CHAPTER 11.2
Naging focus ako sa aking pagtatrabaho dahil nalalapit na ang operasyon ng aking ina kailangan kong makaipon ng pera at makapagpadala sa kanila. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho lumipas ang dalawang buwan habang tumatagal nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan, lagi akong nahihilo at nagsusuka. Naisip ko na imposibleng mabuntis ako dahil isang beses lang namin un ginawa at sa lalaking walang kwenta pa, inisip ko baka may nakain lang ako ng di maganda sa tiyan pero napagpasyahan kong magpatingin na din sa doctor.
Nasa ospital na ako, nagpakonsula at hinintay ang resulta ng aking test. Kinakabahan ako di ko alam kung bakit. Maya-maya tinawag ako ng doctor.
"Ms. Gerilyn Sandoval."
"Yes Mam."
"Congratulations your one and a half months pregnant." sabay kamay sakin ng doctor
Nagulat ako sa narinig ko, nagdadalang-tao ako gulong-gulo ang isip ko hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? bakit ngayon pa nangyari sakin lahat ng ito. Naglalakad ako palabas ng ospital ng wala sa sarili, biglang may tumigil sa sasakyan sa tabi ko at tumawag sakin.
"Geri!" paglingon ko nakita ko si Santi.
"Pauwi ka na ba? Hatid na kita." nakatingin lang ako sa kanya na parang naguguluhan.
"Geri, ok ka lang?" at bumaba sya sa kotse
"Oo, sige mauna na ako."
"Mukhang hindi ka ok eh, halika magcoffee muna tayo gusto din kitang makausap." sumama na din ako kay santi dahil hindi ko din alam kung makakapaglakad pa ako pauwi dahil magulo ang isip ko.
Pumunta kami sa isang coffee shop at nagorder si Santi, nakatingin lang ako sa pagkaing inorder nya at nag-iisip.
"Geri ok ka lang ba?
"Oo" sabay tipid kong ngiti sa kanya
"Ano nga palang ginawa mo sa ospital bat ka galing dun?"
"Uhmmm.... medyo masama kasi pakiramdam ko pero sabi ng doctor ok naman daw ako medyo mataas lang daw BP ko."
"Ahh... kala ko may sakit ka."
"Uhhmmm.... Geri, gusto ko sanang magsorry sa lahat ng nagawa namin sayo. Alam naming mali un at pinagsisisihan namin, Sorry talaga. Alam mo gustong umatras ni Drake nung time na un dahil mahal na mahal ka na nya at sobrang nagsisisi sya sa lahat ng ginawa nya."
Wala na akong naintindihan sa lahat ng mga pinagsasabi ni santi dahil lumilipad ang isip ko, iniisip ko nasira lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko dahil sa pagmamahal ko dahil naging mapusok ako hindi ko naisip na mangyayari lahat ng ito. Pero sa isang sulok ng aking puso masaya rin ako dahil may darating na isang anghel sa akin. Di ko lang alam kung pano ko sya bubuhayin at palalakihin na hindi aasa kahit kanino kahit sa kanyang ama.
Pagkatapos namin mag-usap ni Santi hinatid na nya ako sa unit ko. Nasa kwarto ako nag-iisip ng mga dapat kong gawin, ipapaalam ko ba kay Drake na buntis ako o uuwi na lang ako ng Pilipinas at lalayo sa kanya, tutal hindi naman nya ako mahal at pinaglaruan nya lang ako. Nag-iisip ako ng matagal hanggang sa humantong ako sa isang desisyon. Uuwi na ako ng pilipinas.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...