Chapter 43- Awarding(1.2)

456 8 0
                                    

Grachel~

"Masyado mo naman yatang titigan yang sunod na target mo?"

Napatingin ako sa biglang sumulpot sa tabi ko at tinawanan siya.

"So what? Gawin mo na lang yung inuutos ko sayo, okay?"

Nilaro laro ko muna ang syringe at bote ng lasong gusto ko ng iturok sa kaniya.

'Dating gawi...'

"Basta double na ngayon ah? I want to buy a new car."

"Tsk. As you wish , bitch."

Nginisian ko siya at napatitig sa babaeng kasama ang lalaking wala namang maitutulong sakin.

'Tsk. Wala kayong kwenta pareho.'

Francine~

"Sino namang may sabi sayong kunin mo yan? Grabe ka din e no?"

"E ano bang pakealam mo?! Nakilala lang nila ako nung sa band e."

"Kinuha mo naman kaagad? Wow ha."

Napatitig ako ng masama dito sa lalaking kunot na kunot ang noo at nakapamewang pa kahit tagaktakan na ang pawis sa jersey niya.

"E ano naman sayo kung kinuha ko nga?"
Seryosong sabi ko at tumitig naman siya sakin.

"Patayin mo na lang kaya ako, no?"

Nagulat naman ako sa iniasta niya at tinalikuran niya kaagad ako.

'Wtf? Ano yon?'

Ganito kasi yon, after ng game nila syempre SU ang nanalo. Iniannounce ni Trinity (MC) na 1pm pa dW ang awarding. E saktong andaming freshmen students ang nagsilapitan kay Kyle that time.

Aktong aalis na sana ako para hanapin ulit sina Danny nang harangin ako ng tatlong lalaki na taga LU.

"Hi po Ate Francine!"

"Hello? Ah congrats pa din ah? Magaling kasi talaga kami e HAHAHAHA charot!"

"Hahahaha eto nga po pala. Crush na crush po kita!"

"Ako din po!! Eto po hehe"

Aktong kukunin ko na yung box ,nang isang ulupong ang sumingit at naging kontrabida ko for life!

Hinila niya lang naman ang kamay ko at aktong hihilahin ng mag iwan siya ng isang nakakakilabot na kataga.

"Im her boyfriend."

Kaya ang ending? Wala yung regalo ko! At lalong hindi ko na makukuha pa yon. Nakakahiya naman diba?? At sa mata ng mga yon, MAY BOYFRIEND NA AKO!!!! NOOOOOOO!!

"FRANCINE!"

Napangiti naman ako ng ubod nang makita  ko ang tatlo na nakaupo ng husay sa booth namin.

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon