Chapter 17 - Secrets (1.2)

968 18 0
                                    

Francine~

Natapos ang maghapon na wala namang masyadong ginawa. Nagbigay na samin ng mga lectures para sa nalalapit na examination.

Maaga kaming dinismiss ng crush kong adviser at  hinatid nga kami nina Nathan sa BCE.

"Dito ka na sumakay Danny."

"Hehehe s-sige Jian."

Napailing naman ako dahil sa iniasta ng magaling kong kaibigan.

'Kelan ka pa naging pabebe Danny?! Eew.'

"O Ly, anong iniintay mo diyan?! Dito ka na sakin *wink*"

"Ops! Hinde! Baka kung anong gawin mo pa dito sa kaibigan ko e! " pigil ko kay Nathan at natawa naman siya.

"Ano ka ba France hahaha dun ka na lang sa Kuya mo sumakay. "

"Tsk!" Ismid ko at aktong bubuksan ko na ang pinto ng kotse ni kuya pero nakalock ito.

"Hoy! Anong inaantay mo diyan?! Buksan mo to kuya!"

Ibinaba niya ang salamin at hindi si Kuya ang nakita ko.

'Bat may bruha  dito?! Pigilan nyo ko sasampalin ko to!'

"Oh sino ka naman ?  At nandyan ka sa passenger seat?! Alam mo bang ako ang uupo diyan? Hoy---mmmmmffftttt"

"Ang ingay mo. Tsk"

Halos mahambalos ko na ang lalaking nagpasak sa bibig ko ng panyo at tinalikuran lang ako.

'Peste! Peste! Peste! Humanda ka saking Alferez ka!'

Kaya naman habang nakatalikod siya at inipon ko ang lakas ko sa buong braso ko at saka tumakbo ng pagkabilis bilis papunta sa kaniya at inakbayan siya pababa.

"A-aray!!! A-ano ba!?"

"Hmmp! Nakabawi din . Tse!"

Kita ko naman ang tawanan ng mga katropa niya at nakabusangot naman ang mukha niya.

Tatawa na din sana ako nang marinig ko ang harurot ng sasakyan ni kumag.

'Takte. San ako sasakay?'

Isa isa na silang nag aalisan at inistart ang sasakyan pero wala pa akong sinasakyan.

'Peste ka Aeden!!!! Grrrrr'

Hahawakan ko na sana ang pinto ng kotse ni kuya nang

*beep*

*beep*

Yumuko naman ako nang buksan niya ang salamin ng sasakyan niyang pamilyar sakin.

"Pre! Kala ko mamaya pang 5 ang out mo?"
Tanong ni kuya sa kabilang kotse.

"Napaaga nga e . Buti naabutan ko pa kayo."

Nagkangitian pa sila at sadyang dedma ang beauty ko dito sa gitna na parang timang na palinga linga lang sa kanila.

"Sige pre. Una na kami. "

"Ge."

Maya maya ay napatingin naman sakin tong si Gio.

"Oh ano pang tinatayo tayo mo diyan? Sakay!"

"Sorry po ha! Teka lang po ha! Wala kasi akong bitbit e ! Ang gaan gaan nito e ! Wait lang po h--"

"HAHAHAHAHAHA! akin na nga."

'Nakaramdam din. Psh!'

Naging mabilis naman ang usad dahil wala pang traffic. Nagkaingay pa ang boys sa labas bago pumasok dahil ni Gio the Great. Syempre! Except dun sa isa na laging nakabusangot.

Naglakad na kami papasok at ginuide naman kami ng nurses. Dapat hindi pa kami papasukin dahil ang dami namin ,buti na lang nagpalipat na ng room si Izzy.

"Good Afternoon po Tita, Tito."

"Pasok kayo. "

Kita ko naman ang pagkaseryoso sa mukha ni Tito at tiningnan ang mukha ng mga kasama namin.

'Tito mababait po sila. Mukha lang pong hindi talaga hehehe.'

"So sino sa inyo ang manliligaw ng anak ko?"

"HAHAHAHAHAHA!" -Kaming tatlo na nga walang hiya.

*yuko lang na pabebe * -kasama ni kuya na bruha.

"Pffftt---" -Nathan

"Ammpp--" -Jian

"W-wala po Tito. Hehehe" -Gio

"Mfftt--" -Kuya

"Tsk." - sino pa ba? Psh!

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Mabait na bata si Izzy. Gusto kong makasiguro kung matino ba ang lalaking magtatangkang manligaw sa anak ko."

Natahimik lang kami at nakinig kay Tito.

"Ano pong result ng test tito?" Pambabasag sa katahimikan ni Ly.

Nginitian naman siya ni Tita.

"Nawala na daw ang effects ng pagfreeze ng puso ni Izzy. Pero until now , tinetrace pa din nila kung anong uri ng poison na nilagay sa kaniya. "

"Confirmed na po ba na lason ang ginamit kay Izzy?" Tanong ko at tumango lang si Tita.

"Sino pong posibleng gumawa nito?" Tanong ni Danny at natahimik naman kaming lahat.

"Why didn't you checked the cctv?"

Napatingin naman kaming lahat sa nagsalitang si Aeden.

"Bakit nga ba hindi? " suhestiyon din ni Kuya.

"Sabi ng mga doktor dito , confidential daw ang bagay na iyun. Pinilit namin na ipakita samin ang footage ng mismong araw na na yun , pero wala kaming nakuha. "

Kahit pare parehong naguguluhan at nanatiling kaming tahimik.

Maya maya ay narinig kong nagsalita yung bruha na si Elisse pala na bumasag sa katahimikan.

"Maybe i can help po Tita. Kasi , yung Papa ko po ay doctor din dito. Baka po mapapakiusapan natin siya?"

Napangiti naman si Tita sa kaniya at nanatiling tahimik ang lahat.

'Bakit pilit na itinatago ng ospital ang footage lali na't may nangyaring krimen?'

Maya maya ay nakaramdam ako ng matinding pananakit ng tiyan. Aysh! Bat naman ngayon pa?!

"Excuse me po ah."

Pandalas akong lumabas at hinanap kaagad ang CR.

Nang makita ko naman ang pinto ay may nakita akong dalawang silhouette at nakatalikod ito sa akin.

Hindi ko na lang sila inintindi ay nagtuloy na pumasok sa CR.

'Aysh! Ano bang nakain ko kanina?! Peste!'

*ting*

Napatingin naman ako sa phone ko ng may mag pop-up na message from unknown number.

Sa pagbukas ko ng message ay bilyon-bilyong boltahe ang kaba na lumabas mula sakin.

'B-bakit ako?'

Fr: +639**********

Gusto mo bang malaman ang lahat? I'll tell you. Tomorrow 6pm sa tapat ng Plaza.

~•~

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon