Chapter 36

161 2 0
                                    

CHAPTER 36

Pagkagaling nya sa bahay ng ina tumuloy sya sa isang bar gusto na nya munang makapag-isip, naisipan nyang tawagan ang kanyang kaibigan.

Ring.......

<Hello Drake>

"Hello pare pwede ka ba ngayon?"

<Problem?, sige saan ka>"

"Dito sa bar"

<Ok, i'll be there>

Ilang sandali pa dumating na ang kaibigan, medyo madami na ang inom ni Drake medyo tipsy na.

"Bro anong problema?" tanong ni Santi

"Pare hindi ko naman sinasadya eh" habang sapo nito ang ulo

"Ano bang nangyari?" kinuwento nya lahat ng nangyari lahat ng ginawa nya kay Geri

"What?! bat mo ginawa un? Are you crazy?" naiyak na si Drake sa sobrang muhi sa kanyang sarili

"Alam kong mali, hindi ko sinsadya hindi ko din alam kung bakit ko un ginawa. Gusto kong magsorry sa kanya tulungan mo ako pare"

"Alam mo kung ano ang dapat mong gawin Drake kausapin mo sya at sabihin lahat ng totoo sa kanya" napatingin sa kanya ang lalaki

"You have no choice but to do that"

Lasing na lasing ng bumalik si Drake sa hotel naupo sya kama habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.

"Tama si Santi dapat ko ng tapusin ito dapat ko ng sabihin lahat kay Geri bago mahuli ang lahat, magkakasama na tayo uli Geri aayusin ko na ang lahat para lang magkasama na tayo, tayo ng baby natin"

**************

Pagising ni Drake sobrang sakit ng ulo nya dahil sa dami ng nainom, ngayon nya isipan puntahan si Geri para kausapin at sabihin ang totoo. Paalis na sya ng maalala ang kanyang celphone nakita nyang may miscall at text galing kay Valerie, binuksan nya ang text nito.

<Drake meet us at mall, I have something to tell you it's important> 

Nakipagkita muna si Drake kay Valerie dahil baka importante ang sasabihin nito, matagal na din silang hindi nagkita ng dalaga simula ng mag-kaayos sila ni Geri noon. Pagdating ni Drake sa mall nagkita sila sa isang coffee shop.

"Hi, how are you?" bati ni Valerie

"Hi I'm fine, how about you"

"Well I'm fine too, by the way I have good news for you" nakangiti nitong sabi

"So what's the goodnews?"

"I heard that your contract is already finish, so now.... can you marry Geri" masaya nitong sabi

"Really? but they told us 2 months pa ang expiration ng contract namin" nagtatakang sabi ni Drake

"They check your contract nagkaron lang mga minor lapses sa date and nakita nila na tapos na pala ang contact ninyo so pwede na kayong magpakasal ni Geri"

Hindi alam ni Drake kung ano ang magiging reaksyon nya, masaya sya sa nalaman na balita pero may kailangan pa syang ayusin at hindi nya alam kung maaayos pa nya ito, pero handa nyang gawin ang lahat para humingi ng tawad kay Geri.

"Valerie thanks for the good news"

"No prob. sige I have to go may pupuntahan pa ako"

"Hatid na kita"

"No it's ok may dala akong car"

"Hatid na lang kita sa car park"

"Ok let's go" naglakad na sila sa mall papuntang car park

"Thank you sa paghatid" sabi ni Valerie

"No prob" at nagyakap sila at hinalikan ni Valerie si Drake sa pisngi

"Invite mo ako sa wedding nyo ha" 

"Oo naman" nakangiting sabi ng lalaki, bigla syang napatingin sa ibang direksyon nagulat sya sa nakita nya si Geri na nakatingin sa kanila sa malayo.

"Geri...."

"What?" tanong ni Valerie

"Si Geri nakita ko"

"Where?" tanong ni Valerie, nakita nilang naglalakad na ito palayo.

"Geri!" habol nya sa babae at tumakbo na ito 

Nagpunta si Geri sa mall dahil may kailangan syang bilhin para sa anak nya habang naglalakad sya biglang napatingin sya sa labas ng coffee shop. Nagulat sya sa nakita si Drake at si Valerie hindi lang iyon nakita nyang nagyakap ito at hinalikan pa nito si Drake. Ang sakit ng nararamdaman ni Geri pagkatapos ng nangyari nakita nyang nakikipaglandian si Drake sa ibang babae at kay Valerie pa, bigla itong napatingin sa kaniya.

"Geri!" sigaw ni Drake, dali-dali syang tumakbo palayo at sumakay ng taxi dahil baka maabutan pa sya ng lalaki.

Habang nasa taxi tuloy-tuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha sobrang sakit ng kanyang dibdin, wala syang ibang maisip na puntahan kay nagpunta si Geri sa simbahan at doon umiyak ng umiyak alam nyang hindi sya masusundan ng lalaki doon at para makapag-isip ng tamang desisyon para kanilang magkasintahan. Naisipan nyang hindi na muna umuwi sa kanilang bahay nagcheck-in sya sa isang hotel para makapagpahinga. Nag-ayos na sya ng kanyang sarili para matulog pero bago sya natulog nakapagdesisyon na sya CALL-OFF THE WEDDING.

*******************************************************************************************************

If you come back (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon