Chapter 39

583 9 0
                                    

Francine ~

At dahil last day of examination na ngayon nasa bingit na kami ng kasiyahan at kastressan. Pero pagkatapos na pagkatapos ng quarter exam na ito ay may magaganap na celebration kami nina Danny, Ly and Izzy.

"Waaaaahhhh!!! Im so tired naaa!" Izzy

"Shhh! Nagrereview ako!" Ly

Napatingin naman ako sa nagbabangayan na sina Izzy at Ly samantalang nakasubsob lang si Danny sa librong hawak niya at kanina pang walang imik.

"Pwede mong sabihin sakin ,makikinig ako." Biglang sabi ko at tumingin siya sakin.

'Sabi na e. May nangyari after ng laro nina Jian.'

Ngumiti siya sa akin ng mapait at iniwas ang tingin. Pugtong pugto ang mata niya.

Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Magiging tatay na si Jian."

Hindi pa nagpaprocess sa utak ko ang sinabi niya ng magsalita ulit siya at dun ko naramdaman ang sakit sa mga salitang binibitawan niya.

"Positive yung DNA test , 4 months ng buntis si Tanya."

Halos mahambalos ko naman ang upuan na nasa tabi ko sa nakakagulat na narinig ko mula sa kaniya.

"Wala na. Wala na akong pag*sniff* asa kay Jian. *sob*"

Sa sobrang awa ko kay Danny ay hindi napigilan ng mga luha ko na pumatak mula sa mata ko at mayakap ko siya.

"Shhhh." Pag alo ko sa kaniya at lumapit naman ang dalawang nagbabangayan.

Alam ko kung gano kasakit ang sitwasyon na to kay Danny lalo nat wala pa siyang experience sa love or relationship talagang masakit nga to.

"Tsk! Gago yang si Jian! Kung makaasta akala mo binata!"

"Omg! Like he's so hot kaya pero ekis na siya for me! Duhhh"

Sinamaan ko naman ng tingin si Izzy na nagpeace sign lang dahil pinuri pa si Jian alam ng may nagluluksa dito.

Matapos ang dramahan ay pumasok na din kami sa classroom para itake ang last exam for this quarter.

Napatingin naman ako kay Danny na tahimik pa din.

'Sana hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ngayon ni Danny. Alam kong sobrang sakit nun..'

Matapos ang last exam ay nagbunyi naman ang mga kaklase kong nagsihahaba ang leeg makapangopya lamang.

"Guyssss tapos na!!!! Wahahahaha!"

"Manahimik ka dyan Ly , tignan mo tong si Danny oh tapos na nga ang exam, pero mukhang mag eexam pa lang mukha neto." Sabi ko at natawa lang naman si Ly sakin at napatingin kay Danny na nakatulala lang.

Maya maya ay pinatawag lahat ng officers sa club para daw sa meeting.

"Tsk. Yan yung sa mga booth ano?" Inis na tanong ni Ly at tiningnan si Izzy na ngata ng ngata ng lollipop.

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon