Chapter 28 - Kris

765 11 0
                                    

Francine~

At dahil nga nawawala ang ulupong na si Aeden ay nakaisip naman ako ng kalokohan.

Nagpaprint ako ng mga mukha niya at ang plano ko ay ibibigay ko ito na parang flyers sa dadaan. Actually kasama ko si Gio ngayon at sumang ayon naman siya sa plano ko.

'Punyetaaa ka Aeden ah. Ngayon lang ako makakabawi sa'yo bwisit ka!'

"Lakas talaga ng loob mo France ah hahahahaha eto pa talagang picture ni Aeden ang ginamit mo HAHAHAHA"

"Ganun talaga. Lalayas layas siya tapos iiwanan niya ang phone niya?! Hmp. Ang tanga naman nun."

Nagtawanan lang kami ni Gio dito sa room at nang matapos na ay nagparte kami at nagpunta sa may gate.

Lunch time pa naman kaya andaming students ang nagkalat.

Tatawa tawa kami kapag may mag babaeng paiyak na dahil sa pagkakita sa flyers na pinapamigay namin.

Pero ang iba tuwang tuwa , kasi nandun ang number ni Aeden which is kay Izzy at Gio naman.

"Lakas ng tama mo France ah HAHAHAHA"

"Pinagtripan din kasi ako non eh , nakakainis!bawi ko lang to sa kaniya noh"

"Ang init na. Eto oh."

Ibinigay niya sakin ang panyong puti at tinanggap ko naman yun ng nakangiti.

'Wag ka lang ngingiti Gio pls! Nakakatunaw e---'

'Arghhh! Bat ka ngumiti punyetaaa?!?!?!?!'

Napaiwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang pawis ko.

"Pawisan ka na din oh."

Tumiad naman ako ng kaunti para punasan din ang pawis niya sa noo.

'Tae bat ang tangkad nito?!'

Natawa naman siya kaya kusa na siyang yumuko sakin para mapunasan ko ng ayos.

Nakangiti lang siyang nakatitig sakin at nailang naman ako don punyeta!

Kaya naman inaya ko na siyang umalis pagkatapos maubos ng flyers.

Inihatid naman niya ako muna sa Room ko bago siya bumalik sa classroom niya.

Someone's POV ~

*click*click*

"Nakuhanan mo ba ng ayos?"

"Oo naman tingin mo sakin tanga Hahahaha"

"Oo tsk."

Tiningnan kong mabuti ang dalawang taong nagpupunasan ng pawis  at parehong nakangiti.

'Ang gandang Article nito para ipose sa bulletin.'

Mag interhigh na kasi kaya kaming mga photojournalist ay kumukuha ng mga pictures dahil dadayo dito ang ibang school.

"Hoy Darwin! Dun naman tayo sa college lobby."

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon