Pasensya na guyz ngayon lang ako uli nakapag-update.
************************************************************************************************************
CHAPTER 38
"Santi?...." gulat na sabi ni Geri di nya inaakala na makikita nya uli ito.
"Kumusta, ok ka lang ba?" nakangiti nitong sabi
"Oo, salamat kanina" nahihiya nyang sabi sa lalaki
"No prob Ok lang un, your working here?"
"Ah oo"
"Ok ka lang ba dito? Baka nahihirapan ka dito, alam mo meron akong offer sayo na mas magandang trabaho" may pag-aalala sa tono nito
"Salamat pero ok na ako dito"
"Sige I have to go, sya nga pala here's my card pagkailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako and pag-isipan mo sana ung offer ko"
"Uhmmm.... Santi may pakikiusap sana ako, sana wag mo na lang sabihin kay Drake na nagkita tayo"
"Don't worry I will, sige ingat bye" kumaway na ito at umalis
"Thanks!" pahabol na sigaw ni Geri, pagkaalis ni Santi tinignan nya ang card na binigay nito.
************
Sa condo ni Drake naabutan nila Santi, Lee at Antony si Drake na umiinom sa mini bar nito.
"Bro umiinom ka na naman, akin na nga yan" sabay kuha sa baso nito ngunit umiwas ito.
"Umiinom lang ako para kahit papano makalimot sa sakit"
"Pare hindi naman yan ang sagot para mawala ang sakit sa puso mo dapat tulungan mo ang sarili mo para mawala ang sakit na nararamdaman mo."
"Hindi, hindi..." iling nito
"Magiging maayos lang ako pagnakita ko na sila, sila ang buhay ko pare alam nyo un ang tanga-tanga ko dahil sa pangalawang pagkakataon pinakawalan ko na naman sila sa buhay ko. Ang tanga-tanga ko pare ang tanga-tanga ko! huhuhu...." sabay bato ng baso sa pader habang umiiyak ito, nagkatinginan silang tatlo awang-awang sila sa kaibigan nila.
****************
Pagkaraan ng ilang araw sa hotdog stall habang nag-aayos si Geri.....
"Excuse me"
"Ma'am sorry were still close" sabi nya habang abala sa ginagawa at di tinitignan ang kausap.
"Geri...." natigilan sya sa ginagawa ng marinig ang pagtawag sa pangalan nya
(Naku mukhang ang maldita na naman ito ah, aga-aga sisirain na naman ang araw ko di talaga ako tatantanan) sa isip-isip nya, unti-unti ay nilingon nya ang kausap lalo syang nagulat ng makilala ito.
"Valerie?...."
************************************************************************************************************
Ayan nagpakita na uli si Valerie kay Geri ano kaya ito WAR till next chapter ;)
Jhingzzy
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...