Chapter 42-Awarding (Part 1.1)

473 8 0
                                    

Francine~

Agad namang sinimulan ang program nang magsidatingan ang ibat ibang school. Naging abala na din kami sa mga booths namin dahil hindi nga nagkamali ang mga kamember ko.

DINADAYO ANG BOOTH NAMIN!!!!

May nagpapapicture, may nagtatry pumasok , may tinatawanan lang mga abnoy.

"Kuya ano pong meron dyan? Bat andaming students compare sa ibang booths?"

Napatingin naman ako sa dalawang babaeng nagpapacute kay Aeden at yung isa walang pakealam.

"Just go inside and you'll see." Plain na sabi ni Aeden at aktong tatalikod nang biglang hawakan sa kamay nung babae si Aeden.

Kita ko namang nagpipigil siya ng inis at nagpipigil naman ako ng tawa sa sulok habang tinitignan siya.

"Hey , busy?" Napalingon naman ako sa tumawag sakin.

"Hahahaha hindi , ikaw ba? Nakita mo si Kuya?" Tanong ko kay Gio at ngumiti lang siya sakin.

"Sa pagkakaalam ko dumirecho na siya sa Batangas."

"Bakit daw?"

"Di ko alam e. Hehehe kumain ka na ba? Tara, my treat!"

"Ahmm hindi pa e. S-sige---"

"Hoy President!"

Napatingin naman ako sa kobtrabida ng buhay ko at nagpapamalas ng araw ko.

"Y-yes?" pilit na ngiting sabi ko at pinapaalis siya gamit ang napakaganda kong mata.

"Kailangan ka sa loob. May nangyari don tsk"

"Sige ikaw na muna ,kakain lang ak---"

"Ikaw ang President diba? So bakit ako?"

Kung pwede ko lang ihambalos to at kung hindi lang to anak ng may ari ng school matagal na tong bugbog sarado sakin. Mata lang walang latay.

"Sige Gio mamaya na lang."

"Okay, I'll wait." Nakangiting sabi sakin ni Gio at agad namang kumontra tong si Ulupong of the year.

"Wag na. Andaming students ang pumupunta sa booth namin , masyadong matagal kapag nagintay ka pa." Dere derechong sabi ni Aeden at napatawa na lang si Gio pero bakas sa mukha niya ang panghihinayang.

"Okay. See you around France, Aeden." Tumango lang si Aeden at nagwave naman ako kay Gio kahit deep inside gustong gusto ko ng ibalibag ang katabi ko.

Padabog naman akong naglakad papunta sa booth namin at nadatnan kong nagtatawanan ang kamember ko.

"Nako Miss Pres di mo nadatnan may nadapa dito kanina HAHAHAHAHA sobrang gusto manguna e ayan tuloy HAHAHAHA"

"LAFTRIP TALAGA YON HAHAHAHAHA "

Nandilim naman kaagad ang paningin ko nang marinig ang bagay na yon at lalo na nang makita kong umunti ang taong nandito para maglaro sa booth namin. Like wtf!!!!

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon