Chapter 24

132 2 0
                                    

CHAPTER 24

Ilang araw di tumawag si Drake kay Geri nung nasa ibang bansa sya, sobrang nagaalala na ang dalaga ilang sandali lang tumunog ang celphone nya.

Kring..... kring.... Kring..... tinignan ni Geri ang phone si Drake tumatawag

"Hello"

"Hello, sorry ngayon lang ako nakatawag mahina kasi ang signal dito at sobrang busy namin, how are you and baby?"

"Ok lang eto nagwoworry kala ko kasi kung ano ng nangyari sayo."

"Don't worry I'm ok, cge I have to go my autograph signing pa kami I'll call you later ok bye." hindi pa nakakasagot si Geri binaba na ni Drake ang phone

Tooot... toot.... tooot....

"Ano ba yan di man nag-i love you, hhmmmpppp...."

***********

Gabi na ng dumating si Drake sa pad nila matapos ang isang linggong concert tour.

"Hi Hon! di ka tumawag na uuwi ka na pala" bati ni Geri

"Hi" sabay halik sa pisngi ng dalaga

"Sakto nagluto ako, tara dinner na tayo." masiglang sabi nito

"Busog pa ako kumain ako sa airplane, pagod ako magpapahinga muna ako." walang buhay na sabi ni Drake at tuloy-tuloy na itong pumasok sa kwarto.

Geri POV:

Bat kaya ganun ngayon si Drake parang wala sa mood ni hindi man lang sinilip yung anak nya, sabagay baka pagod nga. Pumasok ako sa kwarto nya nakita kong tulog na tulog sya ni hindi na nakapagpalit ng damit nya mukhang pagod na pagod nga, kinumutan ko na lang sya at lumabas na.

Kinabukasan paggising ko nakita kong nakabihis na si Drake at mukhang may lakad.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"May rehearsal kami ngayon may guesting kasi kami."

"Ang aga naman, kumain ka muna maghahanda lang ako."

"Hindi na dun na ako kakain, sige mauna na ako bye." at humalik sa pisngi ko pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

Naninibago talaga ako sa mga ikinikilos ni Drake ngayon, hindi kaya may iba na sya hindi naman siguro. Ayokong pagdudahan sya gusto ko ako mismo ang makakakita sa kanya kung may ginagawa man syang kalokohan.

Nagkita si Drake at Valerie sa isang mall pagkatapos ng rehearsal nila, nagpasama si Valerie kay Drake dahil bibili ito ng bagong sasakyan. Pagkatapos ay nag-joy ride sila at ginabi, sa isang bar sila napadpad.

"Nakapunta ka na ba dito?" tanong ni Valerie

"Nope, this is my first time here."

"Really, this is a nice place di ganun ka-crowded."

"Yah pansin ko nga."

Sa di kalayuan ay may nakakita sa kanila...... si Lance. Nakatitig lang ito sa kanila habang nagbubulungan silang dalawa at nagtatawanan pero paminsan-minsan ay kung san-san humahawak ang babae at lumalapit ang mukha nito kay Drake. Biglang nagvibrate ang phone ni Drake si Geri tumatawag.

"Hello" sagot ni Drake

"Hello, Uhmmm.... Nasan ka?"

"Andito kami ngayon sa bar, uhhmmm... birthday kasi ng pinsan ni Santi kaya sinama kami."

"Ah ganon ba."

"Sorry di na ako nakapagpaalam biglaan kasi, wag mo na din akong hintayin baka gabihin na ako." biglang may narinig si geri na babae sa kabilang linya (Drake let's go) sabi ng babae.

"Sige I have to go matulog ka na bye." biglang naputol ang linya, napayuko na lang si Geri sa narinig ayaw man nyang aminin pero parang nasaktan sya na may kasaman babae ang asawa nya.

Nakita ni Lance na may kausap si Drake sa celphone, tinatawagan nya ang phone ni Geri busy ang linya nito.

Lance POV:

Kumusta na kaya si Geri matawagan nga alam nya kaya na may kasamang ibang babae ang asawa nya nakakaawa, kung makikita nya lang ito tiyak na masasaktan sya. Tawagan ko nga si Geri kukumustahin ko, nakita ko si Drake na may kausap sa celphone busy naman ang line ni Geri malaman baka ito ang kausap ni Drake. Pagkaraan ng ilang minuto ibinaba na nito ang telepono dahil hinila sya ng babae papunta sa dance floor. Tinawagan kong muli si Geri sinagot na nito ang phone.

"Hello Lance."

"Hi Geri, bat gising ka pa?"

"Hinintay ko kasing umuwi si Drake pero sabi nya gagabihin daw sya." habang kausap ko si Geri nakatingin ako kina Drake na nagsasayaw.

"Bakit san ba sya nagpunta?" maang-maangan kong tanong

"Nagbar sila birthday daw ng pinsan ni Santi." walanghiya ito nagsinungaling pa kay Geri birthday daw nakikipaglandian lang sa babae, eh kung isumbong ko kaya ito pero di tama un dapat sya mismo ang makakita kina Drake baka di maniwala sakin si Geri baka isipin nya sinisiraan ko si Drake mahal pa naman nya ang gagong un. Sana hindi ko na lang sya iniwan sana ako na lang ang binigyan nya ng second chance.

"Hello, Hello Lance andyan ka pa ba?"

"Yah, sorry mag ginawa lang kasi ako, sige magpahinga ka na gabi na wag mo ng hintayin baka mamuti pa mata mo."

"Ano?!"

"wala sabi ko sige Goodnight na."

"Ok, goodnight."

If you come back (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon