CHAPTER 10
Geri POV:
Nagulat ako sa pag-amin na ginawa ni Drake, Pagkatapos nyang aminin na mahal nya ako pinadama nya sakin un araw-araw. He always gave me a boquet of flowers, invite me for a dinner, give me bunch of chocolates at lagi nya akong pinapasaya para makalimutan si Lance.
Isang araw napagkasunduan namin ni Drake na maggrocery at magluto ng dinner tutal hindi pa namin ito nagagawa, nagdecide din ako na ngayong araw na ito sasagutin ko na sya hindi naman din masama dahil pareho naman kaming single at nararamdaman ko naman na totoo lahat ng pinapakita nya sakin.
"Maupo ka muna dyan malapit na itong maluto." sabi nya tama sya ang nagluto ng dinner namin paimpress lang hehehe...
"Marunong ka pa lang magluto."
"Oo naman, I used to be alone kaya kailangan marunong ka ng household chores, bakit naiinlove ka na sakin?" at nagpapacute sakin.
"Loko-loko! hehehe... sige na ayusin ko na ito mesa."
"Ayan! ok na luto na. Siya nga pala may ibibigay ako sayo halika" sabay hila sakin
"Ano yun?" lumapit sya sakin na may dalang boquet of white roses ung favorite ko pa, alam na alam nya talaga ang mga gusto ko.
"Para sa mahal ko." abot nya sakin ng flowers ng nakasmile.
"Wow thank you!" sabay yakap ko sa kanya. Nagulat sya sa ginawa ko, ganun din ako.
"Ay... sorry..." sabi ko at lumayo na ako. Tumingin sa sakin at hinawakan ang kamay ko at ang isang kamay ay nakahawak sa pisngi ko.
"Geri, I love you... masaya ako pagkasama ka, masarap kang kausap sobrang dami kong natututunan sayo, pinapasaya mo ako ngayon lang ako sumaya ng ganito sa buhay ko. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko, hindi ka tulad nila na naghahabol sakin natutuwa nga ako nung una tayong nagkita kilala mo ako pero napakacasual lang ng pag-uusap natin. Sana dumating din ung araw na matutunan mo din akong mahalin."
Dahan-dahan niyang nilapit ang noo nya sa noo ko pinadikit nya iyon at tumingin sa mga labi ko, bumaba ang mukha nya napapikit ako at dumampi ang mapupulang nyang labi sa labi ko, damang-dama ko ang kaniyang malambot na labi banayad lang ang kanyang paghalik nagunit sandali lang un at kami ay naghiwalay at nakatitig pa rin sya sakin (grabe ang gwapo nya talaga).
"Drake..."
"I.... I love you too." hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko ngayon lang ako naging masaya ng ganito mahal ko na talaga siya.
"Really! I love you so much geri! Thank you!" sabay yakap nya sakin ng pagkahigpit-higpit at niyakap ko din sya.
Official na kaming mag-on, pagkatapos ay nagdinner kami at napagkasunduan namin manood ng dvd. Naupo kami sa sofa, nakasandal ang ulo ko sa balikat nya at nakayakap ang kamay nya sa bewang ko. Masyado ata kaming close naisip ko hehehe... parang init ata. Masayang masaya ako pagniyayakap nya, feeling ko ligtas ako sa mga bisig nya at ang kanyang mga dibdib malapad grabe!. Hindi ko napansin na nakatulog na ako sa balikat nya. Pagmulat ng mata ko nakita kong nakatitig sya sakin.
"Nakatulog na pala ako bat di mo ako ginising?"
"Ang cute mo ngang matulog eh hehehe... ang sarap kasi ng tulog mo kaya pinabayaan na kita."
"Naku! anong oras na 10pm na pala uwi na ako." sabay tayo at kinuha ang bag ko.
"Dito ka na lang kaya matulog."
"Ha! hindi pwede uwi na lang ako, ok lang kahit di mo na ako ihatid."
"Tignan mo oh, ang lakas ng ulan sa labas mukhang may bagyo ata lakas din ng hangin." pagsilip ko sa labas sobrang lakas nga ng hangin at ulan.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...