CHAPTER 8
"Geri let's go, sige mga bro una na kami" inalalayan ni Drake si Geri sumakay sa passenger seat umikot sya sumakay si Drake sa driver seat at umalis.
"Goodluck pare!" sigaw nila Lee, Antony at Santi."
"San tayo pupunta?"
"May pupuntahan tayo na place na lagi kong pinupuntahan, I feel peace pagnagpupunta ako dun lalo na pagmay problem ako."
"Bakit may problema ka ba?"
"Wala naman, kasi dun tahimik makakapagusap tayo ng maayos, kasi naisip ko di pa kita nakikilala ng lubos kaya I like to know you better." sabay ngiti ni Drake (oh my ghad ang killer smile ni Drake).
"uhmmm, ganun ba (naku san kayo ung tahimik na lugar baka sa motel? hindi naman siguro assuming much hehehe)."
"Were here!" nagpark ng sasakyan at naunang bumaba si Drake para alalayan si Geri sa sasakyan.
"You like the place?" tanong ni Drake
"wow ang ganda...." sabi ni Geri with a big smile habang inililibot ang mata sa buong lugar.
Geri POV:
Dumating kami sa isang park na sobrang ganda naunang bumaba si Drake ng sasakyan para alalayan ako, wow gentleman pala ito medyo naninibago lang ako sa mga ikinikilos ni Drake ngayon, dati ang sungit at walang pakialam sakin ngayon ininvite pa akong mamasyal.
"You like the place?" tanong nya sakin
"wow ang ganda...." sabi ko naman with a big smile ;)) totoo naman na maganda ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong park napapalibutan ito ng madaming bulaklak, malalaking puno, may chapel at may malaking water fountain sa gitna at sobrang tahimik ng lugar (baka naman sementeryo ito hehehe joke lang po hehehe park talaga). Naupo kami sa may bench at tumabi sya sakin (syempre alangan sa damo sya umupo hehehe).
"Lagi ka bang napunta dito? Pano mo nalaman itong place na ito?"
"Pag may problema, paggusto kong mag-isip, paggusto ko ng may makakasama sobrang romantic kasi ung place di matao tahimik." sabay titig sakin (ang gwapo nya talaga ang gaganda ng mga mata at ang lips ang pula at manipis parang ang sarap halikan) naiilang ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
"Uhm... Geri may itatanong sana ako sayo."
"Ano un?" naku eto na this is it di na ako makapaghintay para akong hihimatayin (landi lang 'teh?) panira naman ng POV itong author na ito...
"Actually ang weird kasi nitong feeling ko (feeling? tama ba ung narinig ko) kasi nung hindi pa kita nakikilala lagi kitang napapanaginipan eh di naman kita kilala. Kaya nung nakita kita sa mall naglakas talaga ako ng loob ng makipagkilala sayo at kaya kita inalok ng trabaho para mas makilala kita."
Tama ba ung narinig ko napapanaginipan nya din ako palagi, eh ganun din ako eh bat pareho kami baka nga destiny kami hehehe...
"Uhmmm.... sa totoo lang ganun din ako lagi kitang napapanaginipan noon kahit di kita iniisip di ko nga alam kung bakit, pero simula nung nakilala na kita di na kita napapanaginipan."
"Talaga! pareho pala tayo. Kwento ka naman tungkol sayo para mas makilala kita." naku nasa getting to know stage na ata kami ayyyiiieee....
"Dalawa lang kaming magkapatid pareho kaming babae, ung tatay ko namatay na nung bata pa kami tapos ung nanay ko may sakit ngayon, ako din nagpapaaral sa kapatid ko kaya tinaggap ko ung offer mo kasi mas malaki kesa sa dati kong sahod. Ako ang nagpapaaral sa kapatid ko sumusustento sa pangangailangan nila kasi wala naman kaming ibang aasahan. Buti naman nakapagaral ako at nakatapos, un ganun kasimple buhay namin.
"Do you have boyfriend?"
"Wala na po, matagal na po kaming hiwalay 2yrs. na tapos di na kami nagkita."
"Ah ok, so your single now?" tanong ni Drake habang nakatitig sa mga mata ko, bumaba ako ng tingin.
"Yes"
"So ok pala."
"Ang alin?"
"Ang ligawan ka." sabay ngiti at kindat sakin, nagblush ako sa sinabi at ginawa nya
"O bat namumula ka, hehehe."
"Ang init po kasi biglang uminit." bigla kong tayo
"Teka san ka pupunta?" sabah hawak sa braso ko
"Alis na tayo medyo gumagabi na." tumawa lang sya at nagpapacute (pakipot lang 'teh)
"Sige tara na kain na tayo."
Kumain kami ng dinner at nagkwentuhan uli nakakatuwa syang kasama malayo sa nakikita kong Drake noon na suplado at masungit, ngayon lagi syang nakatawa at palabiro. Pagkatapos naming kumain hinatid na nya ako sa unit ko hanggang pinto (o db hanggang pinto talaga 5th floor pa un).
"Sige pahinga ka na baka pagod ka na pasok ka na."
"Sige thanks sa dinner." pagtalikod ko biglang hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ako sa pisngi, nagulat ako sa ginawa nya kaya naginit at namula na naman ang mukha ko.
"Namumula ka na naman hehehe, sige pasok ka na." sabay pindot sa ilong ko, ngumiti lang ako at kumaway sya sakin at umalis na.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...