Chapter 27- MISSING!

783 12 0
                                    

Danny~

So its my point of view uli HAHAHAHAHA

After ng klase ay nagpunta na kami sa BCE at nauna na daw dun ang mga boys para hindi na mag isip pa ng kung anu ano ang parents ni Nathan.

Pagkapasok namin ng room ni Nathan na halos kasing laki na ng kwarto ko ay di na kami nagulat sa asta ng magulang niya.

'Para silang mga donya at don juskooo!!! Kapressure much!'

"Good afternoon po." Bati naming tatlo.

"Good afternoon. " seryosong bati ni Mr. Labrusca.

Kita ko namang putla na si Ly at hindi pa makatingin ng derecho sa mukha ng nanay ni Nathan.

Muntik pa akong matawa pero pagtingin ko kay Francine ay isa pa din tong seryoso at di napansin ang napansin ko.

'Problema ng mga to?! Tsk tsk.'

Nag kwentuhan lang silang mga boys at nanatili kaming tahimik na kumakain.

"Aeden pakuha na din kami. Hehe" sabi ni Jian kay Aeden na nakatayo at nagpunta sa kuhanan ng tubig.

'Aaminin kong nakakatamad kasi ang layo talaga arghhh!!!'

Tiningnan nya muna kami at tinanguan si Jian.

Nagkuhanan kami sa tray na hinain niya. Hanggang sa iisa na lang ang natira at aktong kukunin na yun ni France nang unahan siya ni Aeden at ininom.

Kita naman namin ang gulat sa mukha ni France at napatingin din si Gio at ang iba naman ay may ibang pinag uusapan.

Mabilis na tinalikuran ni Aeden si France at binalik ang tray sa lamesa.

"H-hehe ito France oh. Sayo na lang." Offer ko at tinanggap naman niya.

"T-thanks."

Pero si Gio naman ay agad kinuha ang baso na yun sa kamay ni Francine at kinuhanan ng bago.

Sinulyapan ko naman si Aeden na ang sama sama ng timpla ng mukha at iniwas ang tingin sa dalawa.

'Hmmmm. I smell something huh?'

Maya maya ay umalis na din si Gio dahil may emergency na nangyari sa kanila. Sasama na sana si Francine nang.

"Tsk. Mahiya ka naman. Kararating nyo lang eh. Kanina pa yang si Gio dito."

Natahimik naman kami at mukhang nakakahalata na talaga ako dito kay Aeden kanina pa.

Para namang napahiya si Francine pero ngumiti pa rin.

"Let her go Aeden. Kung gusto niya sumama eh--"

"Hindi na Kuya, intayin na lang kita. Sasabay na lang ako sayo." Putol ni Francine sa Kuya niya at tumingin kay Gio.

Nagbye na kami kay Gio pero nagkatinginan pa rin kami ni Ly dahil alam kong iisa lang nasa isip namin.

'May something talaga! Hmmm?'

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon