Chapter 47- Just The Two Of Us

512 9 0
                                    

Francine~

Hawak ko ang kamay niya ngayon, ang lalaking pula ang buhok. Ang ganda ng ngiti niya sakin pero bakit ayaw tumigil ng pagpatak ng mga luha ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo para lalong tumulo ang mga luha ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero hindi ko siya maabot, unti unti siyang umalis at nawala sa paningin ko.

Sobrang kirot ang nararamdaman ko sa mga oras nato , kahit wala akong ka ideideya kung sino siya.

Pagmulat ng mata ko ay bumungad sakin ang lalaking nakasubsob sa hospital bed.

Napangiti naman ako nang makitang napaka gulo ng buhok niya at nakakunot pa rin ang noo kapag tulog.

Kahit gusto ko siyang paalisin ay hindi ko magawa dahil napapangiti ako sa hindi malamang dahilan.

Hinaplos ko ang buhok niya at parang naalimpungatan siya at agad na tumayo.

"Hey! Are you alright?!"

"Hahahaha okay lang, aray aray." Inarte ko at nakita kong naging aligaga ang lolo mo.

"Shit! Should I call a nurse ?! What?!"

"Okay lang ako Kyle! Hahahaha san ba sina kuya?"

Napaupo naman siya at lumapit pa sakin.

"Bumalik muna ng Manila para dalhin yung result ng test mo. Tulog pa yung friends mo, madaling araw pa lang."

Napakunot naman ang noo ko.

'Bat gising na gising ang diwa ko peste!'

"You want to go to beach? Abangan natin ang sunrise." Plain na sabi niya pero ang lakas ng impact sakin.

First time niya akong yayain na kami lang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso at namamawis ang noo ko kaya bago niya pa mahalata ay tumango na lang ako ng mabilis.

"Hehehe sige sige."

Kinuha niya ang dextrose na may stand at siya ang nagtulak, samantalang ako naka gown pa din pero ayos lang naman, ang aliwalas nga e HAHAHAHHA--

"Hey look out!"

"A-aray!"

Alam nyo yung feeling na yung daliri nyo sa paa e nasabit sa may pinto. Like puuuu---

"I told you. Tsk c'mon."

Maya maya ay umupo siya at parang sinasabi niya na sumakay ako sa likod niya.

"A-ayoko nga! Mabigat ako huy!"

"Ang arte, ako magbubuhat hindi ikaw." Mahinahong sabi niya kaya naman sumakay na ako.

"Heavier that I expected." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Alam mo kanina ko pa napapansin e, hindi niya pa ako minumura, sinisigawan tapos ang bait niya ngayon ah infairness.

"Bakit alam mo to?" Takang tanong ko ng dalhin niya ako sa favorite spot ko sa resort.

"I've been here 2 times for 3 days trip din. This spot is the best for me and that's why I wanted to buy this place but later I knew it's yours--"

"Kaya inasar moko na bibilhin mo to?! Siraulo ka din e no!"

*plakakkkk*

Hinampas ko ang likod niya at saka ako bumaba.

"Ang sakit! Tsk." Ismid niya at nginisian ko lang siya.

"Last will to ni Mom, ito ang iniwan niya samin pero nalaman lang namin nung wala na siya." Kita ko naman na napatingin siya sakin saka tumingin sa dagat.

"I see." Tipid na sabi niya at napangiwi ako don.

'Bwiset. Kala ko dadamayan ako sa pagdadrama.'

"I wanna lay down , by the fire with you..."

Napatingin ako sa kaniya dala ng gulat dahil sa biglang pagkanta niya.

"Where souls are glowing, ever warmer too.."

Nakatingin lang siya sa dagat at hindi ako nililingon. Pero ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maialis ang tingin sa kaniya.

"Your love surrounds me, like a lullaby. Singing softly, you are mine oh mine.."

Ayaw tumigil ng puso ko sa pagwawala dahil sa boses ni Kyle.

'Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso sa pagkanta. May papikit pikit pa ang ulupong pero bakit ang gwapo?!'

Sumulyap siya sakin at parang tumigil ang paghinga ko lalo na nang lumapit siya sakin.

"Yung laway mo tumutulo." Nakangiting sabi niya at gustong gusto kong sapakin tong si gago.

'Hays! Kikiligin na sana ako e.'

"I never dated girls so long, except Grace."

Napatingin ako sa kaniya na nakatulala na ulit sa dagat.

"She makes me feel special like what my Mom did to me."

Bakit ganon? Tuwing binabanggit niya si Grace at kung pano siya nasaktan don, b-bakit may kung anong kumikirot sa kin?

"She's the only girl ,except my mom that I loved the most more than myself."

'Hahaha shet. Ano to? Bat naiiyak ako? Bat nasasaktan ako? Hahahaha'

"But she only wants fame and money from me. Pinagpalit niya ko kay George."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko naman, pero walang tigil sa pagtulo ang luha ko.

"So Ate Mylene break up with him. This whole thing sucks."

Nakita ko namang sinabunutan niya ang buhok niya at nanatiling nakatingin sa dagat samantalang ako ay pigil ang hikbi sa hindi malamang dahilan.

Napatingin ako sa ulap. Malapit ng lumiwanag.

"Just move on Kyle. Everything happens *sigh* for a reason." Tanging nasabi ko at pinahid ang luha sa pisngi ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang dextrose sa kamay ko.Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Pero lalo akong nasaktan nang wala akong marinig na humabol sakin, walang sumigaw ng pangalan ko kaya nagdere derecho na lang akong maglakad. Bawat hakbang ay nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Francine?" Nakita ko naman si Gio na papalapit sana sakin. Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumakbo na papunta sa kwarto namin.

'Im in pain, with no reason. Sucks!'

~•~

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon