Ly~
"Yes iha?"
"Good afternoon po. Nandyan po ba si Nathan Labrusca?"
"Kakadischarge niya lang eh. Bakit?"
"W-wala po hehe. Sige po. Thank you po."
Nginitian na lang ako ng Nurse at naupo naman ako sa panghihinayang.
Napatingin ako sa bitbit kong prutas.
'Bakit nga ba ako nagkakaganito kay Nathan?'
Dahil kababata ko siya at parang hindi niya yun maalala. Kaya twing lalapit ako sa kaniya at bubuksan ang topic na yun , iniiba niya ang usapan.
'Hindi naman masakit...'
Naalala ko pa noong una kaming magkita , saglit na titigan pero gustong gusto ko na siyang yakapin ng mga oras na yun dahil nakaligtas siya sa aksidente.
Tinanong ko pa kung nagka amnesia ba ang pasyente , pero wala naman daw fracture na nangyari kay Nathan.
'Pero bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako maalala? Bakit Nathan?'
Tumulo na naman ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Ngayon na nga lang ako babawi sa kaniya , mukhang ayaw pa ng tadhana.
'Sabagay... ako rin naman ang may kagagawan eh. Pinili kong iwan siya , pinili kong sumama sa ibang bansa at doon mag-aral kahit kaya kong ipaglaban ang relasyon namin. '
Napahagulhol na lang ako. 2 taon ko nga pala siyang iniwan.
'Sorry , Nathan...'
Francine~
"Kain na iha."
"Si kuya po nasan?"
"Bat nagmamadali ka Francine?"
Hindi ko na inintindi ang sinabi ni manang Esther at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ni Kuya.
Naabutan ko siyang nakatutok sa computer.
"Tsk. Bakit?" Inis na sabi niya sa akin.
"Nakikiusap ako sayo kuya , kahit ngayon lang. Sagutin mo ang tanong ko."
Nag isip pa siya at saka tumango sa akin.
"Sino si Kris. Bakit magkaibigan kami ? Bakit niya ako binigyan ng aso nung birthday ko? Why did i called it Kagura? Please , kuya. "
Halos lumuhod na ako sa sunod sunod na tanong ko kay Kuya at parang wala naman siyang kaemo emosyon.
Napatingin ako sa PC ni kuya at nagulat ako nang makita ko si Ate Mylene.
"Yun lang? " muli akong napatingin kay kuya.
"What do you mean yun lang?" Naguguluhang sabi ko.
"Saka mo na ako kausapin kapag naalala mo na lahat."
"Anong sinasabi mo?!"
"Please Francine. Wag muna ngayon , okay?"
"Pinaglololoko mo ba ako?! Kuya hindi mo alam kung gano ako nabibwisit tuwing may ala alang pumapasok sa isip ko at hindi ko alam na ginawa ko ! "
BINABASA MO ANG
Im Dating Mr.Alferez [COMPLETED]
Подростковая литератураPano nga ba ang kahihinatnan kung makikilala ko ang ultimate chicboy ng university na papasukan ko? And worst , I know all of his friends dahil sa kuya ko. Would it be nice? or Hell as fvck? Subaybayan po natin ang story ni Aeden, Gio at Francine. S...