Chapter 15

169 3 0
                                    

CHAPTER 15

Drake POV:

Tumambay ako sa isang coffee shop sa makati, nag-iisip na baka matagpuan ko ang babaeng aking hinahanap. Habang umiinom ng kape napatingin ako sa glass door ng may biglang pumasok na magandang babae, napatitig ako sa babae na parang namumukaan ko at hindi ako nagkamali siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap ang aking pinakamamahal... si Geri.

Umupo sya sa tapat ng lalaki na katagpo nito, umorder sila at mga ilang minuto ay nagsimulang kumain, naguusap at nagtatawanan. Sino kaya un boyfriend nya o manliligaw? maya-maya ay naging seryoso na ang kanilang pag-uusap, tinitignan ko lang sila. Ibang-iba ang istura nya ngayon napakaganda nya, ibang-iba na din sya manamit sobrang laki na ng pinagbago nya. Nakailang kape rin ako bago sila natapos. Maya-maya ay tumayo na sila at nagkamay, naunang umalis ang lalaki pero bago pa sya makaalis ay tinawag ko sya.

"Geri!" napatigil sya sa paglakad, paglingon nya nagtama ang aming mga mata. Nagulat sya ng makita ako, tumalikod na sya at nagsimulang maglakad uli. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso.

"Geri Wait!" humarang ako sa daraanan nya, tumingin lang sya sakin at di nagsalita.

"Can we talk?... Please..." tanong ko na nagmamakaawa. Nagpunta kami sa isang restaurant at doon nagusap.

"I'm happy to see you again."

"Bat ka pa bumalik dito?" malamig nyang tanong sakin.

"Dahil sayo, dahil sa inyo ng anak ko."

"Tahimik na ang buhay namin wag mo ng guluhin pa."

"Gusto ko syang makita."

"Sige kung gusto mo syang makita, hindi ko ipagkakait sayo dahil karapatan mo un bilang ama, eto ang card ko tawagan mo ako kung kailan ka makikipagkita." bigla na lang syang tumayo at iniwan akong mag-isa.

Geri POV:

Nagulat ako ng makita ko siya di ko akalain na andito pa sya sa Pilipinas at hinahanap kami. Kukunin nya kaya ang anak ko? Hindi ko kakayanin, iniisip ko pa lang naiiyak na ako. Ako ang naghirap sa kanya hindi na lang pwede sa isang iglap mawawala ang taong natitira para sakin. Tulala pa rin ako ng dumating sa bahay, hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko, Masyado naman akong maramot para ipakait sa anak ko na makilala nya ang kanyang ama ganun din kay Drake para sa anak nya. Nakatitig lang ako sa anak kong natutulog habang nag-iisip, kailangan paghandaan ko ang lahat ng posibleng mangyari.

Kinabukasan habang nasa opisina si Geri biglang tumunog ang kanyang celphone.

Kring.... Kring....Kring....

Nakita nya unregister call bigla syang kinabahan pero sinagot pa rin nya ito.

"Hello"

"Hello, Geri this is Drake."

"Yes."

"Pwede ba tayong magkita bukas?

"Sige, dun na lang sa may coffee shop sa dati."

"Pwede bang isama mo ang baby ko?"

"Sige"

"Ok, Thank you! see u tommorow bye."

"Bye" napabuntong-hininga na lang si Geri.

Nagkita si Drake at Geri kasama ang kanyang baby sa coffee shop. Naunang dumating si Drake maya-maya dumating na si Geri bitbit ang bata. Napatayo si ang lalaki sa upuan ang makita sila, titig na titig ito sa bata ang tuwang-tuwa. Mababakas sa mukha nito ang kaligayahan, ipinaghila nito ang babae ng upuan at nagorder sila.

"Salamat at pumayag kang magkipagkita sakin." tuwang-tuwang sabi ng lalaki, casual lang ang mukha ng babae.

"Anong pangalan nya?"

"Maria Avielle Sandoval." napatingin si Drake kay Geri.

"Hindi kasi pwedeng gamitin ang apelyido ng ama ng walang pahintulot." sunod na sagot niya, nakuha nya ang ibig sabihin ng lalaki.

Nilalaro ni Drake ang bata at binuhat ito, pinagmamasdan lang ni Geri ang mag-ama naiiyak sya sa nakikita. Tuwang-tuwa ang bata sa lalaki siguro nararamdaman nya na ito ang kanyang ama.

"Anong nickname nya?

"Avie"

"Ilang taon na sya?"

"1 yr. old" maya-maya ay natapos na sila sa pagkain, namasyal pa sila sa mall at hinayaan lang ni Geri na makasama ni Drake ang anak. Ilang sandali ay napagpasyahan na nilang umuwi.

"Mauna na kami gumagabi na."

"Ihahatid ko na kayo."

"Wag na sanay nmaan kaming magcommute."

"I insist, ayokong pabayaan kayong mag-ina gabi na delikado na sa daan." pumayag na rin si Geri na maihatid sila. Pagdating nila sa tapat ng bahay.

"Dito na kami, salamat." hindi na inaya ng babae ang lalaki dahil ayaw din nyang magtagal ito doon, pero bago pa sya makababa ay naunahan na sya ng lalaki at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

"Salamat"

"Salamat din at pumayag kang makita ko ang bata, sana makita ko siya uli." nakangiting sabi ni Drake

"Sige, papasok na kami salamat uli sa paghatid at pagpasyal kay avie" tipid na ngiti ni Geri

"Sige ingat, bye baby" sabay halik kay baby, nakatingin kay Drake si Geri ng biglang tumingin ang lalaki sa kanya nagiwas sya ng tingin at tuloy-tuloy na pumasok na sa gate.

If you come back (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon