sya sa aksidente? Kasali ba sya don?'
Bumangon naman kaagad ako mula sa pagkakahiga. Basta ang alam ko...
'Walang kinalaman ang mga Alfonso sa nangyaring aksidente 2 years ago. Hindi nila magagawang itago ang bagay na yun.'
Naligo na lang ako hindi na inisip pa ang bagay na yun. At dahil hindi pa tapos ang interhigh naalala ko na naman ang event na gaganapin ngayon.
BINABASA MO ANG
Im Dating Mr.Alferez [COMPLETED]
Genç KurguPano nga ba ang kahihinatnan kung makikilala ko ang ultimate chicboy ng university na papasukan ko? And worst , I know all of his friends dahil sa kuya ko. Would it be nice? or Hell as fvck? Subaybayan po natin ang story ni Aeden, Gio at Francine. S...