Chapter 38 - Congratulations!

628 10 0
                                    

Francine~

Matapos ang nakakarinding InterHigh ay para kaming nabingi dahil sa isang linggo na puro cheer at maiingay na kung anu ano. Pero , may awarding pa next Saturday and Sunday kaya ireready na naman namin ang school pati mga tenga namin sa nakakarinding hiyawan.

"Balita ko may mga Booths na daw sa awarding e. "

"Omg! Like super excited nako makikita ko na ulit yung Latian ko! Hihi"

Sinamaan ko naman ng tingin si Izzy na super fall na fall sa taga Latian na yun.

"Magtigil ka dyan Izzy Quinos. Hahahaha tignan mo muna kung bakit parang pinagsakluban yang si Danny. " natatawang sabi ko at napatingin naman dun si Ly.

"Danny, may nangyari ba?"

Nagulat naman kami ng umiiyak na si Danny pero nakangiti lang sya na parang tanga.

"May anak siya...may anak siya sa iba... huhuhuhuhu!"

Napatingin naman ako sa paligid dahil sa lakas ng iyak ni Danny.

'Jusko. Kung ganon kalakas tumawa ganun din kalakas umiyak.'

"T-tara na. Hehehe Danny sa garden na muna tayo mag usap hehehe" sabi ko at inakay naman namin siya na akala mo e nagbreak sila ng boyfriend niya.

Pero bago kami umalis, kinilabutan ako sa nakita ko sa isang tabi. Hindi siya naka uniform , kung maikli ang buhok niya dati, mas maikli naman ito ngayon. Nakangiti siya sakin---hindi sakin. Kay...

"F-francine? Ano yun?"

"A-ahh wala. Hehehehe tara na tara!"

Nginitian ko lang si Ly at saka namin inakay si Danny.

"You know what guys, im hungry naaa. Let's go sa Canteen?!"

"You know what Izzy, manahimik ka muna. Atungal na tong si Danny, pagkain pa rin nasa isip mo."

Nagpout lang naman tong si Izzy at sumunod na lang samin.

"Now spill it. " mataray na sabi ni Izzy at napayuko lang si Danny.

"G-gusto ko siya. Gusto ko si Jian."

Jian~

"Pero may anak siya sa iba. M-may nauna sakin anak pa ng stockholder! Gustong *sob* gusto ko si Jian eh *sob*"

'Gustong gusto ko si Jian'

'Gustong gusto ko si Jian'

'Gustong gusto ko si Jian'

Lumabas na ako mula sa kinatatayuan ko. Kanina ko pa kasi silang sinusundan simula ng mapansin kong wala sa sarili si Danny.

Nagulat naman yung tatlo pero hindi pa rin ako napapansin ni Danny dahil nakayuko lang siya.

"Iwan nyo muna kami." I mouthed at mukhang nagets naman agad ni Francine kaya hinila na niya yung dalawa at hindi naman nagets ni Izzy.

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon