Chapter 18 - Trust

887 10 0
                                    

Francine~

Naghiwa-hiwalay na din kami matapos ang visiting hour ni Izzy. Pero habang pauwi na kami ay hindi pa rin ako mapakali dahil sa text message na nabasa ko kanina.

"Bye Babe. "

"Take care."

*nakakadiring kiss sa buong buhay ko*

Saksi ako sa nakakaruming halikan ng kuya at ng bruhang kasama niya kanina. Bumaba na lang ako ng kotse at dumirecho sa kwarto ko.

Kahit gulong gulo ay ginawa ko pa din ang daily routines ko at sumagi sa isip ko si Kyle.

Agad ko naman siyang tinawagan at sinagot naman nya ito agad. Kinwento ko naman sa kaniya lahat at nanatili lang siyang tahimik.

"Pero Kyle kinakabahan ako. Bakit kasi ako pa yung tinext niya? Pano niya nalaman yung number ko?"

(Baka kasi kakilala mo lang siya.)

Kinabahan ako sa sinabing yun ni Kyle at napaisip.

'Sina Kuya , Izzy,  Danny , Ly lang naman ang pinagbibigyan ko ng number ko e. Paanong may magtetext sakin nun? '

"Imposible yang sinasabi mo Kyle kasi bestfriends ko lang at si Kuya ang pinagbibigyan ko ng number ko."

'Si Izzy nakahimlay, si Danny at Ly naman hindi ako pagtitripan lalo na kung about dito kasi alam nila kung gano kahina ang loob ko.'

(Sigurado ka bang yung mga tinuturing mong bestfriends e ganun din ang turing sayo?)

"OO NAMAN NO!"

(Are you that sure Ms. Beatrice?)

Natahimik naman ako at napatulala.

(What do you think is the motive of that suspect to do that to your Bestfriend? )

"H-hindi ko alam."

(Sa tingin mo , bakit lalasunin si Izzy kung nandun na nga siya sa ospital? Tsk. Stupid.)

"W-wait nga! Wait. Ulitin mo nga yung sinabi mo. "

(Sa tingin mo, bakit lalasunin---)

"Hindi! Yung last . Yung stupid!"

(Tsk. Stupid.)

"Psh. Kaboses mo nga siya. "

(Sino ba yun?)

"Yung pinaka babaero sa campus namin. Himala nga ngayon e kasi wala daw yung babae."

(Gwapo siguro hahahahaha)

"Ha! Gwapo?! E palagi ngang magulo buhok nun e! Kala mo hindi nagsusuklay! Tapos lagi pang nakarubber shoes?! E may uniform naman na dapat black shoes! Aysh!"

(Hahahahaha! You look annoyed.)

"Sobra! Nako titirisin ko na yun e!"

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon