CHAPTER 5
Pagdating ni Drake galing sa ibang bansa sinalubong kagad sya ni Geri at kinuha ang mga maletang dala nya.
"Sir may pumuntang babae dito nung nakaraan hinahanap po kayo sigaw nga ng sigaw kala nya nagtatago kayo, Jasmin po ang pangalan girlfriend nyo daw."
"Di ko na sya girlfriend nakipagbreak na ako sa kanya bago ako umalis." sabay pasok sa kwarto at nagshower
Lumabas si Drake pagtapos maligo ng nakaboxer shorts at sando, habang si Geri at nagluluto paglingon nya nagulat sya sa itsura ni Drake na gwapong-gwapo.
"Anong niluluto mo?" natulala pa rin si Geri kay Drake (tulo laway tlang 'teh?)
"Hoy! tinatanong ko kung anong niluluto mo."
"Ay! ano po sir sinigang po."
"Bakit nakatulala ka sakin, siguro nagagwapuhan ka sakin noh." nilapit pa ni Drake ang mukha nya kay Geri sabay kagat sa labi.
"Ah, sir kain na po kayo." sabay talikod na naiilang at naghain na sa mesa ng pagkain
"Masarap ba yan?" habang tinitignan ang sinigang
"Tikman mo na lang sir." sabay higop ng sabaw ni Drake
"Pwede na."
"Antipatiko talaga." bulong ni Geri
"Sinong antipatiko?"
"Sabi ko sir simpatiko hehehe."
"Kala ko kung anong sinasabi mo eh, let's eat."
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...