Chapter 19 - Safe

874 10 0
                                    

Gio~

"Thank you po , Sir."

Exactly 5 pm ang labas ko ngayon at saktong natapos ko ang pinapagawa sakin ng professor ko.

Pagkakuha ko ng bag ko ay naalala kong may kailangan nga pala akong gawin ngayon.

'Kailangan ko siyang makita.'

Kaya naman pinaharurot ko na ang kotse at dumirecho sa flower shop. Pero laking gulat ko nang makita ko ang babaeng---

"K-kuya Gio?"

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko. At napatingin sa hawak niya.

"Hindi mo ba talaga kami titigilan?!" Sigaw ko sa kaniya at kita ko  naman sa mata niya ang takot at luhang pumapatak dito.

"Pero kuya, gusto ko lang siyang ipaghiganti--"

"Ang kapal din naman ng mukha mo ano..."

Napatulala naman siya sa akin at biglang ngumisi na nagbigay sakin ng kakaibang kaba.

"Layuan mo na kami. Umalis ka na sa buhay namin."

Lumabas na ako ng shop at sa ibang tindahan na lang bumili.

'Ayaw mo talaga kaming lubayan ha? Pasensiya kung may magagawa akong hindi maganda.'

Napahampas na lang ako sa manibela at saka nagderecho sa pagmamaneho.

Binusinahan ko naman agad ang babaeng naglalakad papunta sa plaza ng --- 6 pm?! Magdidilim na ah.

Agad akong bumaba nang makita naman niya ako ay nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Francine! "

Lumingon naman siya sa akin at kita ko ang lungkot na may kasamang takot sa mukha niya.

Agad ko siyang nilapitan at laking gulat ko nang bumuhos ang luha niya yumakap sa akin.

"Bakit ba kasi hindi ko maalala ang lahat?! Ako ba ang may kagagawan nito?! Bakit---"

"Anong nangyari Francine?!"

Hindi siya umimik at nanatiling umiiyak. Kaya inakay ko na siya papunta sa sasakyan ko.

Nang makapasok na kami sa sasakyan ay tumigil na din siya sa pag iyak.

"Francine, tell me. Anong nangyari?"

"Ano nga bang nangyari , Gio? Bakit hindi ko alam ang bagay na yun? Ako ba? Ako ba ang may kasalanan ?"

"Ano bang nangyayari sayo? Sinong gumawa nito ha? Dadalhin na kita sa inyo."

Hindi naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya kaya nagmaneho na lang ako papunta sa bahay nila.

Nakita ko namang nakatulog si Francine dahil sa pag iyak niya kanina. Napangiti na lang ako.

'Unang kita ko pa lang talaga sayo, gandang ganda na agad ako.'

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon