CHAPTER 25
Geri POV:
Kinabukasan habang nasa sala ako at nilalaro si Avie ng may dumating na dyaryo at binasa ko nasa frontpage picture ni Drake at Valerie magkaholding hands habang nagbubulungan. Sumikip ang dibdib ko sa nakita ko akala ko si Santi ang kasama nya bakit andito ang babaeng ito nagsinungaling sya sakin, ilang sandali lang lumabas si Drake sa kwarto hindi ko na alam kung anong oras sya umuwi hindi na ako nagtanong pa nagpanggap ako na wala akong alam.
"Drake maggogrocery sana ako ngayon paubos na kasi ung stocks natin sa ref."
"Pano si Avie?" tanong nya, parang nagpantig ang tenga ko hindi ba nya maalagaan ang anak nya kahit sandali.
"Bakit aalis ka ba?"
"May rehearsal kami ngayon." hindi ko na sya inintindi sa sobrang inis ko at pumasok na kami ni Avie sa kwarto pinaliguan ko ang bata nagbihis na din ako isasama ko na lang sya. Pagkatapos kong mag-ayos nauna na akong umalis kay Drake at hindi na nagpaalam.
Naiinis ako sa kanya sobrang sakit ng mga ginagawa nya sakin ngayon binabalewala na nya kami ngayon ng anak nya, Is he worth for the second chance? Dapat ko pa bang ituloy ang aming kasal? Mukhang mali ata ang naging desisyon ko na sumama kami ng anak ko sa kanya. Nawalan na ako ng gana sa lahat hindi ko na iniintindi ang kasal namin. Tumawag sakin si Lance niyaya nya akong maglunch wala naman sigurong masama dahil magkaibigan kami at wala naman kaming ginagawang masama. Nagkita kami sa isang restaurant.
"Kumusta? Mukhang matamlay ka ata." nakatitig si Lance sakin habang nakain, tumingin lang ako sa kanya at bumuntong hininga.
"May problema ba?"
"Si Drake kasi naninibago ako sa kanya this pas few days pagbalik nya galing sa tour, parang ang cold nya tapos kahapon sabi nya kasama nya si Santi sa bar un pala si Valerie kasama nya nabasa ko sa frontpage ng dyaryo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magselos o pakinggan ko muna nya. Di ko kasi sya maconfront."
"Siguro pakinggan mo muna kung anong reason nya kung bakit nagkakaganon sya baka may problem lang sya."
"Fiancee nya ako dapat kung may problem sya sabihin nya sakin hindi naman ako manghuhula para malaman kung anong problema nya." nanunubig na aking mga mata, hinawakan ni Lance ang kamay ko parang dinadamayan ako sa problema ko.
"Kaya nga mabuti pa mag-usap kayo mamaya tanungin mo sya di naman siguro masama un, para di ka na nag-iisip ng kung ano-ano pa."
"Salamat Lance at laging nandyan ka for me, hindi kung wala ka di ko na alam ang gagawin ko." lumapit sakin si Lance at niyakap ako.
"Sya nga pala pwede ka ba this Sunday?"
"Bakit anong meron?"
"Invite sana kita merong akong event na pupuntahan."
"Sorry lam mo naman di ako mahilig sa mga party kaya nga hindi ako nasama kay Drake sa mga ganyan ayoko ng mga sosyalan hehehe..."
"Ang cute mo talaga hehehe..." sabay kurot sa pisngi ko, "Napakasimple mo talaga, bakit pa kasi pinakawalan pa kita napakaswerte ni Drake sayo, basta andito lang ako para sayo."
"Salamat Lance." nakangiting sabi ko
Sa di kalayuan isang bulto ang nakatanaw kina Lance at Geri.... si Valerie, nakangiti ito ng nakakaloko.
Gabi na ng matapos ang rehearsal ng LADS at naghihintay si Valerie sa labas ng studio, pinuntahan nito si Drake.
"Hi Good Evening." sabay halik sa pisngi ni Drake
"Hi, Why are you here?"
"Where is your Geri?" sarcastic na tanong ni Valerie
"I dunno, maybe she's in the house, why are you asking?" sabi ni Drake habang naglalagay ng gamit sa sasakyan.
"well..... I saw him with Lance." biglang napalingon si Drake, nakangiting nakakaloko si Valerie
"When?" seryosong tanong nito
"This afternoon in the restaurant their having a lunch."
"Their friends, there's no problem if they hang out."
"But I think..... their not usual friends."
"What are you trying say?!"
"I think he likes your wife."
"WHAT?!"
"I saw them hugging and holding her hands." dali-daling sumakay si Drake sa sasakyan nya at pinaharurot ito, samantalang naiwan si Valerie na tuwang-tuwa.
Drake POV:
Tarantadong Lance yun ha sinasamantala niya ang pagkakaibigan nila ni Geri, humanda sya sakin.
Pinuntahan ko sya sa bar na pag-aari nya, hinanap ko sya at nakita ko na andun sa bar counter lumapit ako at umupo sa harap nya.
"Isang mug na beer." sabi ko kay Lance habang nakatitig sa kanya. Nagulat sya ng makita ako
"Kumusta?" tinitigan ko lang sya at tinungga ang isang mug ng beer. Ang gagong ito pakumusta-kumusta pa kala mo di ako ginagago.
"May problema ba Drake?"
"Layuan mo ang asawa ko!" singhal ko sa kanya
"Teka ano bang problema? magkaibigan kami ni Geri ako na lang ang natitira nyang kaibigan."
"Huh! talaga! wala kang gusto sa asawa ko?!" nagulat si Lance sa sinabi ko at biglang sumeryoso at itsura nya.
"Eh kung sabihin ko sayo na oo gusto ko sya at mahal ko sya! pero kahit kailan hindi ako nagtake advantage sa pagkakaibigan namin dahil alam kong ikaw ang mahal nya!" nagulat ako sa sagot nya
"Sinasabi ko na nga ba eh, Leave my wife alone!" nagsisigawan na kami ni Lance at pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala pa rin akong pakialam sa kanila.
"Sige lalayuan ko sya pero oras na malaman ko na nasaktan uli sya kukunin ko sya sayo at kahit kailan di mo na mababawi sakin" nagsusukatan kami ng tingin parang magsusuntukan na.
"Wag na wag kang lalapit sa kanya, kung ayaw mong pagsisihan lahat ng ito." at tuluyan na akong umalis
Pagdating ni Drake sa kotse pinagsusuntok nya ang manibela sa sobrang galit, hindi muna sya umuwi pumunta muna sya sa park uminom ng beer at nagpalamig ng ulo.
"Hindi mo sya pwedeng kunin sakin Lance tandaan mo yan, sobrang naghirap ako para makuha lang sya uli di ko ito sasayangin pa mahal na mahal ko sya di ko alam kung anong mangyayari sakin pa nawala pa uli sila."
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...