Chapter 50

735 8 0
                                    

Francine ~

I remembered everything. Lahat ng nangyari 2 years ago at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Malakas man ang tunog ng sasakyan ng ambulansya pero tila nabingi ako don at sakit lang ang tanging nararamdaman ko.

Wala ni isa ang makapagsalita sa amin, hanggang sa dumating sina Ly, Danny at Izzy na mukhang walang alam sa nangyari.

Si Gio naman ay halatang nagpipigil ng galit habang si Kuya ay nakaluhod dahil sa kagaguhang ginawa ng pamilya ko sa kanila.

Kasabay ng pag buhos ng ulan ay pagpatak rin ng mga luha kong walang tigil sa pagtulo dala ng sakit , pangungulila, guilt at lungkot

'Im sorry Kris... sana mapatawad mo ako.'

Hindi ko kailanman naisip na magagawa ng magulang kong pagtakpan ang nangyaring yon.

Ipinalabas nilang walang kasalanan ang mga Alfonso at aksidente yon. Nilinis ang pangalan,  binayaran ang abogado, shit.

'Patawarin mo kami, Kris.'

Ang kapabayaan na hindi pinanindigan. Tinakasan at ipinasawalang bahala lang.
Napatingin ako sa iisang taong nakatitig sakin ng malalim.

Lumapit siya sa akin at saka ko naramdaman ang napakahigpit niyang yakap na bumalot sa akin.

"Cry.."

Sa isang salita kong narinig mula kay Kyle ay walang awat sa pagtulo ang mga luha ko kasabay ng pagkirot ng dibdib ko.

"Lahat kinalimutan ko , napaka walang kwenta kong kaibigan."

"Shhh." Alo niya sakin pero lalo lang akong napahagulhol.

Maya maya ay lumapit samin ang nurse at pinapasakay ako sa ambulansya. Aktong lalapitan ako ni Kuya nang itinaboy ko siya at kumapit kay Kyle.

Hinila ko siya para siya na lang ang sumama sakin.

Sana kuya ipinaalala mo sakin lahat. Hindi yung nagpanggap na parang walang nangyari.

Sumakay na ako sa ambulansya at wala akong ibang iniisip kundi ang mukha ni Kris.

'Sorry kung nakalimutan kita...'

Muli na naman tumulo ang luha ko at sa pagtulo niyon ay naramdaman kong muli ang mga bisig na bumalot sa katawan ko.

"Pupuntahan natin siya bukas. Matulog ka muna."

Tinitigan ko lang ang mukha ni Kyle bago ako dalawin ng antok.

"Thank you.." I mouthed. Bago tuluyang pumikit ang mata ko ay nakita ko pa ang ngiti niyang nagpangiti rin sa akin.


Gio~

Gusto kong manakit, sa totoo lang. Naiiyak ako sa galit, sa awa sa kapatid ko. Panong nagawa nila to samin!?

"Mag usap tayo."

Tiningnan ko muna si George at natatawa lang ako.

"Pano natiis ng konsensya mo yan?"
Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa pagtaas ng boses ko.

"Grabe. Kaya pala ganon kabait ang magulang mo sakin mula nung umuwi ako galing Amerika. Yun pala may tinatago? Hahaha"

"Pre hindi ko alam. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan nilang itago yun. Maniwala ka naman sakin oh."

"George ang tagal nating magkaibigan. Tinuring na kitang kapatid. Pano nyo to nagawa samin?" Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil punong puno ako ng pagsisisi. Sana nakasama ko man lang si Kris bago siya mawala.

"Patawarin mo ako, kami ni France at ng pamilya ko. Hindi ko alam kung pano sasabihin sayo ang lahat ng to Gio. Sana naman maintindihan mo."

Baka naman ang sinseridad sa mga mata niya. Napahilamos na lang ako dahil kahit si George ay hindi masasagot ang tanong na hinahanap ko.

'Bakit nila nagawang itago ang bagay na yon? Mayaman ang pamilyang Alfonso at kasambahay lang kami. Kayang kaya nilang bayaran lahat pero bat kailangan pang ilihim?'

Agad namang tumulo ang luha ko nang makita ko si Papa na pababa ng sasakyan at derechong nakatingin sakin.

"Gio pumasok ka sa kotse."

Hindi na ako nagpumilit pa dahil maaaring ang sagot na hinahanap ko , masagot niya.

"Papa , alam nyo ba lahat?" bungad ko sa kaniya pagkasakay ko sa sasakyan.

"Oo. Tama ka, mga Alfonso ang may kagagawan."

*boogsh*

"Puta--- bakit hindi ko alam?!bakit wala kayong sinabi?!" Nagulat man si Papa sa pagsuntok ko sa salamin pero wala na akong pakealam pa don.

"Sobra yung panghihinayang ko Papa. Sana bago siya nawala, nakausap ko man lang. Nakasama, kahit konting oras, utol ko yun e!" Hagulhol na sabi ko at napayuko lang si Papa.

Naikuyom ko ang kamao ko at tumingin sa madilim na kalangitan.

"Im sorry, nak. Nasilaw si Papa sa pera e." Lalo akong napaluha nang makitang umiiyak na si Papa.

"Nahihiya na kasi ako sayo Nak e. Tagal mo na sa Amerika pero sila pa rin ang tumutustos sa pag aaral mo. Gusto ko lang naman na maibigay sayo yung ganito... magarang sasakyan, may brand na damit, mamahaling relo.. pero nak, masyado yata akong nabulag. Pasensya na ha?"

Nadurog ako nang makita ang nagmamakaawang mata kay Papa. Halos nababasag na din ang boses niya na ikinadudurog ko.

Sobrang sakit makita si Papa na umiiyak.

"Gusto ko lang naman makasama kayo Papa e. Kung alam nyo lang kung gano kahirap don , miss na miss ko kayo. Di ako makakain ng ayos , makatulog. Pero tiniis ko tapos ganito pala ang nangyayari."

Wala mang tigil sa pag tulo ang mga luha ko ay wala na rin naman kaming magagawa. Ngayon naiintidihan ko na kung bakit nagkaganon si Grachel.

Kung maibabalik ko lang sana lahat, patawad utol...

Di ko na naman mapigilang maiyak dahil sa nangyari.

~•~

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon